"Shit." Mahina kong mura kasabay ng biglaang pagbitaw sa telepono ni Arrow.

Kabado kong sinalubong ang mga tingin nila habang paulit-ulit kong nakikita kung ano si Dahlia.

"Rebel. She's a rebel." Bunyag ko.

Nakita ko kung paano nag-matyag ang apat na lalaki sa paligid samantalang si Sefarina ay lumapit sa akin para hawakan ang magkabila kong pisngi.

"What else, Luna?" Seryoso niyang tanong.

Magsasalita pa lang sana ako pero huli na ang lahat. They were able to surround us at alam na alam kong alam ni Dahlia na wala kaming magagawa kung hindi ang sundin ang gusto niya.

"Oh, hello my old friends." Ngiti niyang bati sa amin.

Her eyes met mine at mabilis pa sa alas-kwatrong nakita ko ang mga gusto kong makita kanina. 

Mukhang hindi naman niya naramdaman ang ginawa ko sa kanya dahil iniwas na niya ang tingin niya sa akin.

"She can nullify our crests." Mahina kong bulong.

Nang marinig ako ay hindi na nila sinubukan pang palabasin ang kani-kanilang mga crest dahil alam nilang sila lang din ang masasaktan kapag sinubukan pa nila.

"Let's have a formal introduction, shall we?" Ngisi niya.

We ended up being locked up somewhere we don't know, but I have a feeling we're still on the premises of the beach resort. As I moved, the thin strand tying my body tightened, causing me to wince in pain.

Bro naman, ang dugyot naman ng pagkamatay ko kung sakali.

"Sino naman kaya ang nag-utos ngayon para kuhanin ang pakpak ko?" Taas kilay niyang tanong pero walang kahit isa sa amin ang sumagot.

Bigla siyang lumapit sa akin dahil ako ang pinakamalapit sa kanya at hinawakan ng mahigpit ang leeg ko. 

Gusto kong magmura dahil parang mas nasaktan pa ako sa mahaba niyang kuko at hindi dahil sa sakal niya.

"Walang sasagot?!" Galit niyang sigaw.

Magsasalita na sana si Sefarina pero agad ko siyang sinamaan ng tingin na nakuha naman niya. The more they'll try to butt in, the more aggressive she'll be. 

It's not that we can't fight, but we need to know where the wings are first.

Walang kahit sinong nagsalita kahit na halos mawalan na ako ng hininga sa pagkakasakal niya sakin. Sa sobrang inis ay hinampas niya ang mukha ko.

How dare her hurt my precious face?!

"Pwe." Dura ko sa kanya at pagak na tumawa.

Nakita ko kung paano lumapit sa akin ang mga tauhan niya at mukhang handa na akong bugbugin nang makuha nila ang atensyon ni Dame na prenteng nakaupo at mukhang hindi man lang nababahalang nakidnap kami.

"What did you get out of stealing someone else's property?" He taunted at inangat ang tingin kay Dahlia.

Kung wala lang kami sa seryosong sitwasyon, magrereklamo na ako dahil na-offend ako sa tinanong niya.

"Those mystic wings are mine!" Sigaw niya muli kasabay nang paglamig ng paligid.

Nagpatay sindi ang mga ilaw at narinig namin ang malakas na pagkabasag ng mga salamin sa buong lugar. 

Kasabay ng pag-atake niya samin ang pagkatanggal ng mga tali sa katawan namin.

My mouth curved into a grin. She can nullify our crests, but she can't use all of her crests at the same time. 

Royal Academy #Wattys2020Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon