Chapter 3: First Encounter

17.9K 675 46
                                    

Teo's POV

Linggo na at wala akong pasok sa trabaho kaya naman tumutulong ako sa mga gawain namin sa bahay. Hindi rin nangingisda si tatay Ely at hindi rin pumupunta sa palengke si nanay Loida kaya nagkakasama-sama kaming lahat.

"Kumain ka ng marami para naman tumaba ka kahit na papano," sabi sa 'kin ni tatay habang nag-aalmusal kami.

"Hindi naman ako patpatin 'tay eh. Normal naman ang timbang ko," sabi ko habang kumakain ng pritong saba.

"Eh kahit na. Ito ngang kapatid mo eh kulang na lang tumalbog sa katabaan-"

"Ang sakit mong magsalita, 'tay!" sabi naman agad ni Buknoy na kanina pa nakasubsob sa plato niya.

Tumawa na lang ako.

"Ako na po pala 'nay ang maglalaba. Tsaka mamaya pong hapon ako na rin po ang mamamalengke," sabi ko kay nanay Loida.

"Hayan ka na naman. Ay subukan mo kayang magpahinga?" tanong ni nanay.

"Kayo po ang dapat na magpahinga ni tatay. Mas mabigat at mahirap po ang trabaho ninyo. Ako na bahala 'nay. Tsaka isasama ko naman 'tong si Buknoy eh para may mapaggamitan naman ang mga sebo niya sa katawan," sabi ko.

"Oh sige. Mag-iingat kayo. At ikaw Buknoy ha, tulungan mo ang kuya mo. 'Wag kang pasaway," sabi ni nanay.

"Opo!" sagot naman agad ni Buknoy.

Bumaling naman sa 'kin si tatay Ely.

"Teo, anak. Malapit na ang birthday mo. Ano bang gusto mong gawin natin? Gusto mo ba ng 18 roses?" tanong ni tatay.

"'Tay… 21 po ang debut ng mga lalaki. Tsaka 'wag na po kayong gumastos. Basta kumpleto tayo eh masayang-masaya na ako," sabi ko naman.

"Eh ayaw mo man lang bang maghanda? Ay paniguradong sisingilin tayo ng mga pinsan mo niyan," sabi niya.

"Kung maghahanda po kayo eh simplehan niyo lang 'tay. Tsaka 'wag kayong gagastos nang masyado. Bigyan mo lang ng isang kahon ng alak 'yang mga pinsan ko eh masaya na 'yan," sabi ko naman.

Pansin ko na nagtitigan sina nanay at tatay.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko namang kinuha ang mga lalabhang damit namin.

"Tara na, Buknoy," tawag ko sa kapatid kong nasa mesa pa rin.

Nasa isang tiyahin kasi namin ang pinakamalapit na poso dito. Naabutan ko rin siyang naglalaba.

"Tita Eden!" bati ko sa kanya. Agad naman kaming nagmano ni Buknoy.

"Oh, maaga ka atang maglalaba ngayon?" tanong niya.

"Marami-rami pong gagawin eh. Si Tito Roger po?" tanong ko.

"Maaga namasada sa jeep. Ni hindi ko nga namalayan na umalis eh," sagot niya.

"Si Kuya Eric? Ba't parang wala po siya dito?" tanong ko pa.

"Hayun, maaga rin na nakipag-basketball. Ewan ko ba diyan. Ang tanda-tanda na puro basketball ang inaatupag," sabi niya.

"Hayaan niyo na, tita. Tsaka balita ko may pa-liga raw po si mayor. Sasali po ba sila?" tanong ko.

"Ay malamang sasali ang mga 'yan. Alam mo namang wala 'yang pinapalampas na oportunidad. Alam ko namang masaya siya sa pagba-basketball. Pero hindi man lang siya makagaya sa 'yo, responsable. Ang swerte sa 'yo nina Ely at Loida," sabi niya.

"Eh swerte naman po ako sa kanila. Pinalaki po nila ako nang maayos," sabi ko naman.

"Kaya nga. Eh ako, kahit anong gawin ko eh sadyang talagang mahal na mahal ni Eric ang bola. Malaking biyaya ka mula nung nakuha ka niyan nina Ely-"

Living With The HeirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon