Kabanata 6

66.5K 1.9K 335
                                    

‘Yong gana ko sa pagchi-cheer kay Siegfrid ay mas lalo lamang na dumoble

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

‘Yong gana ko sa pagchi-cheer kay Siegfrid ay mas lalo lamang na dumoble. Seeing him using the hand towel I gave him fueled my fangirling more.

Dahil anong ibig sabihin noon?

May pag-asa na ba ako sa kaniya?

May gusto na rin ba siya sa akin?

I watched as Siegfrid dabbed that blue hand towel in his sweaty face and neck that had me wishing I was that piece of fabric.

Lord, how to be a hand towel?

Sa buong oras ng laro ay iyon lamang ang ginawa ko. Halos mapaos na nga ako sa kasisigaw at mapagod sa katatalon pero wala akong paki!

“Johann, bakit hindi tinatawagan ng foul ‘yong si number thirty-three? Kanina pa niya sinisiko si Siegfrid ko! Bawal ‘yon, ‘di ba?” tanong ko at noong makita muling siniko si Siegfrid at siya pa ‘yong tinawagan ng foul ay napatayo na talaga ako.

Aba’t!

Dahil nasa penalty na ang team ay nagkaroon tuloy ng free throw ‘yong si number thirty-three. Mahigpit na ipinag-krus ko ang mga daliri habang humihiling na sana ay hindi pumasok ‘yong tira niya. Pigil-hininga ako habang pinapanood ‘yong pagbitiw niya sa bola roon sa ring. Nakahinga ako nang maluwag, napasigaw, at napasayaw nang hindi iyon pumasok.

“Puro ka pala yabang, e! Epal!” komento ko pa nang hindi rin pumasok ‘yong kasunod na free throw.

Tawang-tawa si Johanna sa tabi ko, si Johann naman ay nag-excuse para magbanyo. On the other hand, mukhang epektibo naman ang mga pang-aasar at rituwal ko dahil palyado rin ang mga sumunod na tira noong bakulaw na si number thirty-three. 

Walang humpay ako sa pagchi-cheer, tumatalon pa nga sa pagkakatayo ko sa tuwing nakaka-shoot si Siegfrid, pero natigil iyon noong muli na namang sumipol iyong mga lalaki sa likuran ko.

“Problema ninyo?” pagsusungit ko.

“Sige lang, Miss, tumalon ka lang nang tumalon. Galingan mo na rin ‘yong pagtuwad sa harapan namin,” sagot noong lalaki sabay tawa na animo’y hindi nakababastos ‘yong sinabi niya.

Nagbuka ako ng bibig at papatulan na sana sila pero nanlaki na lamang ang mga mata ko nang biglang may bolang lumipad sa mukha noong lalaking bumastos sa akin.

“Tangina!” malutong na mura niya habang hawak-hawak ang ilong na natamaan noong bola at ngayon nga ay dumurugo na. “Putangina!”

In an instant, Johann was back and he and Johanna were both holding me by the arm, both of them asking if I was okay and what happened. Hindi naman ako makasagot dahil hindi ko talaga alam.

I was too stunned to speak!

Nagkagulo sa puwesto namin at nabaling ang atensyon ng mga tao. Sandaling itinigil ang laro. May medic na umalalay doon sa lalaki at saka inilabas sa gym kasama noong lalaking kasama niya.

Stuck in the Illusion Called Us [Siegfrid & Eleanour]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon