“Salamat ha.” Ani ko at sabay tanggal sa braso niya na naka-akbay sa akin. Pumara ako ng tricycle at sumakay dito kahit na wala akong pera na pambayad. Pwede naman na sa bahay na ako magbabayad ng pamasahe. Kailangan ko lang talaga makalayo sa mokong na ‘yon. Nang makasakay ako ay nahagilap pa ng mga mata ko ang lungkot sa mukha ni Marcus. Tsss. Bakit naman siya malulungkot, Ace? May bago na nga siya diba?

Pagkadating ko sa bahay ay agad akong kumuha ng pera pambayad ng pamasahe sa tricycle. Pagpasok ko sa kwarto ay nilapag ko ang ulam at kanin sa mesa. Parang nawala naman ako ng gana kumain ngayon dahil sa nangyari kanina. Bakit ba kasi ang lakas pa din ng epekto ni Marcus sa akin? Malamang, Ace. Hindi ka pa nakaka-move on. Oo nga, ilang linggo pa lang naman noon huli namin pagkikita at totoo, hindi pa ako nakaka-move on sa sinapit ng relasyon namin. Hay, Marcus.

Kinain ko din ang pagkain dahil na rin sa ayaw kong masayang ‘yon. Pagkatapos noon ay inabala ko na ang sarili ko sa paglilinis ng kwarto ko. Lahat ng bagay na nakita kong wala ng silbi ay tinatapon ko sa basurahan. Hanggang sa makita ko ang isang picture frame na may litrato naming dalawa ni Marcus. Ito ‘yon time na hinarana niya ako sa shop at sinagot ko siya. Tinanggal ko ang litrato sa frame at pinalitan ng ibang litrato. Naghanap ako ng box at doon nilagay lahat ng bagay na may kaugnayan sa naging relasyon namin ni Marcus. Kalahati ng utak ko ang nagsasabi na itapon ko na ‘yon pero ang isang kalahati naman ay nagsassabi na itabi ko ang mga bagay na ‘yon. Sa huli ay itinabi ko ang box na ‘yon.

Matapos ang ilang oras na paglilinis ay napagdesisyunan ko naman na paliguan ang alaga kong aso na si Choco. Ang lambing-lambing nito sa akin. Lagi akong dinidilaan at parati din nakasunod sa akin kahit saan man ako magpunta. Minsan nga ay naiinis na ako sa sobrang lambing nito kaya tinatalian ko para pumirme sa isang pwesto. Haha.

Kinagabihan ay nakahiga na lang ako sa kama dahil sa sobrang pagod. Ang dami ko ba naman ginawa ngayon araw na ‘to eh. Nakatitig lang ako sa kisame at nag-iisip ng kung anu-ano. Paano kaya kung hindi ako nakipaghiwalay kay Marcus? Paano nga kaya kung hindi niya babae ‘yon nakausap ko? Pero hindi eh, ano naman magiging motibo ng babae para gawin ‘yon kung hindi siya girlfriend ni Marcus?

-----

“Salamat ha.” Ito ang huling narinig ko mula kay Ace bago siya sumakay ng tricycle pauwi sa kanila. Alam ko, hindi pa rin niya ako napapatawad sa sinasabi niyang pambababae na ginawa ko. Hindi ko talaga lubos maisip kung sino ang gagawa noon. Alam naman ng lahat na may girlfriend ako at si Ace ‘yon. Pagkadating ko sa bahay ay agad kong hinain ang mga ulam na binili ko sa karinderia. Si Ace mismo ang nag-rekomenda sa akin na doon bumili ng ulam dahil masarap sila magluto at totoo naman na masarap nga ang mga niluluto nila na ulam.

“Kuya Marcus!” Sigaw ng kababata ko na si Xyza. Dalawang taon lang ang tanda ko dito pero palagi akong tinatawag nito na kuya. Sinasabihan ko naman siya na huwag na akong tawagin na kuya dahil medyo hindi naman malayo ang agwat ng edad namin.

“Kumain ka na ba?” Umiling-iling siya kaya naman inimbitahan ko na din siya mananghalian kasabay namin. Ilang bahay lang ang pagitan ng bahay ni Xyza sa bahay namin kaya madalas kaming magkalaro noon mga bata kami. Naalala ko pa noon, para siyang lalaki manamit. Ika nga nila, one of the boys siya pero isang araw bigla na lang nagbago lahat. Unti-unti na siya naging babae. Nagsimula sa pananamit hanggang sa naglalagay na siya ng kolorete sa mukha.

“Kayo pa rin ba ni… sino ba ‘yon girlfriend mo? Ace? Tama ba?” Isang tanong na nagpabalik ng lungkot ko. Hindi ko pa rin matanggap na mauuwi sa ganito ang relasyon namin. Sabi ng mga kaibigan ko ay bigyan ko muna ng space si Ace dahil baka lalo lang lumayo ang loob niya sa akin kapag pinagpilitan ko na walang katotohanan ang mga pinaparatang niya sa akin. Tuklasin ko muna daw kung sino daw ba ang maaaring gumawa noon.

