Naging tulala si Brent buong period ng klase dahil sa sinabi ng kaibigan niya. Napaisip siya na baka pag si James ang maging representative ng year nila, ibig sabihin ay hindi siya kasali sa competition. Isang paraan lang ang kayang niyang gawin para hindi siya mapalitan – yun ay ang talonin niya si James sa intramurals.

 

Mahal na mahal ni Brent ang chess at walang araw itong hindi naglalaro. Magsawa man siya sa lahat pero hindi sa chess. Ito kasi ang larong ipinamana sa kanya ng Papa niya. Aminado si Brent na naging pabaya na siya sa lahat at kasama na roon ang obligasyon niya kay Kareeza at sa school.

 

Halos dalawang taon na si Kareeza at Brent at masasabi talaga ni Brent na seryoso siya kay Kareeza pero bigla siyang nawalan ng gana dito. Una, dahil sa masyadong attached si Kareeza sa kanya. Masyado itong seryoso at hindi halos marunong mag-enjoy sa buhay. Tahimik lang din ito at hindi nakikipaghalubilo sa mga kaibigan niya. Kumbaga, hindi siya “game”. Pangalawa, hindi ito pumapayag makipag-sex sa kanya. Oo, sa halos dalawang taon nilang magka relasyon ay hanggang holding hands at kiss lang sa pisngi at lips lang si Brent. Masyado siyang naiirita dahil sa masyado itong conservative.

 

Dahil sa nawalan na siya ng gana ay nakipag relasyon siya sa iba. Akala ng lahat ay si Kareeza lang ang girlfriend niya pero hindi. Limang buwan na silang may relasyon sa isang kulot na cheer leader na si Abby. Maganda si Abby at game ito sa lahat. Minsan naiisip nang hiwalayan ni Brent si Kareeza dahil kay Abby. Hindi na kasi siya masaya. Pakiramdam niya ay napaka-useless ng relasyon nila dahil wala itong halong intimacy at lust.

 

Oo, mahal niya si Kareeza pero mas mahal niya ang sarili niya. Dahil narin sa sobrang pagmamahal niya sa sarili niya ay hindi niya magawang iwan si Kareeza. Bakit? Dahil pag nawala si Kareeza, sino nalang ang gagawa ng mga assignments at projects niya? Sino nalang ang maging sandalan niya sa oras ng gipitan?

 

Napailing nalang si Brent habang matalim na tiningnan si Kareeza at James na masayang nag-aaral sa kabilang bench. Nawala lang ang atensyon nito nang tapikin siya ng mga barkada niya. Napangisi siya ng tumabi si Abby sa kanya at hinaplos ang hita nito.

 

“Pare, si Kareeza ba ‘yun?” Nguso ng kaibigan niya. Biglang nag-iba ulit ang timpla ng mukha niya at tumango. Masakit sa ego niya na para bang mas masaya si Kareeza sa isang nerd kumpara sa kanya na sikat sa eskwelahang pinapasokan niya.

 

“Grabe pare, bukod sa chess, sinungkit niya na rin ang girlfriend mo?”

 

Sinamaan niya ng tingin ang tumatawa niyang kaibigan. Bigla itong natahimik nang mapuna niyang napikon na ang binata. Nilipat ni Brent ang tingin niya kay Kareeza at kinuyom nito ang kanyang mga palad.

 

Lumipas ang ilang araw ay madalas ng magkasama si James at Kareeza. Kadalasan ay nasa shed lang sila lalo na’t break time nilang dalawa. Mabait si James at hindi mahirap pakisamahan kaya minsan tuloy napapaisip siya kung paano nga ba magmahal ang isang James Francis. Kung sweet ba ito, seloso at siyempre, loyal. Sa estado kasi nila ni Brent ngayon ay hindi niya maiwasang masaktan. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng isang prince charming. Mahal na mahal niya si Brent at handa siyang gawin ang lahat ng bagay para lamang sa kanya.

Bribing Mr. PresidentWhere stories live. Discover now