March 18, 2014

26.8K 776 23
                                    

Dear Diary,

Migs called earlier today. May sakit pala sya. And the selfish bastard wants me to take a leave just so I could take care of him. Mag-SL din daw ako para pareho kaming SL, para cute. Kunwari coincidence. Gusto ko syang sapukin that time.

Pero namayani ang awa nang marinig ko syang umubo at suminghot. He was not feeling well since yesterday but refused to take a rest. Hindi nya na nga ako naihatid kahapon kasi nakuha nya pang mag-OT.

Ayan ang kapalit ng kasipagan nya.

Anyway, hindi ako pumayag na mag-SL kasi mukhang kahina-hinala kung pareho kaming absent on the same day. Mamaya pag-tsismisan pa kami ng mga officemates ko.

Knowing Lester and Jessica, they'd probably start that rumor. Isi-shield na naman nila ang edad ko. Sobrang laking issue sa kanila ng virginity ko. Pakawalan ko na raw bago mabulok. Adik ba sila?

Nag-half day na lang ako tapos dumiretso ako sa bahay ni Migs. Balot na balot sya ng kumot, malaki at maitim ang eye bags at mukhang dehydrated. For a guy, he's pretty neat with his house. Walang kalat except yung mga balled tissue sa may couch nya.

Sa coffee table nya, may isang bowl ng noodles tapos may beer sa tabi. Grabe, may sakit na nga sya tapos nakuha pang uminom ng beer? May towel na rin na nakababad sa isang plangganita ng yelo. Dinama ko yung noo nya. Mainit na malamig. Parang pagkaing galing sa freezer tapos minicrowave.

Ang arte nya kapag may sakit. Gustong hinihilot, minamasahe, hinahagod-hagod. Daig pa ako e. Ako kapag may sakit, nanunuod lang ng TV hanggang makatulog.

Gumabi na't lahat, hindi pa rin bumababa ang lagnat nya. Napainom ko na sya ng gamot at mainit na orange juice pero wala pa rin. Pinagsuot ko pa nga sya ng dalawang jacket pero hindi pa rin sya pinagpawisan. Ayaw nya kasing matulog kaya hindi sya makapahinga.

Ako na lang ang umidlip. Sumubsob ako sa dining table at doon natulog.

Nang magising ako ng bandang alas onse, may kumot ng naka-cover sa 'kin. And Migs was staring at me like a ghost with nothing to do. He wasn't even blinking, diary! Ang creepy!

And then he stooped down and kissed me.

Weirded out,

Ingrid

P.S. He begged me not to leave him alone.

The Misadventures of Finding Mr. Right 2Where stories live. Discover now