CHAPTER 1: First Day

1.4K 21 4
                                    

(--- JENNY’S POV ---)

“Jenny!” Sigaw ni Yumi, bestfriend ko.

 “Gumising ka na dyan at baka ma-late tayo sa school!” Sigaw ulit ni Yumi.

Anong oras na ba at kanina pa sigaw ng sigaw si Yumi? Pagtingin ko sa cellphone ko, 8:30 na ng umaga. Nagmamadali akong bumangon at tumakbo sa banyo para maligo at maghanda sa pagpasok sa school. 9:30 kasi ang unang klase namin sa umaga. Kailangan ko na talagang magmadali dahil kung hindi lagot kami sa class adviser namin na masungit. First day pa naman ng klase ngayon. T_T

Pagkatapos ko mag-ayos ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko si Yumi na nakaupo sa sala at mukhang kanina pa inip na inip.

“Kumain ka na. Dalian mo.” Sabi ni Yumi. Mukhang naiinis na din siya dahil lagi na lang akong late nagigising. E, di sya na ang laging early bird. Hehehe.

“Oo. Eto nga oh. Kakain na.” Sagot ko naman.

“Kahit kalian talaga, ikaw ang laging nauuna. Early bird.” Asar ko sa kanya.

“Ok na mauna kesa naman sa malate no. Alam mo naman na ayaw kong nalalate sa school o kahit sa anong meeting.” Sabay irap sakin.

Hindi na ako sumagot at tinapos na lang ang pagkain at pagkatapos ay nag-toothbrush.

Habang nasa sasakyan kami, biglang tumunog ang cellphone ko. Hindi ko mapigilang mapangiti nang mabasa ang text sa akin ni Papa Adrian ko. Kilig much! *.*

From: Adrian <3

Good morning! Ingat sa byahe ha. :)

Reply to: Adrian <3

Good morning din! Thank you. :D

From: Adrian <3

Text kita later. Malapit na mag-start ang class ko. D:

Reply to: Adrian <3

Ok. :)

Siguro, nagtataka kayo kung sino si Adrian. Siya lang naman ang crush ko. Kahit textmates lang kami at hindi pa kami nagkikita sa personal, nararamdaman ko naman na mabait siyang tao. Oo, alam ko ang iniisip nyo. Kaya pagbigyan nyo na ang author. Hahaha.

 Isang buwan na din kaming magka-textmate. Pero ni minsan, hindi ko pa nasubukan na tawagan siya. Well, sinubukan ko ng isang beses pero lagi nyang ine-end kaagad ang tawag ko. Kungbaga, dalawang ring lang, biglang toot, toot, toot na ang maririnig ko.

“O, bakit ka ngumingiti mag-isa dyan? Nag-text si Papa Adrian mo no?”  biglang tanong ni Yumi habang nagmamaneho.

“Oo. Nag-text siya. Nag-good morning at ingat daw ako sa byahe. Ay, kinikilig ang lola mo. “ Kinikilig kong sagot sa kanya.

“Pagdating talaga dyan sa Papa Adrian mo, lagi ka na lang kinikilig. Ni hindi mo pa nga nakikita yan. Baka naman, panget pala yan at loner kaya naghanap ng matetext. Tch.”

“Bestfriend ba talaga kita? Lagi mo na lang nilalait si Papa Adrian ko. :(” Sagot ko with matching pout. 

“Hindi naman sa nilalait, pero kasi, hindi mo pa nakikita yun tao. Hindi mo rin naman ako masisisi. Concerned lang din naman ako sayo.”

“O-oo na lang ako sayo. Haist.” Napabuntong hininga na lang ako. Papa Adrian, kalian kita makikita? *3*

--------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nandito na kami sa school ni Yumi ngayon. Kasabay namin dumating si Adrian Lee. Ang HEARTHROB dito sa Maryland Academy. Nasa likod naman nya ang kanyang pinsan na si Jiro Lee. Minsan nga, iniisip ko kung siya din ba ang Adrian na ka-text ko. Pero sa ugali pa lang, malayong-malayo at saka hindi lang naman siya ang Adrian dito sa mundo. Isang prestigious school ang Maryland Academy at ang family ni Adrian ang may-ari ng school. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit walang nagtatangkang umaway o gumulo sa kanya. Panigurado, talsik na kaagad sila sa school.

