Prologue

3 0 0
                                    

Ang daming tao. Sobrang daming tao. Kailan ba mababawasan ng tao ang Giescu? Bakit ang daming tao sa Giescu!?!?!

Naglalakad ako ngayon sa isang kalsada sa Giescu city. Ang Giescu City, siyempre halata naman, isang city. Isang city sa bansang Qekiche, at naiinis ako ngayon kasi nasa isa akong kalsada. Anong masama sa paglalakad sa isang kalsada?
1.Mainit.
2.May makikita kang tao.
3.May kasabay kang maglakad na mga tao.
4.Kailangan mong yumuko para 'di makasalubong ng mata ng ibang tao.

Kung hindi ko lang kailangang magaral, eh siguro, kailanman ay 'di na ako lumabas ng bahay. Bakit ba ako nagaaral? Hindi ko naman ginustong magaral. O sige, sabihin na nating kailangan talaga ng isang taong magaral kasi yun lang ang makakabuhay satin kung wala kang talento; eh ano naman? Ginusto ko bang mabuhay sa mundong ito?

Hay. Nakabuo nanaman ako ng isang argumento sa utak ko, dahil lang sa naglakad ako sa isang kalsada. Ang dami ko nanamang naisip. Nandito na ako sa loob ng library ng school.

"Nisha Madop"

Tinatawag na 'ko.

Keep your cool and walk.

Walk without making any mistakes.

Don't bump into anyone.

Don't trip.

Don't slouch, don't look constipated.

Just a few more steps-

YES! NASA TAPAT NA AKO NG TEACHER NA IN CHARGE SA PAGEENROLL NG MGA ESTUPIDIANTE SA SCHOOL NA 'TO!

"Please fill out these forms on the tables available in this library then proceed to the cashier for payment. Welcome to Rentine Academy."

Ngiting ngiti siya. Ugh. Uhmm. Anuna beshie. Err. Pano ko ba dapat siya sagutin. Dapat ko ba siyang sagutin? Ano ba dapat kong gawin. Di naman ako tinuruan ng Human Interactions sa school at sa bahay. Wala ngang subject na ganon. Err.....

"Miss! Are you alright? You look pale and your sweating. Why are you crying?"

"No! My eyes are just sparkling because I'm a manga character."

Tinignan niya lang ako at tinanong kung anong sinabi ko kasi hindi niya narinig. Sobrang hina ng boses ko 'pag may kausap akong 'di ko kayang kausapin. Kaya tumayo na lang ako at tinapos na lahat ng kailangang tapusin. Let's get this over with.

Walking From The Dark SideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon