C37.

2.2K 88 3
                                    

06-06-17

-Lillianna-

Naaling-pungatan ako na masakit ang katawan ko. Kaya bumaba ako kahit masakit ito. Ala-una palang pala ng madaling araw.

Pagkababa ko, nakita ko yung mga lalaki natutulog sa sala? Anong ginagawa ng mga to dito? Kahit gusto ko silang gisingin at tanungin kung bakit, pumunta nalang ako sa kusina. Ang sakit talaga kasi ng katawan ko tapos parang nanunuyuan ako ng tubig o dugo sa loob. Ayoko ng ganitong pakiramdam.

Kaya kailangan kong uminom ng tubig para mabawasan ito kahit onti manlang. Kaya para akong kuba na naglalakad.

Pagkabukas ko ng ref, kumuha ako ng baso kaso bigla itong nahulog sa kamay ko. Magigising ko pa ata sila.

Nakita ko namang parang walang nagising, kaya uminom nalang ako sa mismong pitsel. Pagkatapos kong uminom, umakyat nako. Pinabayaan ko na yung nabasag na baso at umakyat nalang. Tinatamad akong linisin to.

Pagka-akyat ko na kahit madilim, hindi ako makatulog. Anong ba kasing nangyari? Ang naaalala ko lang ay nung nagsaya kami nila Clyde kasama si Zach, tapos inuwi nila ako dito ng madaling araw. Sa bintana pa nga nila ako pinapasok e. Pwede naman sa pinto, hindi ko alam dun sa mga yun.

Narealize kong hindi masasama ang mga andun. Kung ano ang ugali dito ng mga tao, ganun din don. Talagang nagka-alitan lang talaga siguro ang dalawang angkan.

Ang totoo niyan pumapatay daw sila. Pero ginagawa nila iyon para maligtas ang mga nakatira doon. Totoo naman e. Kasi sabi nila hindi daw talaga sila masama.

Napagisip-isip ko tuloy na sa bawat isang kwento, hindi ka talaga mawawalan ng kaaway o kontrabida. Yung mga ganung role. Pero kung hindi sila ang kontrabida sa kwentong to. Sino naman?

Dahil sa kakaisip ko ng kung sinong pwedeng kontrabida. Nakatulog na ko bigla.

.........

"LILLIANNA!"-halos mapatalon ako dahil sa sumigaw ng pangalan ko.

"Ay palakang kabayo."-nahulog kasi ako sa kama. Jusko nanunuyo yung sakit ng katawan ko! Alam niyo ba yung ganung pakiramdam?

"Asan si Lillianna?"-nagpapanik nilang sabi.

"Ano bang problema niyo ha?"-umupo na ko sa gilid ng kama. Ang lalakas ng trip nitong mga to, sarap batukan. Aga-aga e.

"Anong nangyari? Ayos kalang?"-Janelle.

"Sa tingin niyo ayos lang ako? Ha? Pagkatapos niyo kong gisingin?! Nahulog na nga ako sa kama! Tapos ayos lang ako?!"-sigaw ko sakanila. Pero sigaw na biro lang ang ginawa ko.

"Pasensiya naman! May basag kasi na baso dun sa kusina, kala namin nabaliw kananaman."-Kailee.

"Nabaliw? Teka anong pinaggagagawa ko?"-tumayo na ko sa kinauupuan ko.

"Wala! Sige na bumaba ka na!"-nagsialisan naman sila.

Bigla naman ako napatingin sa damit ko dahil parang anlansa ng amoy na hindi ko malaman. Ano ba naman tong damit ko puro dugo! Sumabak ba ako sa gera ng hindi ko nalalaman?

-Kailee-

Pagkababa namin, pinaghahampas namin sila Ace para magising naman. Mahiya naman sila! Nakikitulog nalang sila dito tapos nauna pa talaga kaming magising.

Pagkagising nila. Sabay-sabay ito naghilamos. Habang naghahain kami ng kakainin namin.

Maya-maya natapos na namin lahat at nakaupo na kami't lahat wala parin si Lillianna. Ano nanaman kayang pinaggagagawa nun?

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Where stories live. Discover now