Chapter Forty

2.1K 57 1
                                    

 Clementine's POV

Mukhang dapat eh pagbalik ko na lang dapat sinagot si Dee dahil ngayon ayaw niya na akong palabasin ng condo niya. 

"Babe, hindi nga pwede. Importante ang pag-uusapan namin ni Lia. Besides I'll be back in two hours." Tumayo na ako pero hinila niya ako kaya napaupo ako sa hita niya.

"No, next week mon a siya kausapin. Namiss ka ng boyfriend mo, ditto ka lang sa tabi ko." Pangungulit niya, kinurot ko naman ang pisngi niya.

"Ang cute cute mo talaga! Pero kaya ako umuwi ditto ay para maayos ko yung kay Lia. Alam mo naman yung nangyari diba? Hindi ko man sinasadya dahilan pa rin ako kung bakit siya nasaktan. And I just want to apologize to her." Seryoso ko ng sabi kaya binitawan niya na rin ako.

"Sige na nga just promise me that you'll be back." I smiled and nodded, tsaka siya binigyan ng light kiss sa lips.

"Yes po, I promise. I'll be back." Tumayo na ako at sumunod naman siya, hahatid yata ako sa parking lot.

Nakasakay na ako sa kotse pero hindi maka-alis dahil nakatukod pa rin siya sa may bintana ko.

"Two hours ka lang mawawala ah?" Tanong niya na naman kaya natawa na lang ako.

"Yes, babalik ako agad. Kaya alis na diyan dahil mas lalo lang nasasayang ang oras." Umayos naman na siya ng tayo kaya kumaway na ako sa kanya at pinaandar ang sasakyan.

Natawa pa ako ng magflying kiss ito...

Nakalabas na ako ng condo niya at nagdra-drive na when suddenly I felt pain shot through my sides and everything went black.

Damien's POV

Almost 3 hours na ang nakalipas ng umalis si Clementine at kahit isang text wala akong nakuha sa kanya kaya hindi na ako mapakali.

We agreed na sandali lang siya dun dahil kakausapin niya lang naman si Lia then babalik na.

Kaya after another 10 minutes tumayo na ako,deciding na sunduin na lang siya. 

I was trying to call her phone pero hindi ito sumasagot kaya naman binaba ko na lang, baka hindi maganda ang nangyari after they talked.

Pero saktong pagbaba ko ng tawag eh may pumasok na call sa phone ko from an unknown number. Usually I wouldnt answer this type of call pero parang may nagtulak sa akin na sagutin ito.

"Yes, who's this?" Tanong ko at narinig ko naman ang ingay sa kabilang linya.

"Is this Mr. Damien Padilla?" Tanong ng boses babae sa kabilang linya. Kumunot ang noo ko, paano nila nalaman ang number ko? Masyadong secured ito for them to just call.

"Yes, why?" Tanong ko

" I'm from the Lee University Hospital, we called to inform you about Ms. Clementine Bernardo? She got into a car accident, we're sorry if it took us a long time to call but we cant access her phone and records so we had to wait for an expert." Hindi ko na narinig pa ang iba niyang sasabihin dahil tumatakbo na akong papuntang kotse ko at agad itong mabilis na pinaandar papunta doon.

"Shit, shit! Fuck!" Hindi ko alam kung ilang mura ang lumabas sa bibig ko habang nagmamaneho ako pero hindi ko alam kung paanong hanggang ngayon ay buhay ako dahil nanginginig ang mga kamay ko.

Ibinato ko na lang dun sa vallet yung susi at agad ng tumakbo para magtanong sa kung nasaan si Clementine.

"Clementine Bernardo, where is she?!" Taranta kong tanong at sinagot niya namang nasa operating room ito.

Tumakbo ako agad,at nakita ko pa ang humahangos na si Lia papasok ng hospital. Nakita niya naman ako kaya sumunod siya agad sa akin.

" I didnt even know that she was home. Tapos malalaman ko sa ganitong paraan? Where is she? Ano daw ang lagay niya?"  Mabibilis niyang tanong pero hindi ko siya magawang sagutin. 

"She was planning to surprise you okay? Kanina lang siya dumating at kahit ako nagulat. Papunta siya sayo oara kausapin ka ng mangyari to and she's still in the operating room."  Sagot ko kaya natahimik siya. 

Pagkalabas namin ng elevator umupo siya sa mga upuan pero hindi ko magawang gawin yun. Paikot ikot lang ako ng lakad habang naghihintay ng balita.

Lia's POV

Malakas ang kabog ng dibdib ko sa kaba tungkol sa nangyari kay Clem. Isang oras na ang nakalipas ng dumating kami at wala pa rin kaming balita.

Damien haven't stopped walking, at sila Lester naman ay nandito na rin.

"Do you want me to investigate the accident?" Tanong ni JC sa kuya niya at tumango lang ito.

"Siguraduhin mong mahuhuli mo ang may kagagawan nito. Bukas na bukas kailangan nasa likod na ito ng mga rehas."  Utos ko sa kanya kaya napatingin sila sa akin. Mukhang may sasabihin pa dapat siya pero bumukas ang pinto at may lumabas na mga doctor.

Mabilis na nakalapit si Dame dito...

"How is she?" Tanong niya

"She's not critical anymore. Although she suffered traumatic brain injury kaya she is currently in a state of coma. Pero maayos ang vitals niya so malaki ang chance ng mabilis niyang recovery at paggising." Paliwanag nito, kaya kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag.

"Can we see her?" Tanong ko at tumango naman ito.

"Once na matransfer na namin siya sa ICU pero hindi pwede ang sabay sabay." Sagot nito at nagpaalam na.

Mabilis ko namang inalalayan si Damien na mukhang biglang nanghina.

At mula kanina, ngayon ko lang siyang nakita na lumuha.

"Why did this happen?" Bulong niya sa sarili.

"Clementines going to be okay, she's a fighter. Baka bukas gising  na rin yun. Matutulog lang siya ngayon para bumawi sa mga kulang niyang tulog." I said, trying my best to comfort him. At may maliit namang ngiti ang lumabas sa mga labi nito.

"Tara na, lets go see your Cee." Sabi ko at inalalayan siya patayo.

Habang naglalakad, nagkatinginan kami ni JC at tumango lang ito. Mukhang alam na ang gusto kong ipagawa sa kanya.

I will make sure to catch the person behind Clementine's pain.....

*************
A/N: I'm back from a short vacation  kaya babalik na ang mga updates. Although kailangan ko ng simulan ang paggawa ng summer assignments ko dahil magha- highschool na ako huhuhu.....

Depressing chapter, but babawi ako next time sa more sweet moments.

6 more chapter including the epilogue!

~All the love...

Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon