"Opo boss! Sige na umalis ka na at baka naghihintay na iyong si Engineer Cueva."

Napabuntong hininga ako habang tinatanaw ng hatid si Joseph. Marami na ngang nagbago at takot akong malaman lahat ng mga pagbabagong iyon. Umalis ako ng walang paalam, umalis ako na durog ang puso at walang pupuntahan. Hindi ko alam kung ano na ang mga nangyari sa mga naiwan ko. Somehow naging makasarili ako, mayroon bang sisisi sa akin? Nasaktan ako ng husto noon, ang tanging gusto ko lang ng mga panahon na iyon ay takasan iyong sakit at kumawala sa nakakasakal kong buhay sa siyudad. I needed a break at hindi ako nagsisisi sa pag-alis ko. I met Joseph and JC was born.

I am so contented for what I have now. I've never been this happy. Sa loob ng tatlong taon nabuhay akong wala siya, kinaya ko. Takot ako noong iwan siya dahil pakiramdam ko'y mamamatay ako pero narealize ko na hindi si Ivan ang hangin ko. Hindi siya ang bumubuhay sa akin kundi ang sarili ko lang. Naging dependent ako sa kanya dahil bata pa ako, sunod sa lahat ng gusto niya dahil hindi ko pa kayang mag desisyon sa lahat ng bagay. Eighteen lamang ako noon. Kung may pagsisisihan man ako ay iyon ang pagsuway ko sa parents ko. Wala talagang tao ang pagpapalain kung hindi ka makikinig sa magulang mo.

Nasaktan ko sila mommy and daddy pero tinanggap pa rin nila ako. Maaga akong umibig, maagang nasaktan at maagang natuto sa gulong ng buhay. Natatakot ako sa pagbabalik nila sa buhay, natatakot ako na magulo muli ang buhay ko na matagal ko ring binuo.

Pagkatapos kong mananghalian ay agad na akong nagpunta sa reception area upang puntahan ang VIP guest na tinutukoy ni Joseph. Saan ko naman kaya siya dadalhin? Camp John Hay kaya para maranasan niya ang Tree Drop at Zip Line? Sa Mines View para magpa picture doon sa aso at mag wish sa anito? Sa Palengke ng Baguio para bumili ng mga pasalubong? Sa Pink Sisters para mag-alay ng itlog o sa Wright Park para mangabayo?

Kasalukuyan akong namomoblema kung saan ko dadalhin ang guest namin ng madaan ko ng tingin ang lalaking papalapit sa akin. Crap! Don't tell me siya iyong tinutukoy ni Joseph?! Hindi ako mapakali sa kinatatayuan ko at hindi mamalayan kung tatakbo pa ako palayo o lulubog na lamang sa lupa. Bakit ngayon pa hindi nakikisama ang aking mga paa?! Nakapamulsa lamang siya at nakapagkit ang kanyang titig sa buo kong pagkatao. Iyong mga titig na iyon na nakakapanghina.

Kaunti lamang ang nagbago sa kanya, mas naging maganda ang bulto ng katawan niya at nag mature ang kanyang mukha dahil sa iilang stubbles na nasa baba niya, mahahalata mo rin na nasa late twenties na siya. Napasinghap na lamang ako ng malapitan ko nang maamoy ang pabango niya. Iyong amoy na gugustuhin mo na lamang magkulong sa mga bisig niya at samyuhin iyon. Damn! Ano ba itong iniisip ko! Napapitlag ako ng ilang metro na lamang pala ang layo namin sa isa't-isa.

"Narito ka nga, akala ko panaginip lang. Nasa harap na nga kita ngayon Champagne." masuyo at malungkot niyang bungad sa akin ng sa wakas ay makabawi ako sa pagkabigla. Lumunok ako at hindi nakapagsalita.

"Pinipigilan ko ang sarili kong yakapin ka. God, I miss you so much." humugot muna ako ng malalim at tinignan siya diretso sa kanyang mala-agilang mga mata.

"Pinipigilan ko rin ang sarili kong sampalin ka. God, I hate you so much." mariin at puno ng sarkasmo kong tugon.

"Tara na at umalis baka gabihin pa tayong dalawa." hindi ko na siya hinintay pang makaapuhap at nilagpasan ko na siya.

Nakasakay na kami ng jeep ng muli niya akong kausapin. Hindi ako pumayag na magsasakyan pa kami. Ito ang maganda sa Baguio, masarap mag commute kasi hindi naman aligaga sa init ng panahon.

"Bayad nga po, duwa." umismid na lamang ako ng kunot-noo akong tinitigan ni Ivan dahil sa pagsasalita ko ng Ilocano. Kung kausapin ko kaya siya ng ilocano ng sa gayon at huwag na niya akong kausapin pa.

"Lalo kang gumaganda." sita niya sa akin. Sus!

"Oo, nawala ka kasi sa buhay ko. Wala ng pabigat kaya heto ang ganda ko na. Dati kasi parang pasan ko ang mundo." wala akong pakialam kung mag-hapon siyang magbuntong hininga.

"Hindi ko alam kung saa---"

"PARA!!! Huwag kang dakdak ng dakdak diyan." umiling na lamang ako at nagpatiuna ng bumaba ng jeep.

"Nasaan tayo?" napahiya siya ano? Buti nga!

"Kung makaarte naman akala mo di pa nakakarating ng Baguio, nasa Mines View Park tayo, malapit nalang dito iyong Wright Park at Botanical Garden, nadaaanan na natin iyon papunta rito. Tara na! Wala ka namang masyadong makikita rito pwede ka ring tumingin tingin sa mga pasalubong. Tikman mo ang sundot-kulangot at tiyak na magugustuhan mo iyon."

Hindi ko na siya hinayaan na maisingit pa iyong usapan three years ago. Hindi ko akalain na ganito pala kadali ang makita si Ivan. No awkward moments. Wala, naka move on na talaga ako. Kahit isang kiliti sa puso ko wala akong naramdaman.

"Sometimes, the wrong choices leads you to the right places"

to be continued...

No definite date ang pag-uupdate ko, depende kung kailan ko maisipan. 

TVFN 6 : Between The SheetsWhere stories live. Discover now