April 14, 2014

24.8K 557 14
                                    

Dear Diary,

Migs called. He was asking if I was okay. Nang sabihin nyang pupunta sya sa bahay, nilock ko ang pintuan at sinarado ko lahat ng bintana. I even turned off my phone para hindi nya na ulit ako ma-contact.

Alam kong ilang linggo lang, mahahalata na nila. Mag-resign kaya ako? Uuwi ako ng probinsya. Dun na lang ako hanggang sa manganak ako. Kaso, natatakot ako sa sasabihin nila, lalo na ng mga pinsan ko. Baka isipin nilang kaladkarin akong babae.

Should I tell Migs? Pero baka iwasan nya 'ko kapag nalaman nya. Yes, he told me na pananagutan nya if ever pero paano kung hanggang salita lang pala yun?

Ugh. What did I get myself into?

Going mental,

Ingrid

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Where stories live. Discover now