[12] Eggnogs and Ballpens

Magsimula sa umpisa
                                    

It’s Christmas, Zade. Chill ka lang.

xxx

WHOA.

Yung totoo.. alam ko apat lang kami ngayong gabi pero bakit.. parang buffet ‘tong nadatnan ko?

Grabe lang.. ang daming handa nina Ms. Marisse! May turkey, smoked ham, carbonara, lasagne, fried chicken.. I could go on but damn, I’m hungry! Nakatulog ba ako sa jeep at panaginip lang lahat ng ito?

“Come on, Zade! Don’t be shy. Sa’tin lang yan tonight,” Ms. Marisse said, handing me a plate. Nasa family din siguro nila ang pagkahilig sa costumes. Naka-Mrs. Claus costume siya ngayon tapos si Tristan naman ay sobrang cute sa elf costume niya. Hah, nagcocostume rin kaya si Andreau pag Pasko? Siya kaya si Rudolph? Sometimes I crack myself up.

Kahit malakas ang taga-kain genes ko, kaunti lang muna ang kinuha kong food. Baka kasi maturn off sa’kin si Ms. Marisse at di na ako makaulit sa kanila. Still.. this is too much for four people. Pwede mo nang mapakain ang barangay dito sa handa nila!

Bitbit ang mapagpanggap kong plato, tinabihan ko si Tristan sa may couch. Busy siya sa panonood ng Christmas movies sa HBO at sa pagkain ng cupcakes na regalo ko sa kanila. Yep, I suck at giving gifts. Si Tristan na mismo ang nagsabi na gusto niya ang cupcakes ngayong Pasko, and I delivered well, right?

“Ms. Marisse? Si Andreau po pala nasaan?”

Bukod sa pagkain, ikinagulat ko rin na wala si Andreau dito. I’m expecting na magkasama silang nanonood ni Tristan ng The Grinch at matutuwa sa cupcakes na dala ko. Nasa trabaho pa kaya siya? Wow, walang kapaguran!

“As usual, caught up with work,” she replied casually. “Tinatapos lang niya yung shoot ng guesting niya. Don’t worry, tinabi ko na yung cupcakes niya. That little elf might eat them in one sitting.” Narinig yun ni Tristan at binelatan niya ang mama niya. Adorbs!

So.. no Andreau Cortez for tonight, huh?

xxx

Ibang klase ang Pasko sa Valerio household, promise.

11:30 PM nang magpatugtog si Ms. Marisse ng Christmas songs and bigla siyang sumayaw. As in sayaw. Sinundan siya ni Tristan na nag-imbento ng sarili niyang groovy steps. Hindi ako sumasayaw, pero napasayaw ako sa ginagawa nilang mag-ina. The three of us danced and laughed to every Christmas song kahit mukha na kaming mga engot dun.

Then come 11:55 PM, may tumunog na alarm sa may TV. May kinuhang mistletoe si Ms. Marisse at sinabit sa may chandelier ng sala. When the clock struck 12 midnight, Tristan kissed her mother on the cheeks and vice-versa. Maya-maya sabay nila akong hinalikan sa cheeks! My god nakakahiya! Niyakap ko na lang sila in return. Tawang-tawa sila sa reaction ko!

“So Zade, kelan balik mo sa San Ignacio?” tanong sa’kin ni Ms. Marisse habang sinisimot niya ang pudding sa container. Isa pang custom nila ang pagkain ng chocolate pudding after midnight. Nakaupo kaming tatlo sa carpet ng sala, sobrang pagod at hinihingal pa dahil sa pagsayaw kanina. “Sure kang okay lang sa lola mo na dito ka ngayon?”

“Okay naman sa kanila, Ms. Marisse. Medyo sanay naman sila na wala ako dun for Christmas,” sabi ko. She frowned at my answer. “It’s not a big deal, really. Gusto kasi nina Nana na lumaki akong independent. Tsaka nandun naman ako sa New Year. I can’t miss that one.” Nakapangako kasi ako kay Butchoy na manonood kami ng fireworks sa bayan, magtatampo yun pag wala na naman ako.

“Is your mom coming home for New Year?”

I shook my head. “She wants to watch the ball drop in person. Pero uuwi siya next year!” Naalala ko tuloy yung usapan namin ni Mima sa Skype two days ago. Ilang taon na rin siya sa New York pero hindi pa niya napapanood ang ball drop sa Times Square. Busy kasi lagi ang restaurant nila kapag New Years Eve kaya hanggang TV lang siya nakakanood.

The Spaces In BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon