“Allejo, what happened?!”

Sabay-sabay na napalingon kaming tatlo nina Johann at Johanna sa coach noong biglang sumigaw ito, galit na galit habang nagpupuyos ang tingin kay Siegfrid. Kunot-noong nilingon ko si Julio na ngumisi at kumindat naman sa akin.

“Anong kalokohan ‘yon? We could have been disqualified!” the coach kept yelling at Siegfrid. “Anong nangyayari sa ‘yo, Allejo? You are not like this! Where is your focus?”

Hala!

Bakit siya pinapagalitan?

“Coach, chill ka lang! Dumulas lang ‘yong bola sa kamay ni Sig kaya natamaan ‘yong gago—este ‘yong tao,” sabat ni Julio na naging dahilan naman para mabatukan siya noong coach nila.

“Puro kayo kalokohan! This won’t happen again or else, aalisin ko kayo sa laro!” the coach warned.

“Siegfrid, okay ka lang ba—”

I came to a halt when he shot me an angry glare.

What?

Ano na naman ba ang ginawa ko?

Kasalanan ko na naman?

Mahigit sa sampu ang nilamang ng team sa kalaban nang matapos ang laro. Nang mag-buzzer beater ay sumabog ang puti at gray na confetti sa loob ng gymnasium kasabay ng dagundong noong drum and lyre corps. Dali-daling lumapit kami sa team para batiin sila. Ginulo ni Julio ang buhok ko at saka pinisil ang mga pisngi ko.

“Bakit napagalitan si Siegfrid kanina?” kuryosong tanong ko.

Hindi ako sinagot ni Julio at tanging ngisi lang ang ibinigay sa akin. Tinawag naman noong coach nila si Johann. Sumenyas sa akin si Johanna na sasamahan daw ang kapatid.

As soon as I lost sight of the two, I immediately looked for Siegfrid. I spotted him heading into their locker room and I eagerly followed behind, my heart brimming with joy and very ready to offer my congratulations.

“Siegfrid!” tawag ko pero bigla siyang nawala sa paningin ko.

Pero nakita ko siyang pumasok dito—

Natigilan ako at napatili noong biglang may yumuko sa harapan ko. When I looked down, I gasped seing Siegfrid bent on the waist while tying his jacket tightly around my waist, so tight it felt like I was wearing a waist trainer.

“Siegfrid, anong—”

“Will you dress appropriately?” galit na galit na sabi niya habang umiiling-iling na dinudungaw ‘yong mga hita ko. “You are always pissing me off!”

“Huh? Pero ito ‘yong napag-usapan namin ng club na suotin—”

“I do not care! Leave now,” pagtataboy niya.

“Pero Siegfrid, may sasabihin pa ako—”

“Leave.”

I pouted my lips and stubbornly ignored what he said.

Hindi niya ako mapapaalis!

“Congrats nga pala sa inyo—”

Natitil muli ako nang humilot siya sa sintido at saka itinuro ‘yong direksyon ng pintuan.

“Leave, Eleanour,” he repeated. “I do not want you here.”

Napakurap ako sa kaniya, muli na namang nasaktan dito sa inaasal niya. Angrily and so done with him, I untangled his jacket that he put around my waist and threw it in his face.

“Kung ayaw mo sa akin ay diretsuhin mo ako! You cannot be cold to me and then sweet to me the next!” punung-puno ng hinanakit na sabi ko.

He held onto my arms tightly, gazing intensely into my eyes. Then, he briefly glanced at the doors, tightly shut his eyes before locking his gaze with mine once more.

Stuck in the Illusion Called Us [Siegfrid & Eleanour]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon