MTIK 9

213 7 1
                                    

Misty’s POV

Hinatid ako ni Kyle pabalik sa rest house ni Apple

Kasama namin si Hans at Cyro, si Hans yung pinag dadrive ni Kyle

Ang weird nga kasi bakit hindi na lang sya

Oh well magrereklamo pa ba ko? Buti  nga hinatid pa ko eh

“Ano ng gagawin mo ngayon?” Kyle

Nambibigla naman ng tanong to

Nag smile muna ko bago sumagot

“You mean ngayong nandito din pala si Nathan?” ako

“Yeah” Kyle

Ano nga bang balak ko?

Aysus tsh

“Actually, I don’t know yet. Wala naman ako mapupuntahan na iba eh, tyak namang pag nangibang bansa ako mahahanap agad ako ng angkan ko haha” ako

“Oo nga pala..maimpluwensya ang pamilya mo” Kyle

Hindi na ko nagtataka kung bakit nya alam

Naikwento na kasi sakin ni Hans at Cyro na may kompanya sila Kyle

At ang nagmamanage nun ay si Kyle at Hans

Ang cute nga ng kambal na Montemayor na to eh

Hindi sila magkamukha hehehe

“Anong meron at ngumingiti ka?” Kyle

“Ha? Ngumingiti ba ko?” ako

“Wala ka sa sarili mo noh?” Kyle

Hala? Wala nga ba ko sa sarili ko?

Eh bakit ba gusto ko ngumiti eh hmp

“Masama ba ngumiti Kyle?” ako

“No, not really hehehe” Kyle

Ayyy! Wag mo ko ngitian!

Baka himatayin ako sa ngiti mong yan

Ang ganda ng mata nya, kahit nawawala yun pag ngumingiti sya hihi

“Ang cuteeeeee” ako

Out of the blue bigla kong pinisil yung pisngi nya

^_______________________^

“Hey guys what are you doing?!” Cyro

Bigla kong nabitiwan si Kyle

Hala may mga kasama nga pala kami

Umayos ka naman kasi Misty! Kainis. Nakakahiya.

“She’s just making my face more soft” Kyle

“Seriously?” Cyro

“Yup hahaha” Kyle

Hindi na kumibo si Cyro sa sinabi ni Kyle

Ayos yung palusot nito halatang nagsisinungaling hahaha

Napatingin naman ako sa dinadaanan namin

“Umuulan pala”ako

“Hindi mo napansin kasi busy ka sa paglamutak sa mukha ko hahaha” Kyle

“Oy di naman noh” ako

“Pasensya na sa pag interrupt sa inyo pero, Malayo pa ba tayo?” Hans

Marry The Ice KingWhere stories live. Discover now