Chapter 41

4.8K 56 2
                                    

"Fuck..."

Ang sakit sakit ng ulo ko, ng buong katawan ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang abandonadong kwarto na kinalalagyan ko.

Napatingin ako sa katawan ko at nakatali ako sa upuan kaya napamura ako sa isip ko.

Ang bobo mo, Black!

"Buti naman at nagising ka na, Black." napatingin ako sa babaeng nagsalita.

Maganda ito, matangkad at sexy pero wala pa rin makakatalo sa ka-sexy-han ni Melody.

"Nasaan si Silver? Saan niya dinala si Melody?"

Ngumisi ito at humalukipkip. "Baka may ginagawa na silang kababalaghan. I don't know, pero baka ayun nga yun." nang-aasar na sabi nito na sinamaan ko ng tingin.

Humalakhak ito at lumapit sa akin, hinaplos nito ang pisngi ko. "Don't be mad, sweety. I know it hurts. But don't worry nandito naman ako."

Tinignan ko ito ng matagal na parang bang kakaiba ito. "I don't know you."

Nalungkot naman ito sa sinabi ko. "I know, but I know you and I love you, Black."

Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Please ako na lang mahalin mo, ginagawa ni Silver ang lahat para mapa-sakanya si Melody. Nagpagawa siya ng gamot pampalimot sa akin para painumin niya kay Melody, kapag ininom na ni Melody yun, makakalimutan ka niya, lahat ng taong malalapit sa kanya makakalimutan niya, kaya kalimutan mo na siya, at simulan mo na akong kilalanin."

Napatitig ako sa mga mata niya, hindi ko alam kung totoo ba ang sinasabi nito.

Kailangan kong iligtas si Melody kay Silver, kailangan kong mapaikot sa kamay ko ang babaeng 'to. Kailangan ko siyang utuin para pakawalan ako rito.

Tumango ako at ngumiti. "Siguro nga, kailangan ko ng kalimutan si Melody."

Ngumiti naman ito ng malaki. "Tama yan, Black. Kailangan mo na talaga kalimutan si Melody. Nandito lang ako para sayo."

Marami itong kinwento na pinakinggan ko lang. Nakikinig lang ako sa mga kwento niya para bumagsak siya sa mga bitag ko.

Napatigil ito nung dumating ang mga tauhan niya. "Ma'am Kate , nakatakas po si Melody, pinatakas po ni Sir Silver."

Napatayo ito at galit na tinignan ito. "Where's that fucking traitor?!"

"Nahuli po namin siya ma'am at hinahanap pa po si Melody ng iba."

"Siguraduhin niyo lang na mahahanap niyo ang babaeng yun kundi papatayin ko kayong lahat." tumingin ito sa akin at ngumiti. "Hahandaan ka nila ng makakain dito."

"Paano ako makakain kung nakatali ako?" maingat kong sabi.

"Pakakainin ka nila, susubaan ka ng mga tauhan ko."

Napakunot ang noo ko. "Hindi na kailangan, Kate. P-pwede mo naman ako pakawalan para makakain ako na walang naiistorbo sa mga tauhan mo. Kaya ko naman eh."

Ngumiti ito at umiling. "No. Mas maganda na ang sigurado na hindi ka makakatakas, baka utuin mo lang ako."

Napamura ako sa isipan ko saka ito umalis. Binigyan naman ako ng pagkain ng isang tauhan niya at saka ako pinakain.

Pagkatapos kong kumain saka nito nilagay sa lamesa na malayo sa akin. Saka ito umalis. Nakasarado ang pinto kaya walang makakakita.

Inusog usog ko ang upuan papunta doon sa lamesa. Nararamdaman ko ang pagkirot ng braso ko ngunit tiniis ko ang sakit.

Pagkadating ko saka ko sinagi ang lamesa, paulit ulit ko itong sinagi ng mahulog ang baso at saka nabasag. Kumuha ako ng malaking piraso sa nabasag na baso saka ko tinanggal ang tali sa akin.

