CHAPTER 31 CAN WE HAVE A DATE?

Mulai dari awal
                                    

Carlsvin’s POV

Yung babaeng yun talaga lalo ko tuloy siyang---- hahaha alam nyo na yun.

Then tumayo na ko at napansin kong iba yung damit ko. Siya kaya nagpalit ng damit ko? So nakita na niya lahat???? Hahahaha maasar nga.

Maya-maya lumabas na din ako. Nagpunta na ako dun sa may lamesa kung saan naghahanda siya ng almusal. Naupo na din ako dahil sabi niya. Maliit lang yung bahay pero malinis naman at mukhang tahimik. Katabi ko siya ngayon. Nang umiinom siya ng tubig....

“Han, Ikaw nagbihis sa akin no? Kailangan pakasalan mo na ko. Nakita mo na lahat eh.” bulong ko sa kanya. Muntik pa niyang maibuga yung tubig.

“What?!!!!.....are you talking about? Gusto mo pa bang mabuhay??? Ikaw kaya ang nagbihis. Nilagnat ka lang nagka-amnesia ka na.”

Tawa lang ako ng tawa sa reaksyon niya. “Nakakatuwa kayong mag-asawa.”

“Ang sweet niyo Kuya. Bagay na bagay po kayo/”

“Talaga???” Then hinawakan ko yung waist niya at inilapit siya sa akin.

“Ano ka ba? Lumayo ka na nga.” Tulak naman niya sa akin.

“Ang sweet talaga ng asawa ko. HAHAHAHA.” I pinch her nose. 

“Ah kumain ka na.”

Tapos. Tumingin na lang ako sa pagkaing nasa harap ko. “Teka Han, wala bang spoon and fork? Di ako sanay magkamay eh” bulong ko sa kanya. Nakakahiya naman kasi.

“ Huh? Tskkk. Yabang mo kasi eh.”

“Ha?”

“Sabi ko ang yaman mo kasi.”

Kumuha siya ng isda. Di ko alam kung ano yun eh. Kumuha din siya ng kanin. Tapos naghimay na siya ng isada. At binigay niya yun.

“O ano yan?”

“E di pagkain kumain ka na bilis.”

“Ayoko di nga ako sanay eh a-at”... hmm.... tama maloko nga...“ Masama pa pakiramdam ko eh. Subuan mo bilis.”

“Huh ano ka sineswerte?”

“Sige na.” hinawakan ko yung ulo ko. At kunwaring sumasakit yun.“ Masama talaga eh.”

“Iha sige na.” Pagtutulak naman ni Lola.

Tapos nagisip siya sandali. Malapit na tong pumayag. Kinuha niya yung plato ko.. at... “Ah.”

“Thank you." Ngumiti ako sa kanya at...  "Ahhh.” KAIN KAIN KAIN. “Ang sarap.”

“Syempre naman. Masarap magluto si Lola eh.” Ngumiti siya kaila Lola.

“Di naman yun eh." Tumingin ako kay Lola. " Pero Lola masarap din ha, pero kasi po mas masarap yung may kasamang pagmamahal ng asawa ko.”

“Asawa ka diyan.” Saway niya sa akin.

Then ngumiti lang ako sa kanya. At ang tanging nakuha ko lang ay... ROLL EYES. Hahahaha nakakatawa talaga sya.

Hanna’s POV

Ang lakas ng topak nung lalaking yun. Hay naku. Nagliligpit na kami ng gamit  ngayon. Papunta na kami ng El nido. Kahit papano makarating man lang ako. Bukas pa naman kasi ang alis nila dun deretso pabalik ng airport.

Hinatod naman kami nila Lola at Cass sa harap ng koste. “ La, Cass. Thank you po. Wala po ba talaga kaming magagawa para makabayad???”

“Naku wala na yun. Siguro pag nagpunta na lang kami sa Maynila. Ikaw naman ang bibisitahin namin.”

“Naku sige po. Ok lang po.” Sabi ko naman.

“Opo La, pedeng pede po kayo kung gusto nyo itotour po namin kayo. Punta po kayo sa bahay namin ni Hanna.”

“Ahh opo sa bahay po namin ng Mama at Lola ko." Tumingin ako sa kanya... at inirapan siya. " Tapos po sa bahay po nila Carlsvin.”

“Huh ang gulo nyo naman. HAHAHAHA. Sige na ng di kayo gabihin sa daan. Magtatanghali na.”

“Sige po ingat po kayo. Cass ingat ka palagi ha.”

“Opo ate.” Sumakay na kami ng kotse at nagsimula namang magdrive yung kasama ko.Nagwave naman ako kaila Lola at Cass. Nang medyo malayo layo na din kami.

“Carl. Tigil mo muna saglit." Kait hindi niya alam yung gagawin ko, tinigil namna niya. "Lapit ka muna sa akin.”

Lumapit siya ng konti at nakapikit. Then tinapik ko ng medyo lang namang lakas yung noo niya.

“Aray. Kagagaling ko lang sa sakit eh.” Hawak niya yung noo niya ngayon.

“Kaya nga kita pinapalapit eh para tignan kung ok ka na.”

“Oh.” Lumapit siya ulit.

Hinawakan ko yung noo niya. Hmm... wala na siyang lagnat. “ Pagdating dun magpahinga ka muna ha. Wag ka munang sumama sa mga activities. Ok?”

“Ayaw.”

“Bakit ba ang kulit mo?”

“Kasi hindi kita makakasama." Sabi niya na parang bata.

It surprise me. Ewan ko ba. “ Hay naku ewan ko sayo. Basta kung hindi ka susunod sa akin,  lagot ka talaga sa akin.”

“Tskkk.”

“Good boy.” I patted his head.

At yun, nakapout na nagsimulang mag-drive to. Natawa na lang ako sa kanya. Nagsound trip na lang ako.

At sa wakas... nakarating din kami. At......after one hundred years nagpaiwan din yung lalaking yun sa hotel. Napakakulit. Parang bata. Pinatulog ko muna, I mean hinintay kong makatulog.HAHAHAHA. Pag-gising nun wala ako. Patay. Bahala nga siya.

Ako naman ngayon. Sumunod na ko kayla Jsey.

“Naku pasensya ka na ha. Ako na lang gagawa ng reports. Pagsasamasamahin ko lahat ng info’s na nakuha nyo. I’ll do the reporting too.”

“Naku kararating lang eh. Ok ka lang ba?”

“Yup. Hmmm.. mamaya na tayo magkwentuhan. Mag-aral muna tayo.”

“Study freak.”

“What???” tatawa tawa kong sabi.

“Nothing." Kunwaring nagbabasa siya ng papaer sa kamay niya. " Ang sabi ko, sabi ni Hero magkita daw kayo sa may veranda sa may 2nd floor mamaya after nito.”

“Bakit daw?”

“Malalaman mo din.” She shrugged her shoulders.

“Ok.” Nagumpisa na lang din ako na magsimulang magsulat. Hmm.. ano naman kaya iyon??? Nung tinitignan ko naman si Hero, hindi naman siya tumitingin kung nasaan ako. Hay naku. Bahala na nga.....

Maya-maya hindi ko napansin na mga quarter to six na pala kami natapos. Nagpunta kaaga ako sa may veranda. Nakita ko siya na nakatingin sa may dagat. Nakatalikod siya ngayon.. kaya naman tinawag ko na siya.

“Hero." Tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin.. at nang makita niya ko.. ngumiti siya sa akin. "Ano nga pala yung sasabihin mo?” Ngiti kong sabi sa kanya.

“ Hanna, can we have a date tonight???” ANg ngiti ko napalitan ng.... pagkagulat.

What??? Nananaginip ba ko???!!!!

*********

BY CHANCETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang