Chapter Thirty Six

2.1K 46 4
                                    


Clementine's POV

After that call with Dee hindi ko na halos matingnan pa ulit ang phone ko dahil busy. Hindi na naman ako galit sa sinabi niya eh, inis lang nung una pero ngayon wala na medyo sensitive pa kasi sa akin ang topic na yun but now I'm okay.

Dalawang araw ang nakalipas bago ako magkaroon ng oras na umupo ulit at makapag-isip tungkol sa mga nangyayari. Ngayon lang din ako nakahanap ng oras to contact Damien. Mag-isa lang ako sa bahay dahil sa wakas ay napilit ko na rin si Ash na kaya ko naman at meron namang security na nag-iikot sa labas ng bahay.


Bago ako tumawag kay Dee, naglinis muna ako ng katawan at nagprepare ng movie na pwedeng panoorin. Hapon pa ang unang schedule ko bukas so I don't have to wake up early.

Saktong pagkakaupo ko sa kama ay tumunog ang skype ko signaling na may tumatawag, ang akala ko ay si Damien na pero ng makita ko kung sino ito it was Lia. Kumunot ang noo ko dahil hindi naman ito tumatawag ng ganitong oras lalo na at tanghali sa Pilipinas ngayon, sigurado akong nasa office ito.


"Hey, may problema ba?" Tanong ko agad, naabutan ko naman siya na kinakagat ang kuko niya, ang gawain niya kapag kinakabahan siya.

"Did your assistant informed you about the rumors?" Tanong niya ako naman ang kumunott ang noo, nagtataka sa sinabi niya. Since when did I suddenly care about the rumors?


"Kelan pa ako nagkainteres sa mga balita tungkol sa akin lalo na kung tsismis?" Tanong ko napailing siya.

"So wala pa nga. I knew it was a bad mistake to not go with you. And if you care about Dame kailangan mong magka-interes sa kumakalat na tsismis ngayon." Nag- hintay ako sa paliwanag niya.


"Its been going on for the past two days at habang tumatagal na walang nagbibigay ng official statement mas lalo lang itong lumalaki. Dame has been a mess since then, iniisip niya na kasalanan niya kung bakit may ganito dahil dun sa comment niya nung huli kayong mag-usap. Kanina lang halos hindi na namin siya mapigilan na gamitin ang private plane niya para sundan ka." Sa bawat mga salitang sinasabi ni Lia mas lalo lang akong naguguluhan.

"Lia what exactly are you talking about?" Pagdiretya ko na sa kanya.


"Rumors about you and Ash getting married. Lumalaki pa ito lalo dahil sa mga pictures na kumakalat. Sweet photos ninyong dalawa. Halos mabaliw na si Dame dito at hindi na nga pumapasok. Hindi mo ba nakita ang mga missed calls niya? Akala ko kahit papaano ay nakausap mo na  siya kaya hindi muna ako tumawag but then kanina tinawagan na ako nila Lester to contact you dahil nag-aalala na sila para kay Damien. Hindi rin daw ito nagpapa-awat sa paglalasing." Nanlaki ang mga mata ko sa balitang sinabi niya.

"I have to go. Thanks for telling me." Binabaan ko na agad siya at agad na sinearch ang pangalan ko.


At yun nga thousands of articles na tungkol sa engagement naming dalawa di umano. Halos mapamura pa ako kung hindi ko lang naalala ang huling sinabi ni Lia.


'Hindi rin daw ito napapa-awat sa paglalasing'


Agad agad kong sinubukang tawagan si Dee pero hindi siya sumasagot. Sinunod ko sila Lester pero ni isa rin sa kanila wala akong ma-contact.


Just a cheerleader(K.N)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon