🌹Chapter 5: Don't leave me alone🌹

Start from the beginning
                                    

°°°Scarlet's pov.°°°

"Bakit ganon..? Ako na nga itong nag Sorry tapos wala lang sakanya.. akala nya biro lang ang lahat.. akala nya pinag ti-tripan ko lang sya.. hindi naman sa lahat ng oras at pag kakataon ay lagi nalang biro at laro.."

Umiiyak na sabi ko kay Yunna.. nasa locker room kami ngayon.. kaming dalawa lang ni yunna..

"Nako bhesshyyy akala lang naman nya.. hayaan mo na yun.. wag mo nalang sya pansinin.." yunna

"Yunnaaaaaaa.... ano gagawin ko..?" Problemadong tanong ko

"Edi mag tapang tapangan ka.."

"Huh..?"

"Ganito gawin mo.. panigurado na mag so-sorry sayo si Sir. Lucas.. kung mag so-sorry sya , wag mo sya pansinin .. hayaan mo sya gumawa ng bagay na ikakatuwa mo para mapatawad mo sya.. para naman maka bawi ka.." Galing talaga ng bhesshy ko

Tama ka yunna... bakit nga ba ako umiiyak..?? Ako naman ang gaganti.. Bakit ko din pinoproblema si Sir. Lucas???

"Tama ka.. t-tara na.." 

pinunasan ko na ang luha ko at inayos ang sarili ko..Umakyat na kami ni yunna papuntang room...

"Ok ka na ba talaga..?" Yunna

"Oo ok na ako.. ako naman ang babawi sakanya.." mataray na sabi ko..

"Aba-aba.. go ako dyan.."

Bago kami pumasok ng room ni yunna sinuot ko muna ang sunglasses ko.. kunwari na mumugto ang mata ko kahit hindi masyado..

"then this Characteristic of Hu----"

Napatigil sa pag sasalita si Sir. Lucas dahil dire-diretsyo lang kami ni yunna sa pag pasok sa room..

"Ms. Taylor.."

Huminto ako sa pag lalakad pati si yunna..

"Ms. Taylor.. a-Im so sorry.."

"Tapos ka na bang mag salita..." manhid na sabi ko...

"Awwww" sabay sabay na sabi ng mga kaklase ko.

."Sorry.. hindi ko sinasadya.."

"Sir. Ok na po.. plz." Yunna 

Nag patuloy na ulit kami sa pag lalakad ni yunna papunta sa upuan namin.. at nang maka upo na ako tumingin ako sa labas ng bintana at tumingin sa malayo.. wala naman akong balak na makinig sakanya eh...

Habang nag tuturo sya naka tingin padin ako sa labas habang suot suot padin ang Sun glasses... keme ko lang..Wala din naman akong balak na makinig...

"Bheshhyyy"-yunna

"Hmmm.." antok na sabi ko

"Oii.. ano ka ba..?" Yunna

"Anu.. inaantok pa ako.."

"Hala..? Tulog ka pala..?" Gulat na tanong nya..

"Oo.. b-bakit..? Nasan ba tayo..?"

"Tangek nasa School tayo.."

Napadilat ang mata ko at nahulog ang Sun Glasses ko.. agad konaman binalik..

"Ay oo nga pala.. Shemayy nasa School pala tayo..?"

"Oo uwian na nga eh.. tayo nalang natira.."

"Tayong dalawa nalang ang natira...!??"

"Hmm..hindi.. nandito pa si Sir.."

Tumingin ako sa harap.. shemayyy kaming tatlo nalang pala ang naiwan..

"H-hali ka na..umuwi na tayo.." Tarantang sabi ko

My Teacher is  My HusbandWhere stories live. Discover now