Chapter 26

3.3K 102 6
                                    


Lami POV

"Woah! pano ba 'yan? Panalo nanaman ako! Losers!" sigaw ko at inilapag ang natitirang cards na hawak ko tsaka kinindatan ang tatlong lalaking nasa harap ko -Min,Christopher at Zed. Napangisi lang sila saka inilapag ang tig-sampung libo sa harap ko. Naglalaro kasi kami ng Cards ngayon at kung sino ang nanalo ay bibigyan ng sampung libo. Pangatlong panalo ko na to kaya ninety thousand mga tsong!

Pero napatahimik kami bigla ng makarinig ng sunod sunod na pagkasa ng baril, "Ingay" sabi ni Reene tsaka siya padabog na umalis ng mansion. Sabay sabay namang nagtinginan ang tatlo, mga timang. "Sundan natin" makapal na mukhang sabi ni Zed. "Sige, nang mawala ka na sa mundo." Sabat naman ng isa. "Ulul." Inirapan ko nalang sila at kinuha ang pera sa lamesa tsaka naglakad na rin paalis. Siyempre dapat may pose. Duh!

"Hoy! San ka naman pupunta?" sabay na sigaw ng tatlo. "Malayo sainyo!" sigaw ko naman pabalik.

Kailangan kong sundan si Reene, dahil kanina ko pa napapansin na wala siya sa mood simula nong kausapin siya ng leader namin. Hindi ko siya susundan para kausapin, kasi baka mamaya mangyari nanaman ang nangyari noon.

Namataan ko agad ang motor niya kaya iyon ang sinundan ko, mga 10 minutes ata ang lumipas. Kaloka ang ate niyo, ang layo ng narating. Pero mas nagtaka kung saan siya huminto. Sa isang sementeryo?

Ihininto ko muna ang kotse ko malayo sa kung saan ipinarada ni Reene ang motor niya -I mean kotse ng kakambal ko -I mean galing sa babae niya, ang landi talaga.

Naglakad sa isang puntod si Reene tsaka siya lumuhod.

20 Minutes na ang nakalipas at naistress na ang kagandahan kong naghihintay dito. Hindi parin nagpapalit ang posisyon niya at nananatiling nakakuhod. Mabuti nalang tumayo na siya at naglakad na papunta sa motor niya at pinaharurut ito palayo.

Hindi ko na siya sinundan dahil tinignan ko ang bangkay kung saan siya pumunta kanina.

'Baby Jarren Kastell'
Born: August 1, 20**
Died: August 1,20**

Isa nanaman ba 'to sa sikreto mo Reene?

Biglang tumunog ang telepono ko, at nakitang buntis ang tumatawag.

Nagdadalawang isip pa kong sagutin 'to dahil di ko alam kung ano nanamang trip neto sa buhay, pero sa huli sinagot ko nalang ang tawag kahit na nakakastress sa kagandahan.

"Oh?"

"Lami! Kasama mo ba si Reene?! Bakit hindi ko siya matawagan?! May nangyari ba?! Nasaan siya?! Kaylangan naming magkita ngayon din!" inilayo ko muna ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa nakakabasag eardrums na boses ng buntis na to

Ugh! kaya ayaw na ayaw ko sa mga buntis, sakit sa ulo.

"First of all, hindi ko siya kasama okay? Sinundan ko siya at dito ako sa sementeryo napadpad. Teka, may alam ka ba dito kay Jarren Kastell?"

Chismosa na kung chismosa, basta ba maganda.

"Omg! Hindi to pwede! Kaylangan nating magkita ngayon! As in now na! Punta ka sa office ko bilis!" OA na OA kahit kaylan.

"Oo na!" padabog kong sinabi saka pumunta sa kotse ko, "Wait lang! pwede bang bumili ka muna ng Saging at ketsup sa supermarket?" pinaikot ko ng bongga ang mga mata ko sa sinabi niya.

Saging at Ketsup? Anong klaseng paglilihi yan?

