.MHM.30- TERRIFIED

Magsimula sa umpisa
                                    

pero bakit wala pang effort ay parang bumibigay na ako kaagad?

napansin ko din na iba na yung daan na tinatahak namin, pamilyar sya, actually parang papunta lang naman ito dun sa may lake kung saan una kaming nagdate, sa lake kung saan dun ako umiyak..sa lake kung saan, ito ang saksi kung gaano ko sya kamahal

hindi maganda ang pakiramdam ko, Is he trying to get back what we had before? ayoko! natatakot na ako mag-take ng risk, inaamin ko nahihirapan ako na magtiwala na ulit, mahirap sumugal kung alam mo na walang kasiguraduhan, yan ang natutunan ko sa mga panahong kasama ko si james

hindi malabong ma-fall ulit ako, and I'm terrified

"k-kailangan ko ng umuwi, m-may assignment pa akong kailangang gawin!" sabi ko sa kanya na natataranta

ayokong makasama sya sa isang lugar kung saan makakapagpaalala sa akin ng lahat

"you're lying" he said firmly

ganun ba ako ka-obvious?

"pano mo naman nasabi ha?"

"you're not good at it" 

Nag-isip ako ng iba pang pwedeng gawin o idahilan para makaiwas lang sa kanya

"huwag ka ng magbalak ng kung ano dyan para lang hindi matuloy ito"

"you're easy to read and I am not allowing it"

mukhang wala naman na akong ligtas so I must face the reality, wala na talagang pag-asa, nanahimik na lang ako, bahala na!

mukha rin naman kasi syang pursigido kaya kahit ano pang sabihin ko mukhang wala ring silbi

Iniwas ko ang tingin ko at huminga ng malalim ng makarating kami

"let's go" aya nya sa akin

bakit ba parang wala lang sa kanya ang lahat ng mga nangyari?

bakit parang hindi sya apektado?

hindi pa rin ako lumalabas ng sasakyan nya, hindi ko alam pero parang naparalisa na ako sa kinatatayuan ko kasi kahit anong pilit ko , hindi ako makagalaw.

nagulat na lang ako ng makita ko si james na nasa harapan ko na naman at sya ang nagtatanggal ng seatbelt ko, again, sobrang lapit na naman ng mukha nya at ayoko ng ganitong pakiramdam

natanggal na nya yung seatbelt kaya naman nahila na nya ako palabas ng sasakyan nya, isinakay nya ako dun sa hugis swan na bangka, yung aandar lang kapag nagpadyak kayong dalawa, paano nagkaroon ng ganoon dun?

"sakay!" napakagentleman nya talaga kahit kailan  

sumakay na rin naman ako dahil panigurado kahit tumanggi ako ay walang mangyayari, ng makasakay na ako ay sumakay na din sya at nagsimulang magpedal para umandar na yung floaters

"magpedal ka nga! ang bigat-bigat mo tapos ang tamad-tamad mo namang magpedal dyan" utos nya sa akin

"oo na! kung bakit naman kasi sinama-sama mo pa ako dito!"

nagpedal na ako katulad ng sinabi nya at ng makarating na kami sa gitna 

Eirie silence took over

"apple"

"James" magkasabay naming sabi sa isat-isa

"ikaw na!" we said again in chorus

"ako na nga!"

"ako na sabi!" Magkasabay pa rin kami

"ano ba?! magpakagentleman ka naman!" I hissed, wala man lang balak na ako ang paunahin sa pagsalita

"ako na muna!" pilit nya

mukhang wala syang balak magpatalo kaya naman inumpisahan ko na ang pagsasalita

"bakit ha? bakit mo ginagawa ito? bakit parang wala lang sayo ang lahat? bakit pinapahirapan mo na naman ako?!" 

"I just wanted to say sorry! I wouldn't ask for another chance kasi sa ayaw mo at sa gusto babawiin kita" 

hindi na namin naiintindihan ang sinasabi ng isat-isa sumabay din sya sa pagsasalita ko kaya palagay ko ay wala kaming naintindihan sa sinasabi ng isat-isa

"ANO?!" Muli ay sabay naming sinabi

"WALA!" marahas na sabi namen sa isat-isa

Pareho kaming gustong mauna sa pagsalita dahil kung sya ang mauuna maaaring yung sasabihin nya ang sagot sa dapat kong itanong at sabihin sa kanya kaya gusto ko ako ang mauna, ganun din marahil sya pareho kaming ayaw maunahan ng isat-isa sa mga plano at balak naming gawin

nagulat na lang ako ng bigla nya akong iharap sa kanya at hawakan ang magkabilang pisngi ko 

And the next thing I knew was he's kissing me.

September 29, 2012
FigsAraza
Mingming

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon