MTIK 4

235 8 1
                                    

Apple’s POV

Maaga akong nagising ay mali, hindi pala ako nakatulog dahil sa hindi ako dinadalaw ng antok

Iniisip ko kasi kung kamusta na si Misty sa Baguio

Hindi pa kasi nya ko kinocontact mula nung umalis sya kahapon

Hindi natuloy ang engagement dahil ni isa sa ieengage eh wala

*FLASHBACK*

Kasama ko si Misty ngayon sa room nya

May mga nakabantay na guard sa labas ng room nya kaya hanggang ngayon hindi pa namin alam kung anong gagawin namin para makatakas sya

Kanina pa nga kami isip ng isip pero wala talaga eh!

“Alam ko na!” Cass

“Oh anong naisip mo bunso?” ako

“Naaalala mo yung gamot na hinalo ko nun sa ininum nung ex mo?” Cass

“Yung nakapagpa LBM sa kanya in just a minute?” ako

“Oo sis yun nga!” Cass

“Oh anong connect nun?” Misty

“Ang slow…. Adi yun ang gagamitin natin para mapaalis yung bantay sa labas!” Cass

Paminsan-minsan may silbi din pala ang utak ng kapatid ko

Basta kalokohan maaasahan talaga si Cass

May kinuha sya sa bag nya na maliit na bottle at pinakita samin

“Pupunta ako sa kitchen ng hotel at hihingi ng juice, tapos lalagyan ko nito at ipapainum sa kanila! Oh diba ang talino ko!” Cass

“Ang galing mo couz!” Misty

“Tara na simulan na natin” ako

At yun nga nagpunta nga si Cass sa kitchen ng hotel at nanghingi ng 3 juice

Pinatakan nya yun ng gamot na nasa bottle at hinalo

Pagbalik namin sa room ni Misty, inabot nya sa mga bantay ang juice

Agad namang tinanggap ng mga tangang guard yung juice

Pumasok kami sa loob ng nakangiti!

^________________________________^

And in just a minute…..

Wala nang bantay sa labas!

Dali dali kaming tumakbo papunta sa fire exit ng hotel

Hindi kami nag elevator dahil may CCTV dun

Alam naming may nakabantay na tauhan ng lolo namin dun kaya hindi na kami nag elevator

Pagkalabas na pagkalabas namin ng hotel agad na pumasok si Misty sa kotse nya

Nagpasalamat sya samin at umalis na din

Bumalik naman kami ni Misty sa loob na parang walang alam sa nangyari

Nagstart na yung oras ng party pero walang lumalabas na Misty sa room nya

Lihim kaming napapangiti ni Cass sa sobrang tuwa na hindi matutuloy ang engagement ni Misty

Biglang may baabeng tumayo at lumapit sa stage

Pumunta sya sa harapan holding a microphone

“I’m sorry to announce but this engagement is cancelled. Nawawala po ang apo ni Mr. Legaspi at Mr. Villaroel. Thank you so much sa mga pumunta”

Marry The Ice KingOnde histórias criam vida. Descubra agora