Muse Attack

38.8K 1.6K 367
                                    

Luna.

Nakalapat ang aking baba sa railings ng balcony dito sa dorm namin habang walang pag-asang nakatitig sa Nallum kung saan meron na namang platform ang nakalutang pati na ang mga upuan.

Kasalukuyan nang ginaganap ang Muse Attack at anytime ay tatawagin na ako para lumaban.

Napahinga ako ng malalim at pinaglaruan na lang ang pebble na kanina ko pa hawak.

"We'll cheer for you, Luna! Kaya mo yan! Si Veton ngang mukhang hayop walang palag sayo, paano pa kaya yung makakalaban mo?" Maligalig na sabi ni Sefarina.

Mas lalo naman akong nawalan ng pag-asa dahil kahit na nag-training kami kahapon ni Master Laidre ay hindi ko pa rin talaga mapalabas ang muse ko kaya ang balak kong gawin ay ako na lang mismo ang lalaban sa muse ng kalaban ko.

"Ready ka na ba?" Iling agad ang sinagot ko kay Sefarina na napangiwi.

Bigla itong lumapit sa akin at pinaharap sa kanya sa pamamagitan nang paghawak sa magkabila kong balikat.

"Wala kang choice kung hindi ang harapin ang mangyayari ngayon. Kung sakali namang ma-rest in peace ka, kaming bahala ni Veton sa katawan mo." Seryoso nitong sabi kaya kamuntikan ko na siyang sapakin.

"Hindi pa ako pwedeng mamatay!" Inis kong sigaw at hinagis ang pebble na hawak ko sa Nallum.

"Tara na nga!" Nauna na akong lumabas at dumiretso na sa Nallum.

At kung sineswerte ka nga naman oh, naramdaman ko ang paglutang ko sa ere kasabay nang pagbanggit ni Senor Godfrey sa pangalan ko at ni Enfys.

Sa lahat ng makakalaban ko, bakit si Enfys pa na sobrang talino? Paano ko malulusutan 'to kung nahawa na ako sa pagiging tanga nila Sefarina at Veton?

"Please be good to me, Enfys. Ako lang ang lalaban sa muse mo." Alanganin kong sabi na ikinataas ng kilay niya.

Tila isang musika galing sa alpa ang aming narinig na sa tingin ko'y senyales na magsisimula na ang laban dahil nawalan ng kulay ang mga mata ni Enfys at biglang sumulpot sa tabi niya ang isang nilalang.

Ang ulo nito ay parang isang wildcat, ang katawan naman nito ay katulad ng sa usa, ang mga paa nito sa harapan ay nagmistulang paa ng agila, ang buntot naman nito'y maiihantulad sa isang leon at nang binuka nito ang kanyang bunganga ay naglabas ito ng dila na katulad ng sa ahas.

To make it short, nasa harap ko na ata ang magiging dahilan ng kamatayan ko.

To make it short, nasa harap ko na ata ang magiging dahilan ng kamatayan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Calygreyhound, Enfys' muse.

"A-ano yan..." Bulong ko at sunod sunod na napalunok dahil unti-unti itong lumapit sa akin.

"Luna, bring out yours." Narinig kong sabi ni Enfys na ikinailing ko habang dahan dahang umaatras.

Pilit kong tinatak sa isip ko ang training na binigay sa akin ni Master Laidre kahapon.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now