———————————————

"Aray ko naman! Dahan-dahan!"

"S-sorry! Teka, sandali na lang ito."

"A-aray! Punyemas naman, Alex! Dahan-dahan lang kasi!"

"Sandali na lang ito. Teka lang. I-relax mo kasi."

Nakagat ko ng mariin ang labi ko para pigilin ang sariling mapamura. Pero... Shit lang! Sobrang sakit na talaga!

"Ayan! Tapos na!"

Nakahinga naman ako ng maluwag saka tinignan ang paa kong binalutan niya ng dalawang pinagtaling panyo. Peste naman kasi ang mga asong iyon! Ang saya na ng pagja-jogging namin ni Alex nang bigla silang mag-away ng biglaan sa harapan ko. Sa biglaang pag-iwas ko sa kanila namali tuloy ang apak ko sa sidewalk dahilan para matapilok ako. Ang sakit tuloy ng bukong-bukong ko.

"Sakay na."

"Ha?" naguluhang tanong ko habang nakatingin sa kanya habang naka-squat siya sa harapan ko, her back facing me.

"Sumakay ka na sa likod ko," sabi naman niya.

Nanlaki naman ang mga mata ko. "Hala! Wag na. Kaya ko namang maglakad."

Liar!

Shut up!

"Lokohin mo lelang mo, oy. Sakay na. Kundi bridal style ang gagawin ko," banta niya.

Napanguso ako kahit hindi niya kita saka dahan-dahang sumakay sa likod niya. Boset! Nang masigurado niyang ayos na ang pagkakapuwesto ko sa likod niya ay kinuha na niya ang sapatos ko saka dahan-dahang tumayo. Ako naman ay napayakap na lang sa leeg niya.

"Okay ka lang diyan? 'Yong paa mo?" tanong niya nang magsimula na siyang maglakad.

Tumango naman ako. "Ayos na ako. Sabihin mo lang kung nabibigatan ka na sa akin," sabi ko naman.

"It's okay. Hindi ka naman ganoon kabigat. Tsaka hindi pa naman tayo nakakalayo sa apartment mo."

Hindi nalang ako nagsalita at ipinatong ko na lang ang baba ko sa balikat niya. Pinagtitinginan na kami pero wala na akong pakialam doon. Wala naman silang alam sa nangyari. Sapat na sigurong dahilan ang panyong nakatali sa paa ko kaya ako karga ng napakagandang dilag na ito.

"Alex, bakit ako?" tanong ko sa kanya out of the blue. Ewan ko ba. Kusa na lang bumuka ang bibig ko.

"Ewan ko rin, eh. Basta noong unang beses na makita kita, bigla na lang tumibok ng mabilis ang puso ko at bigla niyang isinigaw ang "she's the one!"." Tumawa siya ng mahina. "Corny pero totoo."

Napangiti naman ako. Corny nga.

"Ganoon naman talaga kapag in love," pagpapatuloy niya. "Hindi mo malaman kung bakit ka na-in love sa isang tao kasi wala naman talagang dahilan. You'll just feel it. At sa paglipas ng oras o ng araw o ng buwan at tumitibok pa rin ng mabilis ang puso mo para sa taong iyon, doon mo lang masisigurado na siya na at wala nang iba. Ganoon na ganoon ang nararamdaman ko para sa 'yo. Kaya kahit nakahilera ang mga magagandang babae sa harapan ko, ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ng puso ko. That's how love works. So we have nothing to do but to deal with it."

Overwhelmed much naman ako doon. Ang heartbeat rate ko biglang bumilis! Kilig is me!

"Ano naman ang nagustuhan mo sa akin?" tanong ko.

"Madami," sagot niya.

"Gaya ng?"

"Kung paano ka mag-alala sa mga kaibigan mo. You treat them like they are the only family you have. Lalo na kay Ate Richiel."

Napangiti ako. One point. "Ano pa?"

"Kung paano mo mabilis na maibalik ang composure mo kapag napapahiya ka in public. Gaya noong sadya kang tinapilok ni Prof. Cinco?"

Gulat na napalingon ako sa kanya. "Nandoon ka?"

"Stalker be like," nakangising sabi niya saka mahinang tumawa. "Anyways, hanga ako noon kung paano mo naibalik agad ang composure mo pagkatapos niyon. Akala ko talaga lalabanan mo siya o ano. Pero nginisihan mo lang siya, tinaasan ng kilay, at basta na lang tinalikuran siya while flipping your hair. Men! The look on her face was priceless! Na imbes na ikaw ang pinagtawanan ay siya pa ang napagtawanan. Sana nakunan ko ng picture para nakita mo," tumatawang saad niya.

Napatawa na lang din ako kahit na namumula na ang mukha ko dahil sa hiya. Mabuti na lang talaga at nakapantalon na slacks ako noon. Kung nagkataon na nakapalda ako ng mga panahong iyon, malamang nagkaroon na ng WWIII. Kaimbiyerna lang kasi ang Cinco na iyon. Puro insecurities sa katawan. Porket bago lang ako sa San Luis at di hamak na mas mataas ang naabot ko kesa sa kanya ay ganoon na lang ang galit niya sa akin. Pasalamat talaga siya at hindi ako war freak. Kung nagkataon, malamang nakipagpalit na siya ng mukha sa aso. Masama pa man din akong galitin.

"That's what they call "karma"," ang nasabi ko na lang.

"I agree," sabi naman niya. "We're here," anunsyo niya.

Agad-agad? Ang bilis naman yata?

"At mukhang may bisita ka," sabi pa niya.

Ngayon ko lang napansin na tumigil na pala siya sa paglakad. Kunot ang noong napatingin ako sa front door ng apartment ko. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang sinasabi ni Alex na bisita ko. Gusto ko nang tumalon mula sa likod niya para patakbong lapitan ang bisita namin. Gusto kong maiyak sa tuwa.

"L-Lola..."

———————————————

Way Back Into Love (GirlxGirl) COMPLETEWhere stories live. Discover now