Sisigaw na sana ako para makuha ang atensyon ni Master Laidre pero kusang tumahimik ang paligid nang dumaan siya.

"He's so... gods, is he even real?!" Hindi mapakaniwalang ani Sef na naglalaway na.

Dame's casually walking towards the direction of Master Laidre na kasalukuyang may kausap na dalawang lalaki. Yung isa sa pagkakaalala ko ay si Arrow habang yung isa ay 'yong lalaking nagbantay sakin sa banyo ng mga lalaki, si Pream.

Wow, am I seeing all the Jeden in front of me? Dapat ba akong magpasalamat at matuwa?

"Sef--"

Nalaglag ang panga ko nang makita ko siyang tumatakbo papunta sa direksyon ni Dame. Ano na naman bang katangahan ang ginagawa nito?!

Akala ko ba si Arrow na ang crush niya at wala na sa listahan si Dame?!

Hindi na nakarating pa si Sefarina roon dahil biglang napunta si Master Laidre sa gitna namin kaya padabog na bumalik ang gaga sa direksyon ko.

"You're all obviously aware of what's going on."

Anong aware ka dyan Master? Kunot noo ko siyang tinignan.

Not me!

"Hindi man kayo pare-parehas ng caste but I want you to know na pagdating sa bakbakan, hindi tinitignan ang ranggo. It's how you'll survive the battle." Bigla itong sumulpot sa harap ng isa kong kaklase na halos matumba sa gulat.

Pati nga ako ay halos mapatalon sa gulat! Ang bilis naman kasing gumalaw ni Master Laidre!

"Kung presensya pa lang ng kalaban ay naaapektuhan ka na, paano ka pa magkakaroon ng pagkakataong makaatake?"

Nawala na naman ito bigla at sumulpot sa harap ng katabi ni Enfys na agad napasigaw sa sakit dahil sa biglaang pagtama sa kanya ng liwanag na pinakawalan ni Master.

"That... surely hurts." Mahinang sabi ko habang nakangiwi.

"How can you win kung palagi mong inaasahan na hindi ka matutumba?" Muli siyang nawala at napunta na naman sa harap ng isa ko na namang kaklase na natumba sa isang sipa lang ni Master Laidre.

Mas lalo akong napangiwi. Hindi ko ma-imagine kung gaano kasakit iyon dahil halata namang hindi normal na sipa 'yong ginawa niya.

"How can you win kung hindi ka marunong makipaglaro?" Nanlaki ang mata ko nang biglang tumalsik si Master matapos niyang subukang atakihin si Dame.

I even saw how Veton irritatedly tied his now messy hair due to the impact of his friend's counterattack.

What in the world just happened?! The lad didn't even move an inch! Paano niya nagawa 'yon?

Pero parang walang nangyari at muli na naman itong nasa harapan namin. "And how can you win without fighting back?"

Natahimik ang lahat. Nilibot ni Master ang tingin samin lahat nang may seryosong mukha, tila hindi nagustuhan ang nangyayari.

"Everyone likes winning, am I right? But it is not about winning, it's about how you chose to fight rather than to give up."

Master raised his hand at automatic na may matataas na pader ang umangat at pinalibutan kami. Pinigilan kong mag-panic pero sa totoo lang ay sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.

Anong nangyayari?

"In order to fight, one must know their capacities and their limitations. Now, take your time to explore what you can do and discover how far can you go."

Napatanga na lang ako nang biglang mawala silang lahat sa paningin ko at mag-isa na lang akong natira pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga salamin sa paligid ko.

Royal Academy #Wattys2020Where stories live. Discover now