.MHM.23- it's over;'(

9.3K 105 9
                                    

APPLE's POV

 

"apple,let's break up" mga salitang nakapagpatigil ng mundo ko 

pakiramdam ko ay tumigil pati na ang pagtibok ng puso ko, hindi ko kaya;(

hindi ko alam kung paano ko pakikitunguhan at haharapin ang lalaking nagsasabi na gusto na nyang makipaghiwalay sa akin

hindi ko alam kung paano,ayaw ko.

tiningnan ko sya,seryoso lang ang ekspresyon na pinapakita nya

ganun lang ba kadali yun para sa kanya?

pagkatapos ng lahat ng binigay at ginawa ko? bakit napakadali para sa kanya ang itapon na lang ako?

nanatili akong tahimik,hindi ko alam kung ano ang mga salitang dapat kong bitawan,

ayoko na sa isang salita ko lang ay magkamali ako at lalong gumulo ang sitwasyon

"apple" mahina pero andun yung diin sa mga salita nya

nag-inat ako at bumalik sa pagkakahiga

"hay! infairness ah, nakakapagod ang pag-stroll sa mall!" sabi ko 

hindi ko pinansin ang mga sinasabi nya.

nagbabakasakali na kung babaliwalain ko ay magbago ang isip nya,

pilit kong tinatakpan ang katotohanan sa mga nagaganap ngayon,sa pamamagitan ng pagpigil ng mga luha ko

siguro yung mga mata ko ay parang crystal na nangingislap dahil sa sobrang pagpipigil at naiipon sya sa mga mata ko na sa isang kurap ko lang ay tuluyan na itong babagsak

ang sakit;(

"apple,listen!"  niyuyugyog nya yung balikat ko

ayoko!

" I'm sleepy na eh!bukas na lang ah!" sabi ko,hudyat na nagpapaalam na ako

tama,mas gusto kong magbingibingihan na lang kaysa harapin ang katotohanan.

nagtalukbong pa ako ng kumot,ayokong makita nya na umiiyak ako,na naman.

"apple ano ba!makinig ka naman!" this time ay tumaas na yung tono ng boses nya at pilit na inaalis yung kumot mula sa pagkakatakip ko

Make him mine [Chasing the devious guy!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon