Tawa ng tawa si Tisay kahit seryoso na ako sa sinasabi ko.

"Alam mo nong una kitang makilala, parang hindi ka makabasag pinggan. Ikaw yong tipong mahinhin. Tahimik lang. Hindi ko akalaing may tapang ka din pa lang itinatago. Pero ang swerte niyo ni Jill sa isa't-isa."

"Tisay kung alam mo lang, mahirap maging girlfriend ng isang Jillian Fuentes. Pakiramdam ko araw-araw akong nakikibaka dahil baka sa isang iglap lang mafall siya sa iba. Maraming mas maganda, mayaman at kilalang babae sa School namin. Iyon ang ikinakatakot ko minsan."

"Iniisip mo pa yon samantalang sayo na nga umiikot ang mundo niya. Magtiwala ka na lang sa pag-ibig niya. Sigurado namang hindi ka iiwan non, iparamdam mo lang kung gaano siya kahalaga sayo."

"Tama ka Tisay. Buti nga tanggap ako ng magulang niya kahit hindi ako mayaman. Ang bait nila sa 'kin."

"Yon naman pala, eh. Wag ka ng masyadong nag-iisip diyan."

"Oo, thanks Tisay." sabi ko saka ngumiti sa kanya.

Pagkatapos naming mag-usap na dalawa nagpunta na kami sa counter dahil simula na rin ng trabaho namin. Sa ngayon napakarami kong iniisip pero lahat ng mga alinlangan ko nawawala kapag kasama ko si Jillian. Sa totoo lang hindi ako nakakaramdam ng lungkot pag nasa tabi ko siya mas higit yong kaligayahang nadarama ko kapag kapiling siya. Siya yong tipo ng taong hindi titigil sa pangungulit pero kahit ilang beses ko siyang awayin dahil hindi ko talaga mapigilan minsan ang pagkamasungit ko, hindi siya nagsasawang suyuin ako hanggang sa bumigay na ulit ako at mapapangiti na lang sa kanya.

"Next please." sabi ko sa customer. 

Buti na lang hindi gaanong maraming customer ngayon, hindi katulad nong mga nakaraang gabi na talagang punong puno ang dining area. Sobrang nakakapagod ang mga gabing iyon pero kinakaya ko naman. Malapit na rin matapos ang contract ko dito at kasabay non matatapos na rin ang semester. 

Napabuntong hininga ako pero pinilit kong ngumiti ulit dahil may customer sa harapan ko. Bawal ang nakasimangot dahil pag nakita ako ng boss kong si Sir Ador lagot na naman ako. Baka ipatawag na naman ako sa office niya, ewan ko ba don sa taong yon laging ako napupuna niya. Paborito akong tawagin sa office non saka itatanong lang kung kumusta na daw ba ako. 

Pagkatapos ng shift namin sabay na kaming lumabas ni Tisay ng restaurant.

"Ano nga pa lang balak mo pagkatapos ng semester na to, girl?"

"Hmm?"

"Uuwi ka na ba sa inyo sa province?"

"Uhh.."

Maalala ko naikwento ko nga pala kay Tisay yong tungkol sa problema ko. Gusto ng Tatay ko na bumalik ulit ng probinsya at don na magtapos ng pag-aaral. Si Tisay lang talaga ang napagsasabihan ko, maswerte ako dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na gaya niya. Kahit lagi akong nagda-drama sa kanya hindi naman siya nagsasawang makinig sa akin.

"Paano na kaya si Jill pag umuwi ka sa inyo?"

"Dito ko tatapusin ang pag-aaral ko, Tisay."

"Ha?!! Hindi nga?! Seryos ka?! Hindi mo susundin ang sinabi ng Tatay mo?!"

Gulat na gulat ang reaksyon ni Tisay.

"Nakapagdecide na ako para sa sarili ko....para sa amin ni Jillian. Itutuloy ko pagiging working student ko kahit ilang taon pa ang abutin ko bago matapos ng kolehiyo. Ang importante sakin.......kasama ko si Jillian."

"Ikaw ba talaga yan, girl?"

Tumango-tango ako.

"Oo, Ayokong suwayin ang Tatay ko pero kapag naiisip kong magkalayo kami ni Jillian sa isa't-isa. Yong tipong hindi na kami magkikita pa pakiramdam ko mamatay ako agad. Hindi ko yon kaya. Mahal na mahal ko siya. Ang dami na niyang sakripisiyo na ginawa para sakin, kahit ito man lang ang maibigay kong kapalit sa mga ginawa niyang kabutihan....at para masuklian ang pagmamahal na binigay niya para sakin. Kahit ito man lang..."

Flares of Dawn (Jillian Fuentes Book 2) GXG ✔Where stories live. Discover now