CHAPTER 3

212 13 4
                                    


She's so Cute...


Since nililigawan ko na siya, todo effort ako para sagutin niya. Like yeah, a guy. Wala akong pakialamsa sasabihin nilang lahat sa akin. Gusto ko siya at gagawin ko ang lahat para magustuhan niya din ako. Wala akong pakialam if they call me cheap, atleast nagpapakatotoo ako. Gusto ko siya at kailangan ko siyang maging boyfriend para lubayan na ako ng manyakis na nerd at bago niya pa ako sundan dito. I knew that stupid, a lot. Gagawin niya ang lahat makita niya lang ako araw-araw. At gagawin niya ang lahat to own me, like duh? Me and him, gosh, I'd rather die virgin.

So, I found out na mahilig siya sa chocolates. Akala ko girls lang talaga ang adik sa chocolates, pati siya. Nobody knew that, except his friends. His most favorite is M&M's and any dark chocolates. Araw-araw sa buhay niya inaabangan ko siya sa hallway para iabot ang chocolates. Hindi niya tinatanggap pero kusang kinukuha lang sa akin nina Clint.

Kusa din akong sumasabay sa kanila tuwing lunch. Nanunuod ng rehearsal ng banda nila. NAnunuod ng practice nila sa baskertball. Taga-abot ng tubig kapag nauuhaw siya. unang pumupunas ng mga pawis niya. Unang tatakbo kapag nadadapa siya. Pinakamalakas mag-cheer kapag may laro siya. Kulang nalang magpatayo ako ng fans club.

"Hanggang kailan mo ko titigilan?" seryosong tanong niya sa harap ko.

"There's no way, Liam. There. Is. NO. WAY." Ngumiti ako at kumagat ng chocolate.

Humugot siya ng malalim na hininga at namaywang. "Ano bang gusto mong gawin ko? Para tigilan muna ako? Iritang-irita na ako sayo Cassandra, parang awa muna!"

"Bebeloves?"

Agad siyang naglagay ng tingin sa nagsalita sa likuran ko. Oh. MY. Gosh! Paglingon ko, parang hinigop lahat ng dugo ko sa ulo dahil talagang hindi ako lulubayan ng nerd na ito.

"Inaaway ka ba neto?!" Sigaw niya sabay turo kay Liam.

Napalunok ako. "Anong ginagawa mo dito?!"galit na galit na sigaw ko. Namula sa inis ang buong pagmumukha ko.

"I'm here to win you back." sabi niya.

"I was never yours, idiot!"

Mabilis na hinarap ko si Liam. Nagmamakaawang sumisenyas. "Lollipop.. Ayan siya oh," sabay turo kay Ric. "Siya iyong creepy admirer ko."

Napapalit-palit siya ng tingin sa aming dalawa. Binigyan ko siya ng Nako-naman-Liam-tulungan-mo-ako look. Namaywang siya. "Eto ba?" sabay turo kay Ric.

Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ko, "Oo siya," tumatangong sabi ko.

Lumapit ito kay Ric at hinila ang kwelyo nito. "Ikaw! Tigilan muna.."

Napahawak ako sa dibdib ko, excited sa susunod na sasabihin niya.

"Tigilan muna ang girlfriend ko!" sigaw nito sa harap Ric, sa lakas ng sigaw niya ay napaatras ito.

Ako naman halos sasabog na sa kilig.

"Hindi! Hindi ako naniniwalang girlfriend mo siya. Nag-transfer na ako dito kaya wala kang magagawa para paghiwalayin kami. Akin lang siya akin lang akin lang!" tatakbo pa sana siya papunta sa akin ng hatakin siya nito pabalik sa kinatatayuan niya.

Gosh! Hindi ko inaasahang ganito pala kasarap ipagtanggol ng isang Liam Franco. Ahihi.

Tinungo ako ni Liam at kinuha ang kamay ko. Magkahawak kamay kaming umalis sa harap ni Ric. Saka niya ako binitawan ng nawala na siya sa paningin namin.

"Okay kana?" umiiling na sabi niya at namaywang.

Ngumiti ako at niyakap siya sa bewang. "Thank you.."

Marahang itinulak niya ako. "Tigilan muna ako ha? Kapag ako nainis talaga makakasakit ako ng babae."

Tumawa ako. "Sige saktan mo ko. Gusto kong masaktan mo."

Napasampal siya sa noo niya. "Gosh, Cassandra! Tama na nga, okay?!"

Sumimangot ako. "Ayoko!" Sabay alis.


_________


Grabe.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka-get over sa sinabi niyang tinigilan muna ang girlfriend ko. Gosh. Kahit hindi totoo nakakakilig parin. Paano nalang kaya kung naging tunay na boyfriend ko na siya. I can imagine him

giving me flowers, chocolate and hand written love letters. Tapos hatid sundo niya ako. Tapos ayaw niyang bitawan ang kamay ko sa tuwing naglalakad kami sa public. Imagine his text messages. Imagine him saying goodnight and I love you. Goshhhh!

Ang saket mag-imagine.

Hindi pa ako makatulog kaya naisipan kung maglakad-lakad sa labas o kaya naman sumilip sa rehearsal room nila.

I tip-toed to the door at idinikit ang tenga ko sa pinto. May naririnig akong nag-gigitara. Nang sumilip ako sa maliit

na glass window ay nakita ko siyang nagsa-strum sa gitara niya. Napangiti ako nga makita siyang gwapong-gwapo sa

suot niyang white t-shirt. Signature attire ito ng magpi-pinsan eh. Napaka-aliwalas ng mukha niya habang nagko-

compose ng musika. Mag-isa lang siya doong naka-upo sa armchair kaya naisipan kung pumasok.

Nakita ko ang pagkadismaya ng makita ako. Ngumiti ako lumapit sa kanya.

"Ano na naman ang ginagawa mo dito?" tanong niya habang nagsa-strum parin ng gitara niya.

"Mmm. Hindi ako makatulog eh." sabi ko at na-upo sa kaharap na upuan. "Is it closer?" tanong ko. Pinag-aaralan niya ang chords ng Closer ng Chainsmokers.

"Oo," supladong sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa strings.

"Simulan mo ulit, kakantahin ko.." sabi ko at nag-angat siya ng paningin sa akin.

"No way. Ikaw? Marunong kumanta? Sa lakas ng bunganga mo at sa clumsy look mo imposibleng singer ka." pagmamaliit pa niya.

"Sabing ulitin mo eh!" sigaw ko.

Umiling siya at muling nag-strum ng gitara.

(PLAY THE VIDEO ABOVE. LET'S ASSUME NA SI CASSY ANG KUMAKANTA)

"Hey... I was doing just fine before I met you, I drink too much and that's an issue but I'm okay.."

Napatingin siya sa akin ng unang marinig ang malamig at feminine kong boses. Yes, I got this from my ate Ciara na tinatago rin ang magandang talento.

Gumuhit ang ngiti sa labi niya ng yumuko siya para ipagpatuloy ang pagtugtog.

Habang kumakanta ako at naggigitara siya parang sandaling nakalimutan niya na magkaaway kami. Nakangiti siya habang naggigitara. Sandaling nagkasundo ang mga puso namin dahil sa musika. Sinabayan niya ako sa second chorus at hindi ko maipaliwang ang sobrang saya habang nagkakakaintindihan ang mga mata namin at bumabagay ang boses naming dalawa.

Nang matapos ang kanta ay pareho kaming tahimik na napatitig sa isa't-isa. Ngumiti ako at hinintay na ngitian din ako.

"You're a good singer.." Nakangiting sabi niya. "But I still don't like you." agad na dugtong niya at nauna ng tumayo at lumabas sa room.

Napatili ako sa kilig dahil naka-duet ko siya ng bonggang-bongga!

Napi-feel ko na eh. Dito kami magkakasundo. Dito kami magiging close. Dito magsisimula ang love story namin. Gosh, feeling ko tuloy in love na talaga ako. Nagkorteng puso ang mga mata ko at napayakap sa sarili.

____________

"Cassandra Sanchez' Property (with Heart)" malakas na sabi ni Kiko sa tabi ko. Mabilis na napalingon ako sa itinuro niya at halos malaglag ang panga ko sa nakita. Ric wearing that t-shirt with may name printed on it.YUCKKKKKK!



THE RULES 3 (On Hold) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon