IKTP - 2

24.6K 728 27
                                    

Ako ang unang bumitaw sa kiss namin ni Scott ng dahan dahan. Tumingin ako sa mata niya after that kiss nakatingin lang siya direkta sa labi ko. As i look back at his lips, he's smirking while biting his lower lip.

Umatras ako ng isang hakbang palayo sa kanya tsaka nilingon ang ex kong si Jacob na mukhang gulat pa din sa kinilos ko. Sinamaan ko siya ng tingin 'tsaka nag simulang maglakad palayo sa kanilang dalawa.

Dumiretso ako sa paglabas ng Club at pagkalabas na pagkalabas ko huminga ako ng malalim at napahawak sa labi ko.

Oh God!
I kissed Scott.

I kissed the playboy.

Ano ba namang kalokohan ang pumasok sa isip ko? Siguro dala ng galit kay Jacob. Urgh!!

"Korra!" Dinig kong tawag sa'kin ni Miks. Nilingon ko siya tumatakbo siya papalapit sa'kin.

"Hindi ako makapaniwala sa ginawa mo." Hingal niyang sabi habang nakangiti. "Ang cool mo kanina!" Dagdag niya.

"Anong cool dun? Eh hinalikan ko nga si Scott."

"Kaya nga ang cool eh, si Scott Constancia ang hinalikan mo. Si Scott na sobrang gwapo, si Scott na sobrang hot. Tapos cool ka lang na umalis na akala mo hindi ka nakipag halikan kay Scott. Ang cool talaga nun, girl."

"Hindi 'yun cool nu!"

"Eh kung hindi 'yun cool para sa'yo, bakit mo hinalikan si Scott?"

"Kasi... uh... bago kita malapitan kanina nagkausap kami sandali ni Scott at siguro dahil din sa siya lang naman ang kilala kong lalake dito maliban kay Jacob at... galit ako sa ginawa ni Jacob."

She raised her right eyebrow, confused. "Pang ganti mo kay Jacob ang paghalik kay Scott, ganun ba 'yun?"

I sighed. "Parang ganun na nga."

"Wow! Mas lalong cool 'yun." She said smiling, amusingly.

Bigla akong napakamot sa batok ko kahit hindi naman 'to makati. Haay! Pambihira! Pero siguro naman wala lang kay Scott 'yun. Tutal normal nalang naman sa mga playboy na tulad niya na halikan nalang ng babae kaya siguro hindi na niya papansin 'yung ginawa ko. Sana nga!

Then suddenly Scott showed up. Pumunta si Miks sa tabi ko habang si Scott ay nasa harap namin. Shit!

"Hey Ko..." Huminto siya pagsasalita na tila 'di maalala 'yung pangalan ko. "Ko."

Ano daw?

"Hey, Koko." He greeted me.

"Korra ang name ko." Pagpapaalala ko sa kanya. Tawagin daw ba 'kong Koko?

"Oh yah! I forgot i'm sorry." He said smirking. "Pero mas cute ang Koko."

Whatever!

"Salamat. Sige uh... mauna na kami. Bye." Winave ko 'yung kamay ko sa kanya bilang pagpapaalam sabay angkla sa braso ni Miks at hinila siya palayo kay Scott papunta sa pinag-parking-an ko.

"Wait! Koko!" Pagpipigil niya kaya napahinto kami sa paglalakad. Bumitaw ako sa pagkaka-angkla sa braso ni Miks at humarap kay Scott.

"May kailangan ka pa ba sa'kin?" Tanong ko.

"Yah!"

"Ano 'yun?"

He showed me his smiles, no! smirk pala. "Your cellphone number."

"My what?" Tanong ko na parang 'di narinig 'yung sinabi niya. Totoo bang hinihingi niya number ko? Bakit? Dahil sa nag kiss kami?

"Your cellphone number." He repeated.

I Kissed The Playboy..Where stories live. Discover now