“Kyaaah~ Adrian, ang gwapo mo!” Sigaw ng mga babaeng haliparot.

“Jiro!~ Ang gwapo mo din!” Sigaw naman ulit ng mga babaeng haliparot.

“Thank you girls!” Sigaw at sabay kaway ni Adrian sa kanila. Si Jiro naman, nginitian lang ang mga babae.

Ang hangin lang diba? Kung makakaway, parang tatakbong presidente ng Pilipinas.  Ganyan palagi ang eksena kapag pumapasok si Adrian. Buti pa tong si Jiro kahit tahimik, hindi naman mahangin. Kaya nga inis na inis ako dyan sa Adrian na yan. Nakakapang-gigil lang. Kung pwede lang batukan, kanina ko pa binatukan. Hmp. Kung hindi ko lang mahal ang scholarship ko, matagal ko na sigurong ginawa yun.

Yes, you read it right. Scholar ako kaya ako nakapasok sa Maryland Academy. Si Yumi naman, sadyang mayaman ang family kaya afford nila ang tuition dito.

Nagtatatalon naman sa tuwa at kilig ang mga haliparot sa sagot ni Adrian.

“Tch. Akala mo kung sinong gwapo, ubod naman ng hangin. Tara na nga Yumi. Ang lakas ng hangin dito at baka liparin pa tayo.” Sabay hila ko kay Yumi na nakatitig kay Jiro.

Hmmm. Bakit kaya nakatitig si Yumi kay Jiro? Wala naman siyang nababanggit sa akin na crush niya si Jiro. Iinteroggate ko to mamaya. Hehehe.

Nag-ring na ang school bell kaya tumakbo na kami ni Yumi papunta sa room namin. First day nga pala namin ngayon for 3rd semester. 3rd year college na kami ni Yumi at parehas din kami ng course - Business Administration. Pagpasok namin ng room, nakita ko kaagad si Adrian aka Mr. Mahangin. Yan na ang tawag ko sa kanya ngayon. Kung minamalas ka nga naman oh. Kaklase pa namin siya. Umupo kami sa bandang harapan ni Yumi. Ayaw kasi namin sa likod dahil hindi na namin masyadong maiintindihan ang lesson kapag dun kami uupo. Dumating na ang class adviser namin at binati siya.

Pag-upo ko, naramdaman ko na parang may dumikit sa palda ko. Nun tumayo ako para tingnan kung ano yun naupuan ko, nakita ko may chewing gum. Hindi lang isa kundi tatlo! Anak ng pating talaga. Biglang nagtawanan si Mr. Mahangin at yun mga kabarkada nya na mahahangin din. Nakisabay na din sa pagtawa ang iba pa naming kaklase. Saksakan talaga ng pagka-childish tong si Mr. Mahangin.

(A.N: Isipin nyo na lang na hindi tumitingin si Jenny sa upuan bago umupo. Nakaharap kasi sila sa class adviser nila. hehe. )

Sinugod ko si Mr. Mahangin, susuntukin ko na sana siya, kaso hindi ko nagawa. Ayokong mauwi lahat ng paghihirap ko sa wala.

“O, ano pang hinihintay mo? Suntukin mo na ako. Kanina pa naghihintay ang panga ko.” Pang-aasar ni Mr. Mahangin sabay turo sa panga nya.

“Class! Quiet! Hindi na kayo mga highschool students. Mga college students na kayo. Ms. Choi, return to your seat.” Saway ng class adviser namin. Nakakahiya. First day of school pa lang, napagalitan na ako kaagad. Malamang, hindi na nya papagalitan si Mr. Mahangin. Kahit mga teachers, takot pagalitan siya. Baka mawalan sila ng trabaho ng wala sa oras.

Inirapan ko na lang siya at bumalik sa upuan ko. Pagkatapos ng first period, hinila ko kaagad si Yumi papuntang CR para tulungan akong tanggalin ang mga chewing gum sa palda ko. Nakakahiya talaga. >.<

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hello po sa inyong lahat! First time ko po magpost ng story.

Pasensya na po kung hindi masyadong mahaba. :)

Bawi na lang po ako sa next update.

Feel free to comment po. :)

Crazy Textmates to Crazy Couple?Where stories live. Discover now