Chapter 9. (Ang Barya)

Start from the beginning
                                    

"Pagmumukhain mo na naman bang kaming tanga? Kinokontrol namin ang buhay namin."

"Makinig ka muna please, Magiingat ka, Wag kang lalapit sa bagay na may butas o barya.---" Naputol ang sinasabi niya dahil binaba ko agad ang cellphone.

*Wendy's POV*

"Makinig ka muna please, Magiingat ka, Wag kang lalapit sa bagay na may butas o barya.---" Shit! Hindi ko nasabi yung lock ng Pinto. Shit!

"Anong sabi?" Tanong sakin ni Julie.

"Kailangan na natin silang hanapin." Sabi samin ni Clear.

Dali-dali kaming pumunta ng sasakyan.

*End of Wendy's POV*

*Kate's POV*

Binaba ko na yung Linya kasi ayoko ng makinig pa sa katangahang sasabihin niya sa akin.

"Sino yun? Tanong sa akin ni Mike.

"Sabi ni Wendy, Mag ingat daw tayo sa bagay na may butas o barya."

"Naniniwala ka ba sa kanya?" Tinanongniya ulit ako.

"Malapit na eh." Sinagot ko siya ng totoo.

"Nako, Ihahatig nalang kita pauwi, Halika na nga, Kanina pa naghihintay yung sasakyan ko."

Sumakay kami ng Sasakyan, Parehas kaming nasa front seat, Syempre siya ang nagdradrive. Inobserbahan ko ang sasakyan, medyo luma na pala ito. Ilang beses ko na ding sinabihan si Mike na palitan yung sasakyan niya kaso ayaw niya kasi Regalo pa daw ito ng tatay niya sa kanya bago namatay sa Route 21 Pile-up. Oo, Kasama namatay ang tatay niya dun.

Pumunta kami sa Gas statiion, Pinafull-tankniya yung gasolina ng kotse niya, May convienient store sa Gasolinahan kaya namili muna siya. Habang naghihintay ako sa pagdating niya nag ring ulit yung cellphone ko.

"Hello?" Sinagot ko yung tawag.

"Hello kate, Nasan kayo? Si wendy ito"

"Andito kami sa Gasolinahan ng 45th Lane, Bakit?"

"Nakalimutan kong sabihin na magiingat--" Naputol na naman ang sinasabi niya dahil nakita ko si Mike na kalalabas lang ng convenient store at papunta na ng sasakyan.

Pumasok na siya at Tumakbo na naman ang kotse, Huminto kami sa isang Vending Machine ng Pepsi.

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kanya."

"Nauuhaw ako eh, bibili lang ako ng Inumin."

"Sige, ako nalang ang bibili." Binuksan ko ang Pinto ng Kotse, Pero ayaw nitong bumukas.

"Ano ka ba, Ako na. Nakalimutan ko palang sabihin sayo na naka on yung childLock nyan, Pati rin bintana niyan nagloloko na, Alam mo naman, Luma na kasi ito. Pagpasensyahan mo na." Pagkwekwento niya.

"Ah, Okay lang." Lumabas na siya ng kotse niya.

*Wendy's POV*

"Nasan daw sila?" Tanong sakin ni Simon habang nagdadrive siya.

"Nasa Gas Station daw siya." Sabi ko.

Nakarating kami ng Gas Station, Pero mawala kaming nakita kahit anino man lang nila.

"May alam ka bang Vending Machine na malapit dito?" Tanong samin ni Clear.

"Meron, Medyo malayo pa, Pero kaya nating marating within 6 minutes." Sagot ni Julie.

Inapakan ni Simon ang Accelerator, At nagdrive ng napakabilis.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Where stories live. Discover now