Underworld

50.7K 1.8K 325
                                    

Luna.

Sumubo ako ng isang kutsara ng pudding na kinakain ko and obviously, galing ito kay Veton. Papunta ako sa Ensiv para kitain sila Sefarina dahil doon naman kami lagi nagkikita, mahilig kasi kaming lahat kumain.

Isusubo ko na sana ang huling kutsara ng pudding nang makita ko siya kasama ang isang lalaking mukhang delikado. Sobrang puti ng balat nito at halos umabot na rito sa pwesto ko ang lamig na dala ng presensya nito.

Kung tama ang pagkakaalala ko, kasama rin siya sa Jeden na tinutukoy ni Sefarina.

"Found you."

Why do I feel na hindi lang ang pagkakahanap niya sa'kin sa laro ngayon ang tinutukoy niya?

I tried my best to find the right words na gusto kong sabihin pero walang lumabas na salita mula sa bibig ko. Since when did I turn fucking mute?!

Gwapo lang 'tong nasa harap ko! I shouldn't tremble! Hindi ako lumaking marupok!

"Five." Kumunot ang noo ko.

Anong five? Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa estatwa hanggang sa napasinghap ako.

Is he implying that we had not four, but five elders, and that the statue in front of us is one of them?

"So, sino nga 'yan?" Diretso kong tanong at binalingan ang statue bago binalik sa kanya ang tingin.

He returned my stare with the same intensity. His head almost tilted slightly as he watched me before walking away.

Ang panget naman ka-bonding non.

Bakit ba iba-iba ang sinasabi ng mga tao rito? Nobody believed that that kingdom existed! Akala ko ba consiglio lang ang may tinatago pero bakit parang bawat isa sa'min dito ay may katotohanang pilit binabaon sa limot?

"Aray, aray ko!"

Sinamaan ko ng tingin si Sefarina na nakangiti ng malaki matapos ako nitong batukan nang pagkalakas-lakas.

Bigla itong ngumuso at marahang hinampas ang braso ko.

"Hindi kita nahanap, ang daya daya mo!" Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya.

"Ako pa 'tong madaya?!"

Walang sabi sabi ko siyang binatukan na agad niyang ikinangawa.

"You didn't even tell me that you were one of the seekers!" I'm kidding though, she told me.

Ngumiti naman ito agad at niyakap ako sa paa. Tignan mo 'tong tangang 'to.

"I told you, Jeden ang seekers!" Maktol niya at mas humaba pa ang nguso.

Mabuti naman at napagdesisyunan ni Sefarina na humawak na lang sa braso ko para makadiretso na kami sa Ensiv dahil wala ako sa mood makipagbardagulan sa kanya.

"Hoy."

Tawag ng katabi ko kay Veton na nakatulala habang hawak hawak ang isang sapatos.

Nagkasalubong ang kilay ko at bahagyang ginilid ang ulo para alalahanin kung saan ko iyon nakita. Kung tama ang memorya ko'y pagmamay-ari 'yon ng babaeng pasan-pasan niya sa likuran noong welcoming event.

"Kinuha na si Grilla at binalik na sa underworld... hindi man lang ako nakapagpaalam." Malungkot nitong sabi na ikinangiwi ko.

"Sino ba 'yon para magmukha kang tanga d'yan?"

"Ang sakit mo namang magsalita. Kaibigan ko siya... kaibigan!"

Mapanghusga ko siyang pinagmasdan. I know I shouldn't be laughing, but he's hilarious! He just met that woman during the event at kung makaasta naman siya, parang ang haba ng pinagsamahan nila.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now