IKTP - 22

13.3K 467 55
                                    

Pinagpatuloy lang namin ni Scott na pag-masdan ang mga invited sa party mula dito sa second floor.

"Sweetie, paano ka nagka ganyan?" Bigla niyang pag o-open ng topic kaya napa tingin ako sa kanya.

"What do you mean?" Kunot noo kong tanong.

"I mean, kilala as cold-hearted at school."

"Really? Kilala ako as ganun?"

"Yup! Hindi mo ba alam na ikaw ang second popular girl at school?"

"Sino ang first?"

"Si Meg." Si Meg? 'Yung ex niya?

"Paano ako naging popular sa school?" Naging popular ako sa school ng hindi ko alam?

"Because you're pretty."

"Kalokohan!" I don't find myself pretty at all.

"Anyways, back to my question. Bakit ka naging cold-hearted?"

"I don't know either. Hindi naman ako ganito dati. Maniniwala ka bang malambing ako dati?"

He chuckled, shaking his head. "Hindi halata sa personality mo."

"Well believe it or not, malambing talaga ako dati."

"Sayang hindi ko naabutan 'yun."

I rolled my eyes. "Nag simula lang akong maging ganito noong umalis si Papa at 'yung matalik kong kaibigan na si Ken. Iniyakan ko ng sobra 'yun. Hindi ko alam kung bakit, siguro dahil bata pa 'ko nun. Lagi akong nag tatanong sa lahat kung kailan sila uuwi pero walang sumasagot hanggang sa napagod nalang akong mag tanong at 'wag nalang damdamin pa 'yung mga bagay-bagay dahil sarili ko lang ang pinahihirapan ko, hanggang sa na sanay na lang ako na ganito. 'Wag nalang pakialamanan ang nasa paligid para hindi ako masaktan."

"I see." Hinawakan niya 'yung kamay ko tsaka niya 'to hinalikan. "Thank you for telling me that."

I shrugged. "Nag tanong ka eh."

He chuckled.

May kinuha siya mula sa bulsa niya at ipinakita niya sa'kin ito. Isa 'tong kwintas na may pendant na letter S and K na magka-dikit.

Ayoko ng tanungin kung anong meaning ng SK dahil obvious naman kung ano. S for Scott and K fot Korra or Koko.

"Happy birthday again." Bati niya ng may ngiti sa labi.

"'Yan na ba 'yung gift mo?"

He nodded. "Yup. Ayos lang bang isuot ko sa'yo?"

"Yah." Mas lalo siyang lumapit sa'kin tsaka niya sinuot ang kwintas sa'kin.

"Thank you." Sabi ko sa kanya pagka-suot niya ng kwintas sa'kin.

"Welcome, Sweetie." He kissed my forehead. Tumingin siya ulit sa mga mata ko at this time seryoso siya na talaga namang nakaka panibago.

"Korra, I'm in love with you."

Oh my god!

"I love you. Will you be my girlfriend?"

Oh my god!

Kumabog ng mabilis ang puso ko sa confession niya. Hindi ko alam kung bakit samantalang sinabi na niya 'yan noon. Well siguro dahil magkaiba 'yung noon at 'yung ngayon. Noon kasi may lagnat siya kaya parang hindi kapani-paniwala pero ngayon nasa katinuan siya.

Kinagat ko ang lower lip ko at yumuko lang. Hindi ko pa alam ang isasagot sa kanya. Ni hindi ko pa nga alam kung anong nararamdaman ko sa kanya eh.

"Koko?" He called. Hinawakan niya 'yung chin ko at pinatingin sa mga mata niya. "What's your answer?"

"Scott... i uh..." Shit bakit ako kinakabahan ng ganito? Eh hindi naman ganito ang naramdaman ko noon tinanong ako niyan ni Jacob. May takot akong nararamdaman. Takot na baka kapag hinindian ko siya ngayon tumigil na siya sa panliligaw niya. Takot na baka kapag sinagot ko siya, mali pala ang maging desisyon ko dahil playboy siya.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now