-

"Hi lami! buti nakarating ka kasama ng Saging at ketsup ko!"

"Ayoko ng pahabain pa, gusto kong malaman kung sino ba si Jarren sa buhay ni reene." pagdidiretso ko kay Gabriella

"Chill. Upo ka muna" Sumunod naman ako tsaka umupo na rin siya sa harap ko

"Si Jarren? Siya ang pinakamahalagang tao sa buhay ni Reene. Siya yung nagbigay ng pag asa sa buhay niya. Sa panahon na, muntik na siyang sumuko sa buhay niya, siya ang nakapagpa intindi kung gaano kahalaga ang buhay neto sakanya. Pero sa isang iglap, namatay nalang ito ng hindi inaasahan." nakita ko ang lungkot sa mata ni Gab, jusko pag itong buntis na to nahimatay sa harap ko ha.

"Hindi naman ganyan si Reene dati ng dumating si Jarren sa buhay niya, hindi ka maniniwalang nakita ko ng tumawa yan at humalakhak" pagpaatuloy niya.

"Sino ba siya? Kapatid niya?" Nagtatakang tanong ko.

Ngumiti lang ito sakin tsaka umiling, "hindi. anak niya"

Nanlaki ang mata ko sa narinig, mas malaki pa sa bunganga ko, Anak niya?!

"May anak si Aqua, pero sa kamalas malasan, namatay din ito sa araw na ipinanganak niya si Jarren."

"Anong dahilan?" mas nagiging interesado na ko sa kinukwneto ni Gab dahil gusto ko talagang malaman kung sino ba tong jarren na to.

"Sa sunog. Matapos ang delivery ni Aqua, gabi na rin yun, at ilang oras lang ang nakalipas ay biglaang nagkaroon ng sunog sa hospital. Nailigtas namin si Reene, pero hindi ang anak niya, dahil sa gulo sa hospital ng mga araw na iyon. 7 Years na rin ata ang nakalipas"

Biglang tumibok ang puso ko dahil sa narinig ko, 7 na taon? Napakapamilyar.

"Saang Hospital ba nangyari ang sunog?"

"Sa BCB Hospital" bigla akong nanigas sa kina-uupuan ko at biglang may alaalang bumalik sa isip ko na pilit kong kinakalimutan,

Flashback

"Anong klaseng raket tong pinasok natin?! Makukulong tayo!" sigaw ko sa mga kasama ko.

Hindi ako makapaniwala, isinali nila ako dito at pumayag naman ako dahil buong pag aakala ko ay mabuti tong gagawin namin pero hindi. --

"Lami! Okay ka lang?" tanong sakin ni Gab

"Ha? Oo naman. Una na ko ah! May meeting pa kasi kami dun" ngumiti nalang ako tsaka nagmamadaling umalis ng Office niya. Narinig kong tinatawag pa ko pero hindi na ko lumingon pa.

Sorry Reene, hindi ko alam, na isa pala ako sa dahilan ng pagkawala ng anak mo..

Aqua POV

"Good Evening Ma'am. Do you have any reservations tonight?" Bungad saakin ng isang waitress pagkadating ko sa isang Restaurant.

Sinabi ko naman ang pangalan ni Dylan at itinuro niya naman kung saan ito nakaupo, habang papalapit ako ay mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Stay calm Aqua. Kailangan mo ng tapusin 'to.

"Wife." shit ka Dylan.

"Hindi na ko magpapaliguy liguy pa." kumunot naman ang noo niya sakin, at para bang hinihintay niya ang susunod na sasabihin ko. Huminga muna ako ng malalim saka timungin sakanya.

"I want a divorce." sabi ko tsaka umiwas ng tingin sakanya.

Fuck this tears. Mamaya muna kayo lumabas.

-

May new One Shot Story ako guys! Soon na on ABS-CBN. Charot! Hahahahaha support niyo namaaan! hahaha

Sorry for the long wait. I know its not worth it :(

-Sticky Note 💕

Accidentally Married to a Mafia Boss (REVISING)Where stories live. Discover now