C27.

2.3K 85 1
                                    

05-14-17

-Ace-

Naglalakad kami ngayon papunta sa. Saan ba?

"Kanina pa tayo lakad ng lakad, san ba tayo pupunta?"-reklamo ni Janelle.

"Magpapahinga?"-Kristoff.

"Nagtatanong ako ng maayos kaya umayos kadin ah, san nga?"-Janelle.

"Aba malay ko!"-Kristoff.

"Oy Yuan! San ba tayo pupunta? Tutal ikaw naman ang may alam!"-Marcus.

"Teka tapos na tayo kaya babalik na tayo diba? Pero bakit parang palayo na tayo ng palayo?"-Morris.

Napatingin naman ako sa paligid. Oo nga parang palayo na kami ng palayo. Napatingin naman ako kay Yuan na nakatingin nanaman kay Lillianna. Napailing nalang ako.

"Pre, tama na. Malulusaw na siya."-bulong ko dito tapos tumawa.

"Tsk, shut up."-napatingin naman siya sa iba. Kunyare pa sya! Tuktukan ko to.

"Teka! Dagat ba yon?"-napatingin naman kami lahat sa tinuturo ni Paige.

"Wah! Oo nga tara dali!"-nae-excited na sabi ni Lillianna.

Tumakbo naman sila na parang bata pero kani-kanina lang halos magpatayan na. Kung tatanungin nyo kanina? Aba halos hiwa-hiwa na sila Rebecca, baliw kasi si Lillianna, nag pa halimno.

Wala kaming magawa kundi sumunod. Ilang araw narin kami hindi nakakaligo. Aayaw pa ba kami? Pero syempre magpapahinga mo na kami hahayaan mo na namin sila.

"Lumayas ka nga sa harap ko Marcus ang baho mo!"-ako. Dikit na dikit kasi sakin tapos nasa harap ko pa.

"Wow nagsalita ang hindi!"-Marcus.

Nakita namin yung mga babae naglulunuran. Tapos yung mga damit nila puno ng dugo. Mahirap kasi i-explain yung mga damit nila. Iba-iba kasi ito. Basta parang pang digma hindi ko ba alam dyan sa mga yan.

Napaupo nalang kami sa buhangin habang hinihintay lumubog ang araw.

"Ayaw nyo maligo?"-napatingin naman kami sa mga babaeng kakaahon lang. Habang bakat na bakat pa ang katawan. Mga payatot naman.

"Wala kaming sinabi ah!"-tumayo naman si Marcus at papunta na sana sa dagat kaso pinigilan ni Janelle.

"At sa tingin mo san ka pupunta?"-Janelle.

"Aish! Bulag ka na ba Janelle? Syempre sa dagat ano ba sa--ARAY!"-hindi na natuloy ni Marcus ang sasabihin niya dahil binatukan na sya ni Janelle. Ayan sasagot pa kasi.

"May hindi pa kayo sinasabi samin."-taas kilay na sabi ni Janelle samin.

"A-Ah, eh. Ano ba yon?"-Marcus.

"Bakit tinawag kayong mahal na prinsipe ng kuya ni Lillianna?"-panliliit na matang sabi samin ni Kailee.

"Oy! Wala akong kuyang halimaw."-nakasimangot na sabi ni Lillianna.

Tumabi naman sila Lillianna sa bag nila at umupo. Bale pabilog kaming nakaupo ngayon.

"Una sa lahat, magpapakilala mo na kami."-Morris.

"Syempre ang pinaka matanda. Ang prinsipe ng kaharian ng lupa, Ace."-tumayo naman ako at yumuko tanda ng paggalang sakanila.

"Teka, totoo nga kay--"-Rebecca.

"Patapusin nyo mo na kami pwede?"-Morris.

"Ang pangalawa sa matanda. Ang prinsipe ng kaharian ng tubig, Marcus."-ginaya naman ni Marcus ang ginawa ko.

The Pranshie Academy:The Lost Princesses(On-going)Where stories live. Discover now