Malungkot ko siyang tinitigan. "Sorry, Jibbson," sabi ko. "P-Pero hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay." Please, sana hindi naman mabahiran ng lamat ang pagkakaibigan namin dahil dito.

Ngumiti siya sakin. Iyong malungkot na ngiti na hindi umabot sa kaniyang mata. "Alam ko na yan ang isasagot mo." Napayuko ako. Hindi ko kaya siyang tingnan na malungkot. Lagi niya akong pinapasaya pero hindi ko man lang masuklian ang gusto niya. Mahal ko siya bilang kaibigan pero hindi ko kayang lokohin ang sarili ko at siya para lang maging masaya siya dahil alam ko sa huli na sobra ko siyang sasaktan kapag ganoon ang ginawa ko.

"Sorry," mahina kong sabi. Naiiyak ako. Alam kong nasasaktan ko ang matalik kong kaibigan na laging handa para tulungan ako.

"Don't be. Ganoon talaga." Aniya. Napatingin ako sa kaniya at nakita kong napatingin siya sa kalangitan na punong puno ngayon ng bituin.

"Mahal mo pa rin ba siya?" Tanong niya at hindi ako ganoon kastupid para hindi maisip na si Jared ang tinutukoy niya.

Umiling ako. "Ang totoo niyan. Hindi ko alam ang sagot sa tanong mong 'yan. Pero, sure akong hindi na ganoon kalalim sa dati ang pagkagusto ko sa kaniya." Sa bawat araw kasi na nakikita ko sila ni Chantal sa klase sanay na ako. Para bang okay lang sakin. Hindi na rin ako gaanong nasasaktan habang nakikita silang naglalandian.

"Mabuti naman." Aniya. Nakangiti na siya nang totoo.

"Kasi kung hanggang ngayon siya pa din hindi ko matatangap ang sagot mo sakin." Lumapit siya sakin at ginulo niya ang buhok ko.

"Sorry," sabi ko. Wala akong masabi kundi iyan.

"Kanina mo pa 'yan sinabi. Favorite word mo?" Natawa siya.

Yumuko ulit ako. "Ayaw kitang saktan pero nasaktan parin kita. Lagi mo akong pinapasaya pero wala man lang akong magawa para sumaya ka." Biglang tumulo ang luha ko sa mata.

Tumigil siya ng paggulo sa buhok ko at yumuko para maging pantay ang mukha namin at para mahanap niya ang tingin ko. Sa huli hinawakan niya ang aking baba at itinaas ito. "Sumaya ako? Makita lang kitang ngumiti masaya na ako."

Nakangiti niyang sabi. "Now, don't cry. Pumapangit ka." Pinanusan niya ng kaniyang thumb finger ang luha ko sa mata.

"Come on, smile." Sabi niya pa ng matapos kong humikbi.

"Baka mapatay ako ni Tito Angelo at sabihing pinaiyak ko ang nag-iisa niyang prinsesa." Dagdag niya pa.

Ngumuso ako. Tsaka gumuhit ang maliit na ngiti saking labi. Pinisil niya ang pisngi ko. "Aray!" Hinampas ko siya sa kaniyang braso. Umiwas siya at tsaka tumawa.

"Uwi na ako pasok kana. Kita nalang tayo bukas sa school." Tumango ako tsaka nagpaalam sa kaniya.

Hinintay niya akong makapasok sa loob ng bahay. Humalik ako sa pisngi ni Papa ng makita ko siya sa sala.

"Mabuti nakauwi kana may nagpadala sa'yo ng regalo." Ani Papa.

"Po?" Taka kong tanong. Regalo? Hindi ko naman birthday.

"Ito oh," sabi ni Papa sabay bigay sakin ng isang box.

"Kanino daw po ito galing?" Taka kong tanong habang inaalog yung box. Nagkibit balikat si Papa. "Baka naman may boyfriend kana?" Sabi ni Papa habang nakatingin sakin ng mataman.

Umiling ako. "Wala po. At kung meron man ikaw po ang unang makakaalam." Sabi ko sabay kindat kay papa. Ngumuso si Papa tsaka nagpaalam para maghanda ng dinner namin.

Naiwan akong mag-isa dito sa sala. Mabilis kong binuksan iyong box para makita ang laman n'on. Napanganga ako ng makita ko mula doon ang tatlong bra na sobrang laki. Pang size D cup ata ito.

Sinong manyak ang nagpadala nito sakin?

Napatingin ako doon sa sulat na nakaipit sa box. Kinuha ko iyon at binuksan.

To: Venice

Nagustuhan mo ba ang gift ko sa'yo? Isuot mo 'yan ha. Para araw araw mo akong maalala.

Your Future Boyfriend,
-T

T?? Sino 'yon?!

✨✨✨

Itutuloy....

MariaAyagil💕

The Unrequited Love (MayWard Fanfic)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt