There, she used it to slice the head of the poor being.

Kasabay nang paggising ng ilan ay ang unti unting paglakas ng sigawan na ngayo'y papunta na sa direksyon namin.

Tangina?

My eyes widened nang makita kung gaano kadami ang mga rebels na nasa harap na namin ngayon. I can't even count kung ilang ulo ang nakikita ko!

"Sefarina, tangina ka." Hindi ko napigilang matawa nang murahin ni Veton ang kaibigan namin.

"Stop laughing and fucking move forward!"

Dame took the first step to fight the rebels in front hanggang sa sinundan na namin itong patayin ang kung sino man ang makasalubong namin.

"Hoy." Hinatak ko ang damit ng isang rebel mula sa likod at dinuro siya.

"Asan yung mga kinidnap niyo?" Maangas kong tanong at tinutukan siya ng maliit na patalim na gawa sa apoy.

Parang tanga siyang tumawa at bigla akong dinuraan. Mabuti na lang ay mabilis akong nakaiwas. Hindi ba sila tinuruan ng etiquette?

"Mukha ba akong inutil? Bakit ko naman sasabihin sa'yo?" Ngising aso niya.

Tumaas ang kilay ko at walang pasabing sinaksak ang lalamunan niya. Hinagis ko siya sa lapag at inapak ang isa kong paa sa likod niya bago malakas na hinatak ang buhok niya na ikinasigaw niya.

"Oo, isa kang inutil. Bwiset ka."

Sinipa ko ang likod niya na inaapakan ko bago walang pasabing hinampas ang ulo niya nang paulit-ulit. Nabitawan ko ang buhok niya at agad na umilag nang sinubukan akong habulin ng patalim na kontrolado ng bagong dating.

Napadapa ako ng maramdaman ang paparating na atake mula sa likod. Gumulong ako pahiga at pinasukan ng apoy ang bunganga niyang nakabukas bago siya malakas na sinapak.

"Aw."

Napangiwi ako at tinignan ang kamay kong nag-lantang gulay sa tigas ng mukha nitong hayop na 'to.

Napaangat ako ng tingin sa kanya nang bigla siyang tumawa na parang tanga habang nagdudugo ang bibig at namamaga ang mukha.

Ang tibay ng mukha nito ah.

I gathered enough flame on my fist at sa pangalawang pagkakaton, sinapak ko 'yon sa kanya but this time, inside his mouth at kasabay non ang paglabas ko ng apoy sa loob ng kalamnan niya.

Nilabas ko agad ang kamay ko at nandidiring pinunas 'yon sa damit ko. Halos marindi ako sa lakas ng sigaw niya kaya tinapat ko ang kamay ko sa bibig niya at permanente iyong sinarado gamit ang apoy ko.

"Bye!" Maligalig kong paalam at tumakbo sa loob ng kakahuyan.

"Luna, where the fuck are you?!"

Agad kong nilingon ang malakas na boses ni Pream pero mukhang malayo siya sa kinalalagyan ko ngayon.

"Luna, I told you to stay close! Napakatigas ng ulo mo!" Tanging ngiwi lang ang nagawa ko nang dumagdag ang boses ni Sefarina.

Napuno ng katahimikan ang paligid. Panay naman ang linga ko dahil pakiramdam ko ay may biglang susulpot kaya mas nag-doble ingat ako. 

Tahimik akong naglakad habang panay ang mura dahil mukhang tuluyan ng nabali ang ilang mga buto ko sa likod.

'Run, kid, run.'

Mabilis akong napalingon sa likod ko, nang makitang walang katao-tao ay mabilis pa sa alas-kwarto akong napatakbo.

That voice... hindi ako pwedeng magkamali.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now