Chapter 4

10.4K 156 7
                                    

Nawala na si Melody sa loob kaya binitawan ko na si Kamilla. Napahilamos na lang ako ng mukha.

Kung hindi lang ako naging gago sana kami pa rin ngayon ni Melody, sana hindi ako nahihirapan ngayon.

Ang hirap mabuhay na wala si Melody. At kasalanan ko 'yun kung hindi ako naging gago edi sana hindi magulo ang buhay ko.

"Akala ko ba hindi mo na guguluhin ang buhay ni Melody, bakit nandito siya? Black sagutin mo ako!"

"Shut the fuck up, Kamilla! Gumagawa ako ng paraan para magkabalikan kami! Bakit sinira mo pa?!" nanghihinang napaupo ako sa couch.

Hindi ko kayang mapunta siya kay Silver, ikamamatay ko 'yun. Hindi siya nararapat kay Silver dahil akin siya. Akin lang si Melody, ako lang ang mamahalin niya.

"Don't chase her! Nandito naman ako, handa naman akong mahalin ka! Bakit hindi na lang ako, Black? Bakit si Melody pa? Bakit gustong gusto niyo ni Silver si Melody? Maganda naman ako, kaya ko rin naman ang ginagawa ni Melody, pero bakit siya pa?" mahina nitong sabi.

Napabagsak siya sa sahig at humagulgol.

"Dahil wala siyang katulad, Kamilla. Nag-iisa lang si Melody."

Mas lalong lumakas ang hagulgol niya. Iniwanan ko siya ro'n. Tinawagan ko sila Lucas para mag-inuman. Wala na akong pakealam kung maaga pa basta gusto ko ng alak ngayon.

~o~

"Tangina pare, hindi ko na makayanan ang sakit dito sa puso ko. Para akong unti unting pinapatay, dinudurog ang puso ko sa sakit." saka ko tumungga.

"Bakit hindi na lang ibang babae kung ayaw na sa'yo ni Melody. Nandyan naman si Kamilla para mahalin ka. Bakit hindi na lang si Kamilla imbes na si Melody." sabi ni Lucas.

Hinding hindi ko magugustuhan si Kamilla at alam kong gan'on rin ito. Alam kong may mahal itong iba, nararamdaman ko 'yun, ang hindi ko alam kung bakit niya pinipilit ang sarili niya sa akin.

"Si Melody lang ang gusto ko wala ng iba."

Biglang sumabat si Blaze. "Edi buntisin mo." tipid na sabi nito. Napalingon ako rito.

"Oo nga, leader! Walang kawala na sa' yo si Melody, naging kayo na tapos may baby pa! Galing mo talaga Blaze!"

Kahit na babaero ako hindi ako namimilit ng babae kung ayaw nito, ngunit parang may bumubulong na demonyo na gawin ko ang bagay na iyon.

Nagtatalo ang isip ko kung gagawin ko ba iyon o hindi. Parang may pumipigil sa akin. Ngunit may parte sa akin na gusto kong gawin ito.

Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Melody. Nakuha ko ang number niya sa cellphone niya no'ng nakatulog siya, hindi niya yata alam ang salitang password kaya madali kong nabuksan ang cellphone niya.

Ngunit ang laman ng cellphone niya ay nakakainit ng ulo. Puro pictures at text messages nila ni Silver.

Fuck! I'm jealous! It should be me not him!

Dahil sa katangahan ko nawala sa akin si Melody, nawala ang babaeng mahal ko.

"Jay!" napatingin ako kay Kamilla at nginitian ito.

Chaos of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon