"Pero bakit nga?"

Kinuha nya ang isang picture sa hita ko. Hinarap nya sakin ang picture ng Lolo ko.

"Because of him... Nalaman nya ang totoo at nagbanta sya na ipapa-patay tayo pareho kung hindi sila titigil."

Tinitigan kong mabuti ang muka nung matanda sa picture. Muka na syang mahina pero kita pa rin sa kanya ang supistikado at pagiging ma-otoridad. Nagsusumigaw ng 'kahit matanda ako, mayaman ako!'.

Tatlong M! Matandang, Mayamang, Masungit!

Binalik ko ang tingin sa kanya ng ibaba nya ang picture. Malungkot ang mga mata nya at alam kong nasaktan din sya sa ginawa ng Lolo ko. Dalawa kaming resulta ng binuong pamilya ng mga magulang namin pero hindi pala pwede ang pamilyang yon.

"Pero... Panu ka napunta kila Papa?" Tanong ko.

Sabi nya iniwan din sya ng Mama nya at hindi nagpakita pa pero bakit magkakasama sila?

May dayaang nangyayari!

"When that accident happen----that they thought I died. Merong naka-kita saking palutang-lutang sa ilog. Dinala nila ko sa ospital, ilang araw akong tulog kaya walang nakakuha ng information tungkol sakin." Bahagya syang tumingin sakin at ngumiti. "...sakto namang pinapahanap ni Mama ang bangkay ko at sa ospital na yon may nakakita sakin."

Bangkay agad?! Hindi ba pumasok sa isip nila na buhay pa sya?

"P-pero bakit wala man lang naka-alam na buhay ka?"

Kung alam mo lang ang mga nangyari nung nawala ka. Nagka-sira-sira sila ang mga kaibigan nya. Halos lahat galit kay Aries dahil sya ang sinisisi ng mga tao.

Napahawak sya sa manibela at unti-unting humigpit yon. "Si Mama... She let them think that i'm already dead." Ngumiti sya ng mapait. "...lakas pa ng loob kong magtampo kung bakit walang dumadalaw sakin. Kasi pala patay na ko para sa kanila."

Napailing ako. "4 years kang hindi nagpakita... Bakit wala ka man lang ginawa?" Nagsisimulang tumaas ang boses ko.

Hindi ako ang naiwan nung nawala sya. Hindi rin naman ako naapektuhan dahil hindi ko naman sya kilala noong panahon na yon pero hindi ko maiwasan na hindi sya kwestyunin.

"Almost 4 years..." Pagtatama nya sa sinabi ko. "...I'm paralyzed. I can't move my body and your Dad is the one who took care of me. Kaya nakilala kita----he keeps telling things about you and it makes me... Fall in love with you."

Tongono!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Fall inlove with me?! Ang bigat ng salitang binibitawan nya. Pakshit lang! Pakiramdam ko malaking problema to.

"As a sibling... Brotherly thing. Parang kay Felix nung unang beses ko syang makita." Bahagya syang tumawa. "...Kala mo naman! Maka-react ka dyan."

Yung ang sarap manuntok ng muka. Ang bigat bigat na nga ng nararamdaman ko tapos biglang magsasalita ng ganun. Hindi ko na tuloy alam ang dapat kong maging reaksyon sa kanya. Mababaliw ako dahil sa lalaking to!

Ang hirap kausap! Putcha!

"So..." Pagtutuloy nya. "...yun ako sa buhay mo. Stepbrother." Ngumiti sya sakin.

Napailing ako. Masaya akong malaman kung sino sya talaga pero nananaig sakin ang kalungkutan. Ang komplikado pala kasi ng buhay ko. Sa sobrang komplikado wala man lang naglakas ng loob na sabihin sakin ang totoo.

"A-alam din ba ni Mama yon?" Mahinahon kong tanong.

Huminga sya ng malalim at tumingin sa ibang direksyon. "I'm not the one who should answer it."

Ang Mutya Ng Section E (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon