2nd fall: Soft rock

16 0 0
                                    

2nd fallen: Soft rock

Cassie's

"Oh Brina, Evon at Maddy! Where have you been huh? Akala ko 'di na kayo dadating eh. Hahaha." Sabi ko sa babaeng patungo sa direksyon ko.

"Sorry sis. Traffic kasi kaya 'di kami nakadating agad." Umupo si Maddy sa harap ko at si Brina at Evon naman ay sa magkabilang gilid ko. 

"Should we order na?" Nakatingin na tanong sa akin ni Evon. Ngumiti ako at humigop sa frappe ko.

"No need. I ordered your favorite guys. Libre ko na 'no. Hahaha." Nakangiti kong sabi sa kanila.

Wala lang naman sa akin ang manlibre. Madami naman akong pera at afford na afford ko naman and of course they are my friends. Minsan, kailangang ilibre ko din sila.

"Aww.. You're so sweet talaga Cassie. 'Yan ang gusto ko sa'yo eh! Uto-uto ka! Hahahaha."

Hindi ko narinig ang last word na sinabi ni Maddy dahil biglang may nag announce sa speaker. Yung order namin!

"Ako na ang kukuha!" Evon insisted. Cutie talaga ni Evon!


"So, what's the news na? Matagal-tagal na din tayong hindi nakakapagmeet, girls." pagsisimula ko ng topic.

Kumuha ng nachos si Evon at kinain ito bago magsalita. "Well, you know what? Maddy is now in a relationship! Nakadawit siya ng korean. Hahaha!"

Pumalakpak ako habang ngiting-ngiti. "Woah! Atlast! Pakilala mo kami next time ah! But tell me, gwapo ba?" excited kong tanong.

"May abs ang fafa mo, girl!!" Impit na sigaw ni Brina.

Nagtilian naman kami sa loob ng cafe. Well I don't care kung pagtinginan kami. Customer pa din naman kami at nagbabayad ng tama. Che!

"Pero sis, may favor sana ako sa'yo." Biglang sabi ni Brina na ikinaseryoso ko naman.

"What's that sis?" Muli akong humigop sa frappe ko. Infairness, i like this flavor ah!

"Kasi, cinut ni Dad yung credit card ko kahapon. Eh may utang ako sa bank na kailangan kong bayaran within this week kasi kung hindi, makukulong ako. Hanㅡ"

"So, magkano?" Tipid kong sagot. Sus. Alam ko na ang mga galawan ng kaibigan ko 'no. Hahaha.

Mangungutang itong si Brina.

"I'm super shy right now pero alam kong ikaw lang ang kaibigan kong matutulungan ako." Naiiyak na sabi nito.

"It's okay. What are friends are for kung hindi tayo magtutulungan diba? So, how much?"

"100 thousand eh." Tipid nitong sabi.

Nanahimik ako sandali at nag isip. Super laking halaga ng hinihiram niya. Wala din siyang permanent work like what she said, cinut ng daddy niya ang card niya. So, paano niya ako mababayaran?

Well, bahala na. Kaibigan ko naman sila eh.

Nilabas ko ang check at sinulatan ito. Binigay ko ito kay Brina.

"Here. Gamitin mo sa tama 'yang money ah!" Nakangiti kong tugon dito.

"Yes sissy! Thank you very much! I love you na talaga!" Bahagyang lumapit si Brina sa akin at niyakap ako.

"Nako. Wala 'yon. Magkakaibigan tayo kaya dapat nagtutulungan tayo."

Nagslice si Maddy ng cheesecake at nagsimulang kumanta. "Happy Birthday Cassie~ Happy Birthday Cassie~ Happy Birthday, Happy Birthday~ Happy Birthday Cassie~" nasa harap ko ang cake at sinasabi ni Brina na hipan ko na ang kandila, kahit wala namang candle! Hahaha.

CrestfallenWhere stories live. Discover now