C2.

6.9K 211 19
                                    

03-16-17

-Rebecca-

Wah! Ano bang nangyari kay Lillianna?!

"Lillianna, ano bang nangyayari sayo?"sabi ni Janelle.

Pero hindi ito pinansin ni Lillianna kaya nag-aalala na kami. Tapos bigla nalang bumigat si Lillianna ibig sabihin nawalan na siya ng malay.

"Tulungan niyo kami!"sabi ko. Nako, pano kapag mangyayari nanaman?! Hindi pwede! Hindi pa kami handa! Hindi ko hahayaan mangyari ang nangyari na!

Biglang ang bilis ng pangyayari. Binuhat ng lalaking naka sumbrelo na naka mask pa si Lillianna! Ano artista ba to?

Pero baka mamaya kidnapper pala yun! Hala! Habol!

"Sino ka?!"sabi ni Kailee habang nakasunod kami sakanya, medyo matangkad siya kaya medyo nakatingala kami.

Grabe ano bang nangyayari?! Nakakahiya na! Pano ba naman lahat ng tao nakatingin na saamin!

Nang makarating kami sa clinic nawala bigla yung lalaki. Asan na yon? Hayaan mo na nga. Baka naawa lang kay Lillianna kaya siya binuhat.

"Anong nangyari sakanya?"sabi ni nurse na sumalubong samin.

"Ah, nawalan po siya bigla ng malay."sabi namin.

Hindi kami mapakali kasi pano kapag mangyari nanaman ang kinakabahala namin. Sana lang wag na mangyari, dahil sigurado ako. Mababaliw si Lillianna. Kasama na kami.

-Lillianna-

Huh? Anong! Asan ako?

"Halika laro tayo Yun!"sabi ng batang maliit, kahit malungkot siya kaya parin niyang ngumiti.

Te-teka diba ako yan?! Kamukhang kamukha ko ang batang nasa harap ko. Bakit? Pano nangyari yun?

"Habulin mo ko! "naghahabulan sila, ang saya nila. Hindi ko naranasan ang mga bagay na ganto, naglalaro ka habang masaya.

"San niyo dadalhin si Cassandra?! Kinuha niyo na ang isa ko pang anak, kaya magbabayad kayo! Hindi na kayo nakuntento! Tama nang namatay ang isa kong anak! Ipinaubaya ko na siya sainyo! Pero binalewala niyo ang kasunduan natin! "Sabi ng isang babaeng naka gown na parang reyna? Dahil may korona siya sa ulo, parang nakita ko na siya. Pero hindi ko alam kung saan.

"Cassandra!"tawag nito sa anak na kinukuha ng mga men in black.

"Kawal! Bantayan ang Prinsesa Lalisa!"utos nito habang hindi mapakali.

"Mama! Ano pong nangyayari?"inosenteng sabi ng prinsesa habang nasa likod nito ang kababata nito.

"Hala Lisa, kinukuha nila ang ate mo oh."bulong sakanya ng kababata niya, kaya nagulat siya at sumigaw.

"No! Ate! Wag niyong kukunin ang ate ko! "nagpalabas yung bata ng white na bola!sa palad niya.

"Wag Lalisa!"sigaw ng reyna sa pinakabata niyang anak.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon