CHAPTER 27

1.4M 33.5K 3.8K
                                    

CHAPTER 27

MARAMING nagsasabi na makikilala mo lang ang isang tao kapag nakasama mo na siya sa iisang bubong. It was very true. Mas nakilala pa ni Tess ng lubusan ang isang Hunter Baltazar habang magkasama silang nakatira sa bahay niya.

Sa bawat araw na nagdaan, walang lumipas na sandali na hindi ito naging malambing sa kaniya. Palagi siya nitong inaalagaan at minamahal ng sobra-sobra pa sa inaakala niya.

And being with the man like Hunter gave her so much happiness. Hindi niya akalain na ganito pala kasarap mahalin ng isang Hunter Baltzara.

Akala niya mahihirapan ito dahil sa pag-iwan nito sa mundo nito para sa kaniya. He left Baguio just for her. At araw-araw, pinapasaya niya ito para hindi nito pagsisihan ang desisyon ng dahil sa kaniya.

"I'm positive, baby," ani Hunter habang nakatayo ito sa tabi niya at hawak ang kamay niya habang siya ay nakaupo at nakatingala rito. "Buntis ka talaga."

Sa kanilang dalawa, ito palagi ang nag-aalala at ang daming iniisip. He even looked nervous, it made her chuckle from time to time. Kung makaakto kasi ito parang ito ang buntis at hindi siya.

Nailing na natawa nalang siya sa fiancé niya. "Maghintay ka lang ng ilang sandali, malalaman din natin."

Humaba ang nguso nito. "Bakit naman kailangan pa nating maghintay ng dalawang linggo para magpa-check up ka. I mean, we could have done it a week before and—"

"Dahil 'yon ang gusto ko at ang gusto ko ang masusunod."

Napalitan ng ngiti ang nguso sa mga labi nito. "For my baby, anything."

"That's my man," nangingiting sabi niya. "Saka para sigurado, diba? Besides, we've been busy with our upcoming wedding and this is our only free time."

"I know." Dumukwang ito para halikan siya sa nuo. "Tapos na ba lahat ng test para malaman kung buntis ka, which I'm sure that you are."

Tumango siya. "Yes. Sabi ng OB ko kanina hintayin lang ng kaunti ang resulta."

"Okay." Umupo sa tabi niya si Hunter habang ang kamay niya ay hawak parin. "But I'm getting impatient, baby. Excited na akong malaman ang resulta."

As if on cue, her OB stepped out from her office. Kaagad na tumayo si Hunter at sinalubong ang doktora na naglalakad palapit sa kanila.

"Anong resulta, Doc?" Excited na tanung ni Hunt sa Doktora na mahinang natawa sa excitement sa boses ng binata. "Buntis po ba ang soon to be wife ko? Is she okay? Is the baby healthy?"

Nangingiti ang doktora ng sumagot sa sunod-sunod na tanong ni Hunter. "Yes, Ms. Tessmarie De Leon is—"

"Mrs. Tessmarie Baltazar, doc," pagtatama ni Hunt sa doktora na mahina niyang ikinatawa. "Next week na ang kasal namin. And I like hearing her name with my surname on it."

Bumaling sa kaniya ang doktora. "You're very lucky with your soon to be husband."

Nangingiting tumayo siya sa kinauupuan saka naglakad palapit sa dalawa. "Yes, I'm very lucky," aniya saka ini-angkla ang braso sa braso ni Hunter. "Well, doc? Positive ba?"

"Your four weeks pregnant," sabi nito sa kaniya. "The baby is okay—"

"Yes!" Biglaw sigaw ni Hunt na bahagyan niyang ikinagulat. He even punched the air for goodness's sake. "Magkaka-baby na tayo, Tessa." Sa harap mismo ng doktora, hinalik-halikan nito ang tiyan niya. "Yes, baby, yes!"

Natawa nalang sila ng doktora sa inakto ni Hunter.

"Pagpasensiyahan mo na, doc," aniya na ang tinutukoy ay si Hunter na hinahalik-halikan pa rin ang tiyan niya. "Excited lang talaga siya."

POSSESSIVE 17: Hunt BaltazarWhere stories live. Discover now