Chapter 1

6 1 0
                                    

Her PoV

Kasalukuyang akong nakaupo sa isang swing dito sa park na malapit lang sa squatter area na lokasyon kung saan ako nakatira.

Sabado ngayon kaya naman marami akong nakikitang magsyota na masayang naglalandian. Napairap na lang ako nang may maghalikan sa swing na malapit lang sa pwesto ko. Walang Forever mga best! Lahat ng bagay may hangganan, and that includes your relationshits.

"Naiinggit kaba sakanila Miss? Gusto mo maghalikan rin tayo?" Sabi ng isang lalaki sabay upo sa isa pang swing na katabi lang nang akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Ang feeler ha!

"Ano gwapo ba?" Nakangiting tanong niya dahilan para irapan ko ulit siya. Hambog.

"Hindi ka naman mukhang baliw. Looks can be deceiving nga naman" Sagot ko sabay tayo. Gwapo siya kung sa totoo lang kaso may saltik eh.

"Huh? Baliw? Ako!?" Sigaw niya dahilan para mapatingin samin ang mga naglolokohan I mean naglalandian. Ay! Sakanya lang pala.

"Oo. Inamin mo na eh" Sagot ko sabay tingin sakanya na hindi maipinta ngayon ang mukha.

"Sa right-side ng park merong mental hospital don. Gusto mo samahan kita?"Tanong ko dahilan para mamula siya. Hindi dahil sa kinikilig siya kundi dahil naiinis siya, I think? Ganon kasi ako dati eh.

"Hindi mo na ako kailangan samahan dahil kaya ko at hindi ako baliw!" Sigaw niya sabay walkout. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang papunta sa apartment na tinutuluyan ko ngunit hindi pa man ako nakakarating ay nasalubong ko ulit siya at nag-aaway sila ni Edgie. Wow! Bilis niya ah? So kamag-anak niya si Flash ganon?

"Oh! Gie anong meron dyan?" Tanong ko sa lalaki na kaaway niya which is si Edgie na kasalukuyang sinusuntok ang walang laban na si Mr Mental. Nilingon niya ako pati na rin ang mga kasama niya na tuwang tuwa pa sa pambubugbog nila.

"Keann ito kasing lalaking to ang yabang yabang! Nabangga ko siya nagsori na nga ako nagyabang pa! Sabi niya ano daw magagawa ng sori ko? Kaya ayun! nagsuntukan kami. Ikaw lang talaga yata ang naiiba sakanila" Paliwanag niya di ko pa man siya tinatanong. He's my best friend,my partner in crime when I was still young .

"Hinding hindi nila ako magiging katulad kaya wag mokong icompare sakanila! Ikaw talaga Gie, parang di kita best friend!" Pabiro kung sabi sakanya kaya nagseryoso siya.

"Yu wil neber bi layk dem. Umuwi kana nga nang-iistorbo ka lang eh!" Sabi niya kay tumango na lang ako at nilapitan yung binugbog niya.

"Sa susunod kasi Mr Mental wag kang sisiga siga. Napapaaway ka eh! Sige una na ako! Wag niyong paka bugbog yan baka ipakulong kayo" Sabi ko sabay alis na dun. Anong akala niya? Tutulungan ko siya? As if.

Nang makarating ako sa lugar na malapit lang sa apartment ko pinasadahan ko ng tingin ang lugar na kinatitirikan ng apartment na tinitirhan ko. Madumi,magulo, maraming mga basag ulo at mga loko loko. Pero trust me, masaya dito. Never judge a book by its cover ika nga nila.

"Oh! Andyan na si Keanndrei!" Sigaw ng isa sa mga loko lokong kasing edad ko na kaclose ko na tagarito rin.

"Saan ka nanggaling Keann? Alam mo bang may naghahanap sayo kanina? Pero dahil wala ka pinabigay niya nalang tong sulat" Sabi ni Rainer sabay abot ng sulat at hithit ng sigarilyo niyang Fortune lights.

"Sabi dyan sa sulat, kick out kana daw dahil sa offences na nagawa mo. They can't handle a student like you anymore so they choose to kick you out dahil narin kay Trina Evans na sinuntok mo" Dagdag pa niya pagkabukas ko sa letter na ibinigay pala ng school administry. Sinamaan ko siya ng tingin at nagpeace sign lang siya. Kumuha na lamang ako ng sigarilyo sa kaha na nasa ibabaw ng mesa at sinindihan ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 23, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Highschool Impossible Where stories live. Discover now