Nilibot ko ang paningin ko para maghanap ng upuan kaso puno na lahat lalo na't lunch break ngayon. Wala naman akong balak maki-share sa iba dahil baka bigla na lang nila akong sakmalin. 

Alam ko namang hanggang ngayon, hindi pa rin nila tanggap ang pagiging Jeden ko. 

Dinaig pa nga nila ako eh.

Lumiwanag ang mukha ko nang makitang mag-isang kumakain si Enfys sa hindi kalayuan kaya agad akong nagpunta don at umupo sa tabi niya.

"Hi, patabi." Paalam ko kahit na nakaupo naman na ako.

Tahimik akong kumain dahil baka ayaw ni Enfys ng maingay kaya pinilit kong 'wag magsalita kahit na gustong gusto ko na siyang daldalin. Gusto ko pa siyang tanungin tungkol sa libro na binigay niya.

Ano bang dapat kong gawin don? Susulatan ko, ganon? Ako ang magsusulat ng sarili kong istorya?

"Luna."

"Yes?"

I kept chewing as I watched her put down her utensils to focus her attention on me. Marahan naman akong natigilan sa kakaibang nararamdaman ko sa kanya.

Gulping, I returned her gaze, but unlike her brown eyes, which were dull and fearful, mine was filled with a big question mark.

Was it just me, or did something really change? Aside from the almost unnoticeable changes in her appearance, such as freckles lightening under her eyes and her lips turning paler than usual, she seems to be a different person.

"Hide, Luna. He's coming for you. He's going to kill you!"

Nanlaki ang mga 'to at agad na binaba ang mga kinakain dahil sa paraan ng pagnginig nito sa takot at paglibot ng tingin sa paligid, parang hinahabol na siya ni kamatayan.

"Enfys, calm down. Ano bang sinasabi mo?" I tried to let her calm down pero mas lalo pa ata siyang nag-panic.

Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya na pilit tinatakpan ang mga tenga niya. May mga paulit-ulit din siyang binubulong pero hindi ko 'yon marinig. 

What the hell is happening to her?!

Then I realized she's more special than everyone thought. Enfys is a time traveler and thus a time user. She may not be able to control it, but she can certainly use it.

To rewind, to repeat or even reform anything.

"Enfys... anong alam mo?"

Para siyang natauhan lalo na nang dahan dahang umangat ang kanyang tingin sa'kin.

Walang pakundangan niya akong tinulak dahilan para mapalayo ako sa kanya. Nagpa-panic niyang inayos ang nagulo niyang buhok bago nag-iingat na ginalaw ang mata sa paligid.

"Luna, listen to me."

Muli siyang lumapit sakin at mahigpit na hinawakan ang magkabilang balikat ko.

Hindi maikakailang mas natakot ako sa patuloy na panginginig ng kanyang mga kamay. 

I've never seen her like this before. Enfys is known for being calm, patient, and well, a bit unkind. To see her in such a depressed state makes me wonder what she knows that everyone else does not.

"I-I'm sorry." Mabilis na nagtuluan ang mga luha sa kanyang mata. Paulit-ulit siyang humingi ng tawad kaya nama'y pinigilan ko na siya. 

Tangina, ano bang nangyayari rito?

"Enfys, calm down!" Hindi ko napigilang sigaw kaya nama'y natahimik siya. "I can't understand you. Bakit ka nags-sorry? What did you do?"

Gamit ang nanginginig na kamay, sinubukan niyang abutin ang pisngi ko. Lalong nagtuluan ang kanyang luha segundong mahaplos ang pisngi ko.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now