CHAPTER 2

240 11 0
                                    



\Pwede ba kitang ligawan..

Nagpa-dinner ang family Franco sa bahay nila kaya sinundo kami ni Prince sa bahay namin. Pero hindi ako sasama sa kanila kung hindi si Liam ang susundo sa akin.

"Sis, tara na. Wag nang maarte okay?" pagpupumilit ni Ate Ciara.

Umiling ako. "Ayoko, gusto ko si Liam ang susundo sa akin. Pakitawagan naman siya Prince, sige na please?"

Natatawang umiling ito. " Ang lakas talaga ng tama mo sa utol ko noh? Ano bang ginawa niya sayo?"

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok ako bigla. Bakit sa tuwing nagtatanong sila na parang related sa nangyari sa amin kahit hindi naman direktang tungkol doon ang tanong bakit ang awkward pa din? Nagkamot ako ng noo. "Wala naman, he really hates me lang. Pagsabihan mo nga. "

"Baka siguro ang sungit mo. "sabi pa ni Prince.

I rolled my eyes in annoyance. "Ako pa ang masungit? Eh, ako nga itong nakikipagmabutihan sa kanya eh." sabi ko. " Gosh, tawagan mo nalang nga siyang sunduin ako."

Kinuha niya ang cellphone sa bulsa niya at tinawagan ito.

"Cassandra. Saan ka nagmana at ganyan ka? Konting hiya sis, ha?"pabulong na sabi niya.

"Ano ka ba, ateng? Doon din naman kami mapupunta noh?" parang siguradong sabi ko.

"Wow, ni hindi ka nga siguro type ng tao."

"Kung ano ako ka supportive sayo noon ganun ka din magdown sa akin ngayon no? Magkakatuluyan kami kasi.." Ngumiti ako at niyakap ang sarili habang nakatingin sa kalangitan. "Kasi nag-kiss na kami." kinikilig na sabi ko at natawa lang siya.

"Jusko kapatid ba kita?" natatawang tanong niya.

"Siguro nga ate ampon ako. Kasi ako lang naman ang pinakamaganda sa inyo." sabay flip ng hair.

Natatawang umiling siya . "Fine."

Nag-excite ako ng bumalik na si Prince sa kinatatyuan namin. "Lagot ka dun, galit na galit. Malaking abala ka daw sa oras niya."

"Aba, wag siyang magreklamo dahil baka balang araw lahat ng oras niya ibuhos niya sa akin."

Tinapik ako ni Prince sa balikat. "Osige, ikaw ng bahala sa utol ko. Hintayin mo nalang siya dito." sabi niya at humalik na sa akin si Ate Ciara magpaalam.

"Uhm. So, maghihintay lang ako dito? Paano ko malalaman kung malapit na siya? Penge number niya."pasimple lang.

"As you wish.." walang hesitasyong sabi niya at ipinasa sa akin ang number ni Liam kaya naka-score na naman ako.

Nang umalis sila ay sinigurado ko munang wala na sila sa paningin ko bago ako nagtatalon sa saya dahil nakuha ko ang number niya. Bakit pati number niya pang-gwapo talaga? Sa wakas mas makukulit ko na siya.

Agad na nagtype ako ng message. "Lollipop, nasaan kana?" pagbasa ko sa sarili kong text at kilig na kilig ng i-send ito.

"Who the hell are you?" pagbasa ko sa reply niya. Kainis pati sa text tonong suplado parin siya.

"This me, your one and only Candy.. Cassy!" pagbasa ko rin sa reply ko. Kaya ayun, wala akong natanggap na reply.

Nilalamok na ako sa labas at mahigit 15 minutes na ay wala parin siya. Kainis! Saan na ba iyon? Hindi naman nagrereply.

Ilang sandali ay tumigil sa harap ko ang isang Chevrolet. Ngumiti ako at sasalubungin ko sana siya ng yakap ng pigilan niya ako sa pagmumukha.

"Hinid mo ko boyfriend wag kang feeler." agad na bati niya ang instant na nagpa-init ng ulo ko.

THE RULES 3 (On Hold) Where stories live. Discover now