Wicked Chapter Fourteen

Magsimula sa umpisa
                                    

"Ano bang ginawa niya sa'yo?" Nag-umpisa na ring mag-iba ang tono ni Cindy. Unti-unti na itong nanginginig. "Anong ginawa niya sa'yo para magkaganyan ka?"

Tila ba maiiyak na ang dalaga. Muling bumuntong-hininga si Prince sabay talikod sa babae. Hindi na niya hihintayin ang muling pag-arte nito sa harap niya. Ayaw na niyang magpadala sa mga kalokohan nito. "Kung ayaw mong mag-almusal at pumasok, bahala ka."

Lalong humigpit ang pagkakahawak ni Cindy sa kumot niya. Pinakatitigan niya ang malapad na likuran ng nakaunipormeng binata habang palayo ito sa kanya.

"Hindi ikaw si Prince," ang mga salitang pumigil sa binata sa tangka nitong paghakbang. "Hindi ikaw si Prince. Hindi ikaw yung Prince na kilala ko. Hindi ikaw yung batang lalaking kasabay kong lumaki. Hindi ikaw yung Prince na lagi akong inuuna, yung Prince na lagi akong pinoprotektahan, yung Prince na lagi akong inaalala at inaalagaan. Hindi ikaw yun. Sino ka?"

Dahan-dahang naikuyom ni Prince ang mga kamao. Siguro nga, tama si Cindy.

Wag ka nang umiyak. Simula ngayon ako na ang mag-aalaga sa'yo.

Mga bata pa sila noon ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa ala-ala ni Cindy ang mga salitang binitawan sa kanya ni Prince sampung taon na ang nakararaan.

Kanina pang nangangati ang mga mata ni Cindy. Hindi na siya nagtaka noong biglang gumulong ang ilang patak ng luha pababa sa kanyang magkabilang pisngi. Aminin man niya o hindi, nasasaktan siya.

Yumuko si Cindy at agad na pinunasan ang kanyang mga luha. Ngunit isang panibagong pares ang muling dumungis sa bagong-gising niyang mukha.

Hindi na napigilan ni Prince ang sariling muling lingunin ang dalaga.

"I'm sorry," agad na aniya.

Upang maitago ang luhaan niyang mukha, lumingon si Cindy sa ibang direksyon. Oo, naliligayahan siya sa tuwing sinusunod ng binata ang lahat ng sabihin niya, ngunit kailanman, hindi niya gustong gawin nito ang anumang naisin niya nang dahil lang sa awa. Ayaw na ayaw niyang kinaaawaan siya.

"Ci-" Prince helped himself from provoking her further. "Shin, I'm sorry."

"Lumabas ka na."

"I didn't mean to make you feel that way. Ako pa rin naman 'to eh."

"Lumabas ka," ang mas mariin niyang ulit.

"I said I'm sorry."

She finally faced him, screaming, "What do I care about your stupid sorry?!"

Halos mapaatras si Prince sa kanyang kinatatayuan. Higit sa pagsigaw ni Cindy, mas ikinabahala niya ang bakas ng luhang nakaguhit sa magkabilang pisngi ng dalaga. Gusto niyang humakbang palapit at punasan ang mga iyon ngunit hindi niya magawa. Kilala niya si Cindy, hinding-hindi siya nito hahayaang gawin ang bagay na iyon.

"Wala di ba? Ikaw na ang nagsabi kanina hindi ko tatanggapin ang sorry mo." Yumuko na si Cindy upang itago ang muling pagbuhos ng kanyang mga luha. "Lumabas ka na."

"Cindy, sorry talaga."

"Lumabas ka na, wala 'kong pakialam sa sasabihin mo."

"Hayaan mo, babawi na lang ako sa'yo."

"Wala akong pakialam sa'yo."

"Cindy, please."

Muling hinarap ni Cindy si Prince sabay bato ng natitirang unan sa kanyang kama. Nagsisigaw na siya.

"Sabi ko lumabas ka na! Bakit ba ang hina ng utak mo at hindi ka makaintindi? Just leave! Go! Leave me alone! Wala ka namang pakialam sa'kin di ba?" All the while, her tears went rushing down her cheeks.

"Cindy, hindi totoo yan."

"You used to treat me like I'm the most important person in your life. Pero ngayon, alam mo? Pakiramdam ko isa lang akong basurang gusto mong itapon."

Hindi alam ni Prince kung inaartehan na naman siya ng malupit na dalaga o ano. Maski si Cindy, hindi alam kung anong nangyayari sa kanya at nangungusap siya ng ganito.

"Hindi totoo yan. Ikaw pa rin naman ang pinakamahalaga sa'kin eh."

"Kaya pala lately lagi mo na lang inuuna ang babaeng 'yon kesa sa'kin? Kaya pala pinagbuhatan mo pa 'ko ng kamay kahapon? Kaya pala sinagut-sagot mo 'ko kagabi? Kaya pala wala na lang sa'yo kahit magalit ako?"

"Hindi ko sinasadya ang kahit alin don. Ikaw naman kasi-"

"At sinisisi mo pa 'ko ngayon?"

"Shin, please, try to understand me. Girlfriend ko si Stephanie kaya-"

"Wala 'kong pakialam, Prince! Wala 'kong pakialam! I don't have the least care about you. I hate you!"

Lalong humigpit ang pagkakatikom ng mga kamao ni Prince. Hindi na rin niya nagawang magsabi ng anuman.

I hate you. It's been a while since he last heard those words from her. Malupit sa kanya si Cindy, oo. Pero unti-unti na iyong nagbabago. Madalas itong nakasigaw, oo, pero hindi na maya't-maya na tulad ng dati. Galit ito sa kanya, oo, pero alam niyang nababawasan na ang galit na iyon habang lumilipas ang panahon.

Pero anong ginawa niya? Inilalayo na naman niya ang loob ng dalaga sa kanya.

"I'm sorry."

"Ditch her." Heto na naman siya.

"Cindy."

"I said ditch her!"

"Pero hindi ko kaya. Hindi pwede." Yeah, right. He can't do that. Not now that she was still in the hospital. Not ever.

"Then leave me alone and don't ever talk to me unless you two are over."

Hindi na nakapagsalita si Prince nang bumalik sa paghiga si Cindy. Nagtalukbong pa ito.

Mukha lang matigas si Cindy ngunit hindi talaga siya ganoon. Nagagawa niya lang naman ang lahat dahil alam niyang anuman ang gawin niya, may taong lagi lang nakasuporta sa kanya; may taong handang manatili sa likod niya-si Prince.

Si Prince lang ang meron siya. Hindi niya alam kung anong mangyayari sa kanya kung pati ito ay mawala.

The Wicked CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon