"Sorry, sorry," he said. Nadiinan niya kasi ng konti yung pagpahid ng alcohol na may bulak sa sugat ko. "Masakit ba sobra?"

"Medyo..."

Nilinis pa niyang mabuti yung mga sugat ko hanggang sa nilagyan na niya ng gauze. "Ayan, para hindi ma-infect."

"Thank you, RJ," sabi ko sa kanya.

He squatted down in front of me and held my hands. "Sorry about earlier, Maine. Hindi na lang din dapat kita iniwan kanina."

"Ako dapat yung magsorry. Hindi ko naman kasi naisip na napapagod ka din pala. Sorry love," I kissed the back of his hand. "Sorryyyy..."

"Wag mo nang isipin yon. Sorry din ha?" I nodded. "Ihahatid na kita. Sina Karla na daw bahala dito. Pagalingin mo na lang daw yung mga sugat mo, we still have plenty of things to do this week."

"Kaya ko pa naman, RJ. Promise."

"Wag nang makulit, please."

"Paano yung booth?"

"Sina Karla na bahala. Don't worry, pinagpaalam ka na din nila."

"Uwi na tayo?"

He offered his hand to help me get up, then he smiled. "Uwi na tayo."

***

Tuesday

Second day na ng Foundation Week and start na ng mga pa-raffle keme at syempre yung mga booths! Magaling na din naman yung mga sugat ko, nakakalakad na rin ako ng diretso. Akala mo naman sobrang lala ng mga sugat ko diba? OA kasi si RJ eh, pinauwi pa ko nung saturday kahit kaya ko naman. Hindi na lang ako nagpumilit kasi baka mainis na naman siya sa'kin.

Yesterday was the school's foundation week opening. May maikling pa-program yung principal namin, then may mass after. May biglaang singing contest din courtesy of the Glee Club, and nagperform ng short play ang buong Drama Club.

Ngayon naman, nag-open na yung mga booths for everyone. Nasa pangalawang booth kami ng Sports Club kasama ng ibang officers and members para sa chocolate raffle. One month din kaming nagbenta ng raffle tickets para sa sandamakmak na chocolate.

"Guys, ready na ba lahat ng raffle tickets? Nailagay na ba lahat sa tambiolo?" I asked the other officers and members. Wala kasi si Jillian, yung president namin, kaya I was assigned to do the raffle kasi ako naman yung vice. "Kung may mga kulang pa, ilagay niyo na dito. We'll start the raffle in 5 minutes. Mari, nandiyan na ba yung chocolates sa cooler?"

"Yes ate, nandito na. Nilagay na namin ni Kams kanina sa cooler. Napuno na daw kasi yung ref sa canteen eh."

"Sige, basta hindi siya matunaw okay na," I looked around to see if my friends are here. Napag-usapan kasi namin kahapon na dito muna tumambay at kumain ng lunch since kailangan ko pa nga magsupervise nung raffle. "Nakita mo ba si RJ, Mari?"

"Ay hindi po, ate. Gusto niyo po tanungin ko sina Kuya Pao?"

"Paki naman, please. Thank you."

Tumango na lang si Mari saka ako iniwan para puntahan si Paolo. I started drawing out the winners, verifying their tickets saka ko binibigay kay Sam para i-announce sa buong school yung winners. Nasa third prize na ko nung dumating si RJ.

"Oh, kumain ka na?" I asked him. Saka ko lang napansin na may dala siyang paperbag.

"Hindi pa, pero ito. Sabay na tayo. Binili ko dun kanina sa may food booth."

Nilabas na niya yung sa paperbag yung food saka pinakita sa'kin. "OMG!!! Lasagna! Nagluto sina Madge kanina?"

"Yup. Buti nakaabot ako, konti lang niluto nina Madge kanina eh. Tapusin mo na muna yan saka tayo kumain."

Your UniverseWhere stories live. Discover now