Nang makawala ako saka ako naghanap ng baril at napangisi ako ng may makita akong baril. Kaya kinuha ko ito.

Nang may nakasalubong akong sa mga tauhan ni Kate pinagbabaril ko ang mga ito.

Hinahagilap ko si Melody ng makita ko ito pinuntahan ko ito at niyakap. "Thank God at nakita rin kita!"

Nanlaki ang mga mata nito pero niyakap din ako nito. "Black, takot na takot ako." humagulgol ito sa dibdib ko.

"Kailangan natin makatakas dito."

"P-pero paano si Kamilla?"

"Kailangan muna kita maitakas dito saka ko tutulungan si Kamilla na makatakas."

Tumango ito. Marami ako napatay bago kami sa lugar na iyon. Nang makita ko sila Lucas saka namin ito pinuntahan.

"Ang tagal tagal niyo makalabas kaya tinawagan ko na ang mga pulis para sigurado. Hinahanap na ng mga pulis si Silver."

"P-pero nandoon pa si Kamilla..."

"Pulis na ang bahala." sabi ni Blaze pero napatingin si Melody sa akin kaya napatango ako.

Saka ako pumasok abandonadong building. Saka ko hinanap si Kamilla. Nang makita ko ito, pero hindi ako makapasok dahil may nakabantay. Wala na akong choice ng pagbarilin ko ang mga ito. Saka ko pinuntahan si Kamilla at pinakawalan.

Hinila ko itonpara makaalis pero pinigilan ako nito. "Wait si Silver!"

Tinignan ko ito. "Huwag mo ng tulungan si Silver. Dahil sa kanya nandito si Melody, at alam ko rin ng dahil sa kanya ay nandito ka rin."

"Tutulungan ko siya, Black. Hindi pwedeng makalabas ako ng hindi siya kasama."

Napabuntong hininga ako at tumango rito. Pimuntahan niya si Silver saka ito kinalagan, ng medyo nagtagal tagal na saka ko ito tinulungan.

"Argh..."

"Anong masakit, Silver?" nag-aalalang tanong nito pero hindi ito sumagot.

"Mamaya mo na siya kausapin kailangan na nating lumabas, baka mahuli pa tayo."

"Sinasabi ko na nga ba hindi muna kita pagkatiwalaan dahil alam kong lolokohin mo ako." napatingin kami kay Kate.

"A-anong ginawa mo kay Silver? B-bakit nagkakaganito siya?"

"Overdose sa drugs, traidor siya eh, kaya papatayin ko na lang siya." simpleng sagot nito.

Susugod na sana si Kamilla ng tutukan siya ni Kate kaya tinutukan ko rin ito ng baril.

Tinutukan ako nito saka ito napangisi. "Mahal kita Black pero kung hindi ka naman mapapasaakin, papatayin na lang kita katulad ni Silver."

"Bakit doon sa malandinv yun maraming nagkakagusto? Kapag kailangan lang ng sex saka niyo ako pupuntahan, tapos kapag nag-seryoso na tapon na ako at doon sa malanding yun kapag seryosohan, ano ako, gagamitin niyo lang ako para sa nangangati niyo pagkalalake pero kapag ayaw niyo na saka niyo ako itatapon. "

Napaiyak na natatawa niyang sinabi.

"Marami ka pang mahahanap na ibang lalaki, na mamahalin ka pa kahit sino ka pa, kaya itigil mo na ito."

"Pero ayoko ng iba! Ikaw ang gusto ko! Ikaw ang mahal ko!"

"Pulis ito! Ibaba mo na ang baril mo Kate Ignacio!"

Napatingin ito sa labas at nakita nito ng may pulis kaya inagaw ko sa kanya ang baril. Naramdaman ko na lang na pinutok nito ang baril.

Para akong namanhid, tumigil ang mundo ko sa oras na ito. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Kamilla pero hindi ko na ito napansin at saka ko pinikit ang mga mata ko.

~o~o~

Alam kong ang corny nitong chapter na ito pero sana magustuhan niyo, kahit na ang corny.

Next: Epilogue

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon