APPLE's POV
Matagal-tagal ko din syang hindi nakita at sa tagal na yun hindi ko ipagkakaila na namiss ko siyaI took a deep sigh and composed myself
"hmmp!" pasuplada kong sagot sa kanya
"sunget a, huwag kang mag-alala kahit hindi ka magsuklay ng buhok maganda ka pa rin" sabi nya na todo ang ngiti
nakakahiya naman o, todo emote pa ako sa pagsasalamin sa tinted na bintana ng kotse nya yun pala nandun sya sa loob, nag-iwas ako ng tingin, bakit parang ang init ng mukha ko?
"ewan ko sa'yo" bakit ganun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, parang nakaglue yung sapatos ko kahit na gustuhin kong umalis
"uuwi ka na ba? Tara na"
"huwag na lang no!" ayoko nang mag-take ng risk baka mamaya bumigay na naman ako
maguumpisa na sana akong maglakad ng bigla syang bumaba ng sasakyan nya at binuhat ako in a bridal style
"ano ba! gusto mo bang manyakin ako ng mga lalaki dito, nakaskirt kaya ako!" galit kong sigaw sa kanya at dahil buhat nya ako ay katapat ko ang tenga nya kaya naman napapikit sya sa lakas
"shit!" sabi nya at agad nya akong binaba
"kainis naman to oh!"sabi ko habang inaayos yung skirt ko
"sumakay ka na kasi" pilit nya sa akin
"eh sa ayaw ko, bakit mo ba ako pinipilit!" sabay irap ko sa kanya
"apple" sabi nya in a warning tone
nakakatakot at alam ko na kapag ganyan sya dapat sundin mo sya,
"tsk! san mo ba kasi ako dadalhin?" nakakunot noo na tanong ko sa kanya sabay padyak ng paa
"basta" hindi na ako nakapalag pa dahil hinawakan na nya yung kamay ko at iginiya papunta sa passenger's seat, ng makasakay na sya sa driver's seat ay tumingin sya sa akin
"what?" singhal ko sa kanya
Nginitian lang naman nya ako at bihira nya yung gawin, dumukwang sya sa may side ko at kinabit nya yung seatbelt at dahil dun, sobrang lapit na ng mukha nya sa mukha ko. Itinagilid ko yung mukha ko ng sa ganun ay yung pisngi ko na lang ang kaharap nya, natatakot ako, sobrang lakas ng tibok ng puso ko, yung tipong lalabas na!
Bakit parang ang tagal nyang magkabit ng seatbelt?
"ako na nga!" kinuha ko sa kanya yung seatbelt kasi naman hindi naman nya kinakabit kundi nakatitig lang sya sa akin
ngumiti naman sya sa akin pero hindi pa rin sya umaalis sa pwesto nya, nasa harapan ko pa rin sya
ano ba naman itong lalaki na 'to, balak ba nya akong patayin sa heart attack?! yumuko na lang ako habang nakatuon yung buong atensyon ko sa pagkakabit ng seatbelt
Biglang umakyat ang lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sunod nyang ginawa, hinalikan nya ako sa pisngi
"a-ano ba!" angal ko sa kanya
Hindi sya umimik pero bakit parang palagi syang nakangiti?
"tara na nga!" Pagiiba ko ng usapan at para mawala ako sa awkward na sitwasyon
"Sige" he said as he winked at me
hindi ko na lang pinatulan ang pang-aasar nya sa akin, habang nasa byahe ay sobrang tahimik namin, pagkatapos ng lahat ng nangyari, ito na ata ang sinasabi nya na 'I'll have you again'
BINABASA MO ANG
Make him mine [Chasing the devious guy!]
Teen Fiction"Loving someone is not easy, especially when you're the only one who loves." Gaano ba talaga kahirap pumasok sa konsepto ng isang 'One sided Love'? Is it an obsession? Ikaw lang ang nagmamahal at ikaw lang rin ang nasasaktan. When Apple fell inl...