“Wala na kami.” Maikling turan ko at pinagpatuloy ko lang ang pagkain.

“OMG, talaga? Buti naman.” Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko at binaling ko ang tingin ko sa kanya. Agad naman niya binawi ang sinabi niya.

“Ang ibig kong sabihin, buti naman at natauhan na ‘yon Ace na ‘yon. Sino ba naman magkakamali na mainlove sa katulad mong playboy.” Hindi ko na lang pinansin ang komento ni Xyza. Oo, playboy ako noong nasa kolehiyo pa kami pero nagbago na ako. Hindi na ako katulad ng dati na kaliwa’t kanan ang mga babae. Simula noon makilala ko si…

“Huy! Biro lang! Ito, masyadong seryoso.“  Sabay pisil nito sa pisngi ko. Tinabig ko naman agad ang kamay niya dahilan para mailang ulit kami sa isa’t isa. Sa totoo lang, pinipilit kong bumalik kami sa normal ni Xyza. Simula kasi noon aminin niya sa akin na may gusto siya sa akin ay nagkailangan na kami. Pilit na lang namin sinasalba ang pagkakaibigan namin. Ayoko kasing masira iyon. Isa ‘yon sa mga bagay na sinabi ko sa kanya noon nagtapat siya. Pinapahalagahan ko ang pagkakaibigan namin. Hindi niya medaling natanggap ang mga sinabi ko noon sa kanya pero kalaunan ay kinausap niya na din ako hanggang sa ito nga.

Matapos kumain ay hinugasan ko na ang pinagkainan naming kaya naman naiwan mag-isa si Xyza sa sala. Habang naghuhugas ay hindi ko napigilang maisip si Ace. Namimiss ko na siya, sobra. Madami ang nagtatanong kung ano ang nakita ko kay Ace. Oo, hindi siya kagandahan, pero cute siya. Hindi rin siya matangkad tulad ni Xyza, hindi rin siya sexy tulad ng ibang babae.

Nagustuhan ko siya dahil sa kasimplehan niya, sa pagiging palabiro niya. Nagustuhan ko rin kung paano siya mag-alaga sa akin, kung paano niya ako paalalahanan araw-araw na kumain muna bago pumasok sa trabaho, kung paano niya  pisilin ang pisngi ko dahil sobrang na-kyukyutan siya sa mga pisngi ko. At mas lalong ko siyang nagustuhan dahil totoo siyang tao. Bigla kong naalala ang una naming pagkikita sa coffee shop. Hindi ko talaga akalain na sasagutin niya ang babae na ‘yon. Hindi ko mapigilang mapangiti sa naalala ko. Nasabi niya na parang knight in shining armor daw ang dating ko noon pinigilan ko ang babae na kasagutan niya sa pagsampal sa kanya.

Nang matapos sa paghuhugas ay agad naman ako bumalik sa sala para samahan si Xyza. Naabutan ko siyang hawak ang cellphone ko at mukhang may tinetext. Base sa itsura ng mukha niya ay mukhang natutuwa pa siya sa kung ano man ang ginagawa niya. Agad kong hinablot ang cellphone ko sa mga kamay niya at tiningnan ang ginagawa niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na nagsesend ang isang text message para kay Ace. Binuksan ko ang conversation list at doon ko nabasa ang mga tinext ni Xyza.

“Hi! Girlfriend ito ni Marcus. Sana maging masaya ka na lang para sa amin. Huwag ka na mag-emote, hindi bagay sa’yo at mas lalong hindi kayo bagay ni Marcus. Maghanap ka na lang ng mga ka-level mo. Ooopps, sorry. I didn’t mean to offend you.”

“Ikaw…” Sinamaan ko ng tingin si Xyza. Hindi ko lubos maisip na magagawa niyang sirain ang relasyon namin ni Ace.

“M-Marcus… sorry. Hindi naman talaga kayo bagay ng babaeng ‘yon! Saan mo ba napulot ang babae na ‘yon?!” Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko habang hinihimas ang sintido ko. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya? Nagpatuloy pa siya sa pagsasambit ng masasakit na salita laban kay Ace na naging dahilan para sumabog na ako sa galit.

“Pwede ba! Wala kang karapatan na pagsaslitaan siya ng ganyan dahil hindi mo siya kilala! Umalis ka na. Bago pa ako may magawa na masama sa’yo, Xyza.” Halatang nagulat siya sa pagtaas ko ng boses. Bumilog ang mga mata at hindi nakaimik sa nangyari. Sa huli ay wala itong nagawa kundi ang umalis. Napaupo ako sa sofa at napahilamos ng mukha ko. Dapat ko maayos ang ginawang gusot ni Xyza. Pero paano? Paniniwalaan kaya ako ni Ace kung ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat?

------------------------------------------------------

A/N:

Gusto kong humingi ng pasensya at hindi ko na na-uupdate ang mga on-hold stories ko. Salamat at nandyan pa rin kayo kahit na medyo inactive na ako sa watty. Salamat ng marami! 

Kuya Barista (Short Story) (ON-HOLD)Where stories live. Discover now