CHAPTER 7: The Meet-up

Začať od začiatku
                                    

Hmmm. Bakit kaya sila andito? Bigla akong kinabahan. Napaisip ako na baka si Jen at si Ms. Chewing gum ay iisa. Argh. Hindi pwede. Hindi naman siguro siya yun. Madaming Jen sa mundo.  Hindi lang siya. Tumingin ako sa relo ko at 3 pm na. Kaya tinext ko na si Jen.

To: Jen :D

Hi Jen! Nasa coffee shop ka na ba?

From: Jen :D

Yup. Andito na kami sa loob. Nasaan ka na ba?

(Kami? May kasama siya? Bigla ulit ako kinabahan. Sh*t. Nasa tapat na ako ngayon ng pinto.)

Reply to: Jen :D

Kami? May kasama ka?

From: Jen :D

Oo. Bestfriend ko. Nagpasama lang ako sa kanya para hindi ako ma-bore sa paghihintay.

Reply to: Jen :D

Ok. Papasok na ako ng coffee shop. Saan banda kayo nakaupo?

From: Jen :D

Sa corner side kami nakaupo. Sa bandang dulo. :)

Inhale, exhale. Kinakabahan ako. Ngayon lang ulit ako kinabahan sa tanang buhay ko. Kinakabahan lang naman ako kapag kaharap ko si Lolo. Pumasok na ako sa loob ng coffee shop at hinanap sila. Corner side, corner side. Kabisado ko na ang coffee shop na ito dahil dito ako madalas nagpapalipas ng oras tuwing weekends. Hinanap ko kaagad si Jen. Sa unang corner ng coffee shop, dalawang lalaki na matanda ang nag-cocoffee. Naglakad-lakad muna ako. Sa likod ng counter ay ang restroom at utility room kaya imposible na doon nakaupo sila Jen. Paglingon ko sa kaliwa, nakita ko si Ms. Chewing gum at si Yumi. F*ck. Tama nga ang hinala ko. Nakita din niya ako at nagkatinginan kami.

                “IKAW?!” sabay pa kami ni Ms. Chewing gum na napasigaw. Nabasag ang katahimikan sa loob ng  coffee shop at nagtinginan sa amin ang mga tao pati mga staffs. Lumapit ako sa kanila at umupo sa katapat nya na upuan.

                “Anong ginagawa mo dito?!” bungad ko sa kanya. Teka. Bakit ko nga ba tinatanong yun. Obvious naman ang sagot sa tanong ko. Tanga ko talaga kahit kalian.

                “Ano pa ba sa tingin mo? Ang tanga mo naman.” Sagot sa akin ni Ms. Chewing gum. Argh. Naiinis ako sa kanya.

                “Ikaw ba talaga si Jen?”

                “Oo. Ako nga. Jen short for Jenny Choi.”

                “Haist! Naku naman. Sinasabi ko na nga ba eh. Sinet-up mo to no?”

                “Set-up?! Ano tingin mo sa akin criminal? FYI, hindi kita type. Kung yan ang iniisip mo.” Aba, talaga naman. Hindi lang pala siya amazona kundi ilusyonada pa. Pero aminado ako na ang ganda niya ngayon. Lalo na sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya. *_*

                “FYI din. Hindi rin kita type. Tch. Makaalis na nga.” Agad akong lumabas at sumakay sa kotse. Nakakainis. Bakit sa lahat ng tao, siya pa? Argh. Bakit ko pa kasi natripan maghanap ng ka-textmate nun sembreak.

*flashback*

                “Jiro! Mababaliw na ako sa sobrang boredom.“ Andito ako ngayon sa condo ni Jiro. Buti pa siya may condo kaya nagagawa nya lahat ng gusto nya.  -_-

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now