Please. :(

Alam ko naman na hindi sincere ang pakikiusap sa akin ni Arron. And I’m tempted to let him be at wag na lang pansinin but a part of me wants to help him. Paano kung totoong psycho nga ang babae at may gawin siya kay Arron? Paano kapag pinikot niya yung baboy na yun? Magiging konsensiya ko pa.

Napabuntong hininga na lang ako sa mga naiisip ko at walang ibang nagawa kundi ang puntahan siya sa mall. Dahil wala akong sasakyan, nagcommute ako. Instead of riding an ordinary jeep, sa taxi na lang ako sumakay. Hindi naman kasi ako sanay sumakay sa ordinary jeep ng walang kasama. And besides, mas madaling magtaxi kaysa sumakay ng jeep. It’s not exactly the cheapest way to commute but it’s comfortable and much convenient.

Hindi na ako pumunta pa kahit saan at dumeretso sa lugar na tinutukoy ni Arron sa text. Sa malayo pa lang ay natanaw ko agad ang built ng katawan ni Arron. Pati ang buhok nito ay pamilyar na pamilyar na rin sa akin. Kahit nakatalikod ay malalaman mo na gwapo talaga siya. Kung hindi lang talaga palpak ang ugali.

Napailing-iling ako. Sunod kong tiningnan ang babaeng nasa harapan niya. She looked pretty. Makinis ang balat, maputi at mukhang alaga sa beauty products ang mukha nito. Her hair was cut short pero bumagay lang ito sa mukha niya. Damn, she’s attractive. Paano naging isang psycho ang kasing ganda at sexy na katulad ng babaeng iyon?

Umiling-iling ako at huminga muna ng malalim bago lumapit sa kanilang dalawa. I changed my face into something that looked–fuming for the sake of my role.

Nakita ko ang naluging mukha ni Arron nang makalapit ako sa lamesa nila. I mentally scoffed and rolled my eyes. As much as I want to put him in misery…

“You jerk!!” I shrieked. Their head both snapped to mine at mukhang pareho silang nagulat sa sudden appearance ko. I gnashed my teeth and stared at Arron na napangisi. Mabilis niya iyon itinago pero hindi pa rin nawala sa mga mata niya ang pagkatuwa.

“Shit.” he cursed.

“Excuse me? Sino ka?” binalingan ko ang mukha ko sa babae at siniguradong masama ang tingin na ibibigay ko sa kanya.

“Wag kang magsalita! Baka hindi ako makapagtimpi at mahampas ko itong bag ko sa mukha mo.” ibinalik ko ang atensyon ko kay Arron. My eyes started to water on its own.

“Kitten, I can explain–” sinimulan ko ang paghampas sa kanya ng bag sa balikat at sinalag niya naman ang bawat paghampas na ginagawa ko sa aknya.

“Ang kapal talaga ng mukha mo! Ang kapal mo talaga! Ang kapal-kapal mo!” naiiyak kong sabi ko dito pero hindi pa rin tumutulo ang mga orchestrated na luha ko. Kulang pa yata ng hugot.

How to Break a Heart (To be published by LIB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon