"Sorry." Plastic akong nag-peace sign kay Pream na ngayon ay pilit hinahabol ang hininga.

Even though his pillar is air, nagamit ko iyon bilang kahinaan niya kaya tignan mo, parang mamamatay na.

Wala naman siyang ginagawang masama sa akin pero dahil siya ang nakalaban ko, sa kanya ko naibunton ang inis ko kay Senor Grandeur at lalo na kay Master Laidre.

"You can now have your lunch." Saad ni Master Laidre kaya kamuntikan ko na tuloy siyang halikan.

Hindi kasi ata uso sa kanya lagi ang breakfast lalo na kapag training dahil lagi niya kaming tinatawag ng sobrang aga!

Nawala na rin ang hiya ko kapag nakikita nila akong nagtatanggal ng muta at sabog pa ang buhok. I mean, si Master Laidre ang may kasalanan kung bakit hindi man lang ako nakakapag-ayos tuwing training kaya sila na lang ang mag-adjust.

Ako ngang nadudugyutan sa sarili ko, walang reklamo eh.

"I-I hate Arrow na." Pagod na sabi sakin ni Sefarina na nakakapit sa braso ko habang naglalakad kami papuntang Ensiv.

Bahagya naman akong bumitaw para suklayin ang buhok ko at itali iyon pataas. Marahan ko ring pinunasan ang pawisan kong mukha para naman kahit papaano'y magmuka akong presentable sa mukha ng mga makakakita sa akin.

"Binugbog ka? Buti nga sayo." Pang-aasar ko sa kanya.

Si Arrow kasi ang nakalaban niya habang si Veton at Dame ang nagpatayan. 

According to Master Laidre, may rotation na nangyayari kaya iba iba lagi ang kalaban namin every training. Ang tanging wish ko lang ngayon ay sana hindi ko makaharap si Dame at Arrow dahil paniguradong kahit ano man ang gawin ko ay kamatayan pa rin ang magiging ending ko.

"What do you want, Luna bear?" Nakangiting tanong sa akin ni Veton na mukhang hindi man lang napagod.

I squinted my eyes as I noticed his hair got shorter. Pupuriin ko pa sana siya dahil bumagay sa kanya ang gupit niya kaso lalaki ulo niya lalo kaya nanahimik na lang ako.

"Bahala ka na." Winasiwas ko ang kamay ko na parang pinapalayas siya bago ako dumukdok sa lamesa.

Iniisip ko kung bakit ba ako nagpahatak kay Sefarina kanina. Hindi naman siguro ako gigisingin ni Master Laidre sa kwarto ko kahit hindi ako pumunta diba? Edi sana mahimbing pa rin ang tulog ko ngayon! 

Kasalanan 'to lahat ni Senor Grandeur, nagtatampo ako sa kanya.

"Girls!" Agad kong inangat ang ulo ko nang makita si Iraia na nakangiti sa amin.

Nawala ata lahat ng pagod ko sa katawan nang makita ang ngiti niya. Para akong binuhusan ng sangkatutak na energy. Ganito ba talaga kapag nakakaharap namin ang mga magagandang tulad ni Iraia?

Pakiramdam ko ay kayang kaya nilang tanggalin ang lahat ng nararamdaman namin sa simpleng ngiti lang nila.

"Anong nangyari sa inyo?" Her voice sounds concern.

Nilapitan niya kami ni Sefarina at tinignan ng mabuti ang mga itsura namin. Our faces look depressed na dinagdagan pa ng ilang galos mula sa training kanina.

Iraia gave us a reassuring look and patted both our heads.

"Pinatay ni Arrow ang puso ko." Paga-arte ni Sefarina kaya agad siyang inalo ni Iraia.

Nakangiwi ko naman silang pinanood. Nakita ko kung paano hinaplos-haplos ni Iraia ang buhok ni Sefarina dahilan para kumalma ito. 

Parang gusto ko rin tuloy magpa-hele sa kanya.

"Iraia, ako pinatay. Ako mismo yung pinatay." Ma-drama ko ring sabi na ikinatawa niya.

Lumapit naman siya sakin at bahagyang hinaplos ang pisngi ko. Halos makatulog na ako sa lambot at gaan ng kamay niyang nakahawak sakin.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now