Chapter 35

3.5K 51 4
                                    

"Daddy!" tawag ni Sage kay Silver. Bigla itong yumakap sa kanya. Napatingin sa akin si Silver, nag-aalangan kung yayakapin ba o hindi, tumango na lang ako.

"Nasaan pala si Rachel? Hindi ko kasi nakikita..." napabitaw si Sage kay Silver, bigla ito nalungkot sa sinabi nito. Kaya napalingon siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim.

"Natutulog po doon sa room niya po daddy."

"Anak puntahan mo muna si Rachel." tumango ito at tumakbo papaakyat. Umupo muna ako sa sofa saka inalok na umupo si Silver.

"Ano ang nangyari kay Rachel? Okay na ba siya?"

Umiling ako at napatungo. Bigla na lang ako napaiyak. Inalabas ko sa kanya ang hinanakit ko sa pamamagitan ng pag-iyak. Masakit dito sa dibdib.

"Tanggap ko naman na hindi mo ako mamahalin, Silver, hindi ako magagawang mahalin ng asawa ko, tanggap ko na yun, pero ang mawala sa akin si Rachel, hindi ko kayang tanggapin yun, bata pa si Rachel, marami pa akong pangarap sa anak natin, Silver."

"A-anong mamatay? A-akala ko gumaling na si Rachel..."

Tinignan ko ito at ngumiti ng mapait. "Hindi na gagaling si Rachel, kumalat na ang cancer cells sa katawan niya, hindi na kayang agapan pa."

"H-hindi pwede yun, Kamilla. Kailangan gumaling ni Rachel. Hindi mamatay si Rachel, hindi siya mawawala sa atin."

---

Pinaharurot ko ang sasakyan ni Kamilla. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Karma ko na ba ito sa mga pinaggagawa ko sa mga anak ko?

Tinigil ko ang pagmamaneho at sinuntok ang manibela.

Napakawalang kwenta kong ama!

Nang maisip ko si Melody, pinaharurot ko ang sasakyan ko sa unit niya. Bumaba ako at tinanong ko kung nandyan ba si Melody. At sinabi naman nito na hindi na nakatira ito sa dating unit. Ngunit may binigay itong address kung saan ito nakatita.

Kaya nagmamadali akong pumunta doon. Pagkatapat ko sa bahay. Naghintay akong lumabas si Melody, pero thirty minutes na akong naghihintay pero wala pa ri, i-start ko na sana ang sasakyan ng biglang bumukas ang pinto.

Bigla na lang bumilis ang pagkatibok ng puso ko ng lumabas si Melody. Ngumiti ako ng malaki, magdadalawang taon na hindi kami nagkita pero hindi pa rin nawawala ang maganda niyang mukha, mas lalo pa itong gumanda.

Ngunit nawala ang ngiti ko ng makita si Black at ang buhay buhat nitong isang batang babae, biglang lumapit si Black kay Melody at hinalikan nito sa ulo.

Parang tumigil ang pag-inog ng mundo ko ng makita kong may pagkahawig ni Black at Melody ang bata.

Umalis na ako kaagad doon. Isang tao na lang ang malalapitan ko, sana nandoon pa rin siya.

Pagkapunta ko sa isang bahay, malaki sa isang tao. Kumatok ako. Wala pang isang minuto nakita ko si Kate na nakaporma.

Mas naunang lumabas sa akin si Kate sa hospital at bago siya umalis sinabi niya ang bahay niya kung saan siya nakatira.

"Oh! Silver!" sabay yakap nito sa akin. "Nakalabas ka na pala, kailangan ka nakalabas?"

"Kanina lang." tuloy tuloy lang akong pumasok saka ako umupo sa sofa.

"Pagtimpla lang kita ng juice. Saka mo sabihin sa akin yung problema mo, alam ko naman kaya ka napapunta rito dahil may problema ka." saka ito umalis.

Sinandal ko ang ulo ko sa may sofa at tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang braso ko. Ang sakit sakit ng puso ko sa mga nalaman ko.

" Eto na ang juice mo, Silver. "tinanggal ko ang braso ko saka ko tinignan ang juive na nakapatong sa coffee table." Inumin mo na, malamig yan. Baka matunaw yung yelo, mawawalan ng lasa yan. "pero hindi ko pinansin ang sinabi niya.

Nilabas ko ang hinanakit ko kay Kate." Tangina Kate! Tanginang buhay! Ang swerte swerte ko. Kalalabas ko lang sa hospital tapos malalaman ko na lang mamatay ang anak ko, masakit dito sa puso. Alam ko sa sarili ko na hindi ako naging mabuting ama sa kambal ko pero hindi ko kakayanin na mamatay ang anak ko. Babawi pa ako pero bakit pa ako pinagkaitan? Bakit Niya ako pinagkaitan ng pagkakataon para maging mabuti ama sa anak ko? Kailangan ko ng maraming oras, taon. Pero bakit Niya kukunin? "

Saka ko ininom yung juice, pero mas gusto ko ang alak kaya tinignan ko ito.

" O-okay... kukuha kita ng alak. "saka ito umalis. Kaya pagkabalik nito, nang binigay na niya ang alak sa akin saka ko ito tinungga.

"Kaya umalis ako doon sa bahay ng Kamilla, pinuntahan ko si Melody, para gumaan ang pakiramdam ko kahit makita lang siya, okay na sa akin yun kahit hindi ko siya makausap basta makita ko lang siya, mapapagaan na niya ang sakiy na nararamdaman ko sa puso ko. Pero tangina! Gumaan nga ang pakiramdam ko, naging masaya ang puso ko ng makita siya pero shit! Biglang bawi ang masayang nararamdaman ko, nakita ko siyang kasama si Black at isang batang kahawig nilang dalawa. "

Saka ko inubos ang alak. Napapikit ako. Kahit isang alak lang bigla akong tinamaan ng matindi kaya napahalakhak ako, sa sobrang tagal ko na yata sa hospital kaya naging ganito na lang ako kahina sa alak.

Narinig ko ang pagbulong sa akin ni Kate bago ako mawalan ng malay.


***

I know it is waley. Sorry kung medyo boring. Gusto ko na talaga siyang tapusin pero 6 chapters pa bago ang epilogue =